Akmang aalma na naman si Archie, kaya lang agad itong dinuro ni Mr. Tan. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita o e-defend si Arwena. Si Arwena naman, imbes na sumagot, malalim na buntong-hininga na naman ang ginawa, baka sakaling mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya ngayon ay dahilan ng panghihina niya. Sunod-sunod na rebelasyon na kasi ang nangyayari, at hindi na niya alam kung ano ang unang sasagutin sa mga tanong ni Mr. Tan. Nalilito rin siya kung paano ipapaliwanag sa ama ng anak niya ang lahat. Hindi niya rin alam kung maniniwala ba ang halimaw na gaya ni Mr. Tan sa mga paliwanag niya. Ang komplikadong sitwasyon na ayaw sana niya na maranasan nila Nathan, ngayon ay nangyayari na—ngayon ay naranasan na nila, at hindi na niya alam kung paano niya pa matutupad

