Gusto niya na maramdaman siya ni Mr. Tan. Hindi ganito, hawak nga niya ang braso nito. Ang lapit-lapit nila sa isa’t-isa, pero parang hindi naman nito ramdam. Asar na nilingon ni Mr. Tan si Janica. Binaklas na rin nito ang kamay ng dating girlfriend na nakahawak sa braso niya. “Let’s get inside,” malamig na sabi na naman ni Mr. Tan. Wala nga siyang balak sagutin ang tanong nito at walang balak na makipag-usap dito tungkol sa mga personal na mga bagay. Lalo na tungkol kay Arwena na siyang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon. “Tandre, please—" tawag ni Janica sa mala-yelo sa lamig na si Mr. Tan. Pero hindi na siya nito pinansin. Nagtuloy-tuloy na itong pumasok sa restaurant, at siya, iniwan na lang basta. Napa-buntong hininga na lang si Janica. Bukod sa naiinis siya kay Tandre;

