“Fiancée?" gulat at nalilitong tanong ni Mr. Tan. Kumuyom din ang kamao nito habang nakatingin kay Archie na hinaplos-haplos ang dibdib ni Arwena. Pwede naman kasing likod lang ang hinaplos. Bakit kailangang dibdib pa? Mas nag-aalburoto pa sa galit si Mr. Tan. Wala siya sa lugar na magalit, pero hindi niya mapigil ang sarili. Hindi nga niya magawang itago ang nararamdaman niya. Bumigat kasi ang paghinga niya at pakiramdam niya, konti na lang ay masasapak na niya si Archie. "Yes, she's my fiancée," Archie replied emphatically. "So go away! Leave us alone!" sabi ni Archie sa tono na nagyayabang. Natutuwa siyang makita na kinakain ito ng selos. Hindi nga kasi ni Mr. Tan sa namumula nitong mukha at mga matang lalong naniningkit sa galit. Pero imbes na umalis si Mr. Tan, tumaas ang sul

