Napatingin na lang si Arwena sa kamay niya na ngayon ay pinisil-pisil na ni Mr. Tan. At sa kada pisil nito sa kamay niya, ay parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan niya. Lumakas din ang pintig ng puso niya, at parang nahihirapan na siyang habulin ito. Hindi niya gusto itong nararamdaman niya. Hinablot nito ang kamay niya, tumikhim at lumapit sa mga magulang. Pero bago siya tuluyang lumapit sa mga magulang niya ay muli pa siyang lumingon kay Mr. Tan. Gusto niya lang tingnan ang reaksyon nito. Gusto niyang alamin kung may kislap na ba ulit ang mata nito, at gusto niyang alamin kung pareho ba sila ng nararamdaman ngayon. Pero dismaya lang ang inabot niya. Seryoso pa rin kasi ito at parang galit pa rin sa kanya. Napabuga na lang siya ng hangin at mapait na ngumiti. “Sira-ulo! Ma

