Napakamot sa ulo si Archie, hindi ito makapaniwala na sa edad na five ay alam na ni Nathan ang salitang girlfriend. Napalingon din siya kay Arwena na ewan at bakit hindi maalis-alis ang tingin nito sa kamay ng babaeng kasama ng kapatid niya. “Hi, handsome,” nakangiting sabi ni Janica, hinaplos-haplos pa nito ang braso ni Mr. Tan, na para bang sinasabi nito na girlfriend nga siya ng Uncle nito. “Hello, po," magalang na sagot naman ni Nathan habang nakatingala sa matangkad na babae na kasama ni Mr. Tan, saka naman niya nilingon ang Uncle Tan niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinagot ang tanong niya. “Uncle Tan?" patanong na tawag nito sa pangalan ng Tiyuhin niya. “Tandre, tinatanong ka ng bata," nakangiting sabi ni Janica. Na kay Mr. Tan na rin ang tingin nito na para bang naghi

