Kabanata 2 Moving Forward

1043 Words
Arwena couldn't help but sigh as she held the cup of coffee. Dinadama niya ang katahimikan at lamig ng hangin sa lugar kung saan malayo sa mga taong nanakit at sumira ng buhay niya. Matapos mag-breakdown at mabagok ang ulo sa banyo noong huling nag-usap sila ni Jake ay natauhan naman siya. Natauhan siya na kahit anong gawin niya ay hindi basta-basta mawawala ang sakit na itinanim ni Jake at Farah sa puso at isip niya. Hindi niya kayang makipagplastikan at makisama sa mga tao na dahilan kung bakit siya nagdurusa. Kaya heto, naglakas-loob siyang mang ibang bansa. Sinusubukan na magbagong buhay at magsimula ulit na malayo sa mga taong nanakit at dumurog sa kanya. Pero kahit anong pilit niya, hindi pa rin mawala-wala sa sistema niya ang sakit. Hindi pa rin siya tuluyang nakalaya sa galit. "My goodness, Arwena, you've been here for two months, pero wala ka pa ring ibang ginagawa; puro inum ka lang ng kape at tanawin ang mga alon, over and over again. Hindi ka pa ba sawa ha?" Nilingon niya lang sandali ang kaibigan at humigop na naman ng kape, saka naman niya binalik ang tingin sa labas at paulit-ulit na bumuga ng hangin. Ramdam na niya ang malamig na hangin na dumampi sa pisngi niya. "Hindi ba sabi mo, you wanted to forget? Kaya nga nagpunta ka rito sa Maine, but how can you forget if you keep reminding yourself, sa mga nangyari?" Mapait siyang ngumiti at maya maya ay sinara ang bintana, saka niya hinarap si Archie— ang kaibigan niya na walang kapaguran na talakan siya tuwing madadatnan siya nitong nakatutulala habang hawak ang tasa ng kape. Sa lalim kasi ng iniisip niya, hindi na naman niya napansin ang pagdating nito, kaya huling-huling na naman siya sa akto na wala sa sarili. “Good evening, Arc," sagot niya sa talak ng kaibigan at umupo sa couch na kaharap nito. “Arwena, lumabas ka naman. Mag-enjoy ka, don't waste your time, sa katitingin sa labas." "Archie, porket hindi ba ako lumalabas ay hindi na ako nag-e-enjoy? Nag-e-enjoy kaya ako sa katitingin sa malawak na karagatan,” katwiran nito sa kaibigan na napapaismid na lang. Ilang beses na kasi siya nitong inaya na lumabas kapag wala silang pasok, pero lagi siyang tumatanggi. Mas gusto niyang manatili sa loob ng apartment kay sa gumala at maalala lang ang nangyari sa kanya. Bukod kasi sa ginawang kataksilan ng boyfriend at best friend sa kanya, paulit-ulit niya ring naalala si Mr. Tan. Naalala niya palagi kung paano siya niligtas at dinamayan nito. Nailabas niya ang lahat ng sama ng loob ng gabing ‘yon, pero kapalit naman ang pagsuko sa kanyang sarili. "Oo nga, masaya ngang panoorin pero mas mag-e-enjoy ka kapag nasa labas ka, Arwena. Mas dama mo ang freedom at mas madaling maghihilom ‘yan,” turo ni Archie ang puso ng kaibigan. Napangiti na naman ng mapait si Arwena. “Porket nandito lang ako lagi sa loob ay iniisip mo na hindi pa rin ako nag-mo-move on?” seryosong tanong niya. Umaasta nga kasi siyang okay. Na nag-move on na siya, at naghilum na ang sugat sa puso niya. Pero ang lakas ng pakiramdam ng kaibigan niya, kahit anong pagkukunwari ang gagawin niya, alam nito na nagpapanggap lang siya. "Ano pa nga ba? Hanggat lagi mo pa ring iniisip ang mga taong nanakit at ang masamang nangyari sa’yo, hindi ka makapag-move on, Arwena.” Napakamot na lang siya sa ulo at napabuga ng hangin. Ayaw kasi patalo kaibigan niya. Igigiit at igigiit nito na hindi pa nga siya okay. “Alam mo, katatalak mo mas hindi ko makakalimutan ang mga hïnayupak na ‘yon. Nagsisimula na nga akong kalimutan lahat, Archie, pero paulit-ulit mo namang pinaalala.” Inismiran niya ang kaibigan at nilapag na rin ang tasa na wala ng laman. "Ako pa ang sinisi mo? Lokohin mo ang sarili mo, Arwena, pero ako, hindi mo maloloko. Kahit umabot pa ang ngiti mo sa tainga, alam at ramdam ko na nagpapanggap ka lang na okay, pero puso mo durog na durog pa rin." Napayuko na lang si Arwena, nasapol nga kasi siya sa sinabi ng kaibigan. Alam niya na hindi tugma ang sinasabi niya sa mga kilos niya. Klarong-klaro na nagpapanggap nga lang siya. Klarong-klaro na nasasaktan pa rin siya. “Hindi ko naman sinasabi na okay na ako, Archie. Nagsisimula pa nga lang—" "Hindi—hindi ka pa nagsisimula, Arwena. Ang mga taong gustong mag-move on, kumikilos. Gumagawa ng paraan na makalimot at hindi magmukmok lang. Tulungan mo naman ang sarili mo. Nandito na nga ako. Handa kitang tulungan, pero lagi mo naman akong ni-re-reject—” “Ni reject ka r’yan? Bakit, nanligaw ka ba?" " ‘Wag mong ibahin ang usapan, Arwena. Lagi ka na lang ganyan. Lagi kang umiiwas kapag pinagsasabihan ka.” Sa haba ng talak ng kaibigan niya, wala na siyang masasabi pa. Basang-basa rin nito ang ugali niya. Kaya kahit anong palusot ang gagawin niya, hindi siya lulusot. "Alam ko, naintindihan mo ang pinupunto ko, Arwena. Kung ayaw mo na tulungan kita; tulungan mo ang sarili mo. Gumawa ka ng paraan kung paano ka makalimot. Hindi ‘yong tutunganga ka lang sa harap ng bintana at magkakape.” “Ito lang naman kasi ang alam kong paraan—" sabi ko, at napabuntong-hininga na lang. Kahit noong nasa Pilipinas pa siya, talagang hindi siya mahilig gumala, kaya nga madalas na si Farah ang kasama ni Jake. Akala naman niya, explore as friend lang ang ginagawa ng dalawa. Hindi niya alam ibang level na pala ang in-explore nila. Hinawakan ni Archie ang kamay ng kaibigan at sinabayan pa nito ng matiim na titig. “Lumabas ka naman, kahit paminsan-minsan lang, Arwena. ‘Wag mong itingga ang ganda mo rito sa loob. Sama ka sa akin ngayon. Mag-explore at mag-enjoy tayo. May bagong bukas na club, malapit sa area natin,” nakangiting aya ni Archie at niyugyog pa ang kaibigan. “Archie, naintindihan ko naman ang pinupunto mo. Alam kong concern ka lang sa akin. But alam mo namang may trauma na ako, 'di ba? Natatakot ako na baka, malasing ako, at lapitan na naman ng lalaki na magpapanggap na mabait, pero ang pakay pala ay e-take advantage ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD