“Arwena, ano ba? Mananahimik ka na lang ba talaga hah? Hahayaan mo na lang ba ako na mabaliw sa pag-iisip kung anong special connection mayro’n kayo ng kapatid ko?” Kanina pa paulit-ulit na tinatanong ni Archie ang kaibigan na si Arwena tungkol sa special connection na sinasabi ng kapatid niya. Sa nakita at ginawa ni Archie kanina kay Mr. Tan, natatakot si Arwena, na baka gamitin na naman ni Archie ang malalaman nito laban sa kapatid niya. At ayaw niya na maipit si Nathan sa gulo ng magkapatid. “Ay naku, Wena, kung akala mo ay titigilan kita sa pangungulit, hindi mangyayari ‘yon. Kaya sabihin mo na kung gusto mong maging tahimik ang pagsasama natin," padabog na sabi ni Archie. Nagsisi tuloy si Arwena kung bakit sumama siya kay Archie. Wala naman kasi siyang choice, kung hindi niya lan

