“Nathan…” Agad tumayo si Arwena nang makita si Nathan na nakahiga sa wheeled stretcher habang tulak ng mga medical personnel. Dadalhin na ang bata sa operating room. “Anak, be strong, okay…” naiiyak na sabi pa ni Arwena. Sumabay na rin siya sa paglalakad kasama ang mga personnel, at huminto naman sa bungad ng operating room nang pumasok na roon sila Nathan. Naiwan si Arwena na umiiyak, takip ang mga palad sa bibig at hindi matigil pagdarasal na sana ay maging maayos ang operation ni Nathan, at sana gabayan ng panginoon ang doctor at mga kasama nito sa pag-opera kay Nathan. “Wena, tahan na…” Yakap mula sa likod ang kasabay ng salitang ‘yon ni Archie, saka naman nito pinihit paharap sa kanya si Arwena. “Nathan will be fine. Alam mo naman kung gaano ka tapang ang Anak mo, hindi ba? Kaya m

