bc

AKITIN SI DANIEL SEBASTIAN (SPG)

book_age18+
555
FOLLOW
4.1K
READ
HE
playboy
billionairess
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Simula’t sapul, Erin knew one thing for sure — Daniel Sebastian was out of her league. Gwapo. Matangkad. At puro dyosa ang type! Eh siya? Saktong ganda lang, saktong landi, pero todo effort! Kahit magka-cramps sa kakapapansin, deadma pa rin si Daniel sa kanya.

So she gave up. Or at least, she tried.

Pero isang gabi, nakita niya si Daniel—lasing at wasak matapos iwan ng nobyang mala-Miss Universe. At siyempre, hindi niya pinalagpas ang golden opportunity na ‘yon. A little skin, a little smile, and a whole lot of “accidental” seduction…

Malay ba niyang susunggaban agad siya ni Daniel?!

Or may ibang dahilan ang biglaan niyang atensyon?

Sa isang gabing mainit at mapusok, Erin finally had his body...

But can she ever have his heart?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tinapunan ni Erin ng naaliw na tingin si Ana. Katatapos lang ng one-hour Zumba workout nila sa apat na palapag na building ng Sad Girl Club. Nasa ikalawang palapag sila kung saan sila nagzu-Zumba tuwing umaga kasama ang iba pang miyembro ng club. Nakalaan talaga ang floor na ’yon para sa health and fitness — malawak ang lugar, may makapal na salamin sa pader, malinis ang sahig na gawa sa kahoy, at may maaliwalas na amoy ng linis at kaunting pawis. Nasa isang sulok ang mga gym equipment kung saan may ilang miyembro ring abala sa pagbubuhat at paggamit ng treadmill. Nakaupo sila ni Alicia sa lapag, pawisan at hingal pa mula sa kakasayaw, habang pinapanood ang mga co-member nila na patuloy pa rin sa Zumba. Sabay-sabay ang galaw ng karamihan, pare-pareho ang hakbang at indak sa musika. Pero may isang naiiba — si Loisa — na tila may sariling beat, sariling steps, at sariling mundo. Siniko siya ni Alicia at ininguso ang kaibigan. “Look at Loisa, parang bagong dilig ang gaga. Ang ganda ng mood. Anyare?” Napangiti si Erin at bahagyang tumango. “Pansin ko nga. Parang noong isang araw lang, kahit sino sa atin ay ayaw niyang makita o makausap dahil sa pagkakahuli niya sa shuminta niyang boyfriend.” Napabalik sa alaala ni Erin ang eksena — iyak nang iyak si Loisa dahil nahuli nito ang boyfriend niya na may ka-s*x na lalaki sa pad nito. Nakakagulat talaga. Gwapo pa naman si Ted, malaki ang katawan, at kilala sa mga payummy nitong pictures sa i********:. Pero tulad nga ng sabi ng mga kaibigan nilang bakla sa beauty salon ni Erin, mag-ingat sa mga lalaking mahilig mag-gym. Hindi naman daw gine-generalize, pero iyon na ang madalas na trend ngayon: mga lalaking nagpapaganda ng katawan para sa awra. Nothing’s wrong with being gay — choice nila iyon, buhay nila iyon — basta hindi nakakasakit ng ibang tao sa pagtatago o pagtatakip ng tunay na kasarian. Tila napansin ni Loisa na pinag-uusapan siya at bigla itong humarap sa kanila. May pilyang ngiti sa labi nito habang ikinendeng pa ang balakang papalapit sa kanila. Sa lahat ng nagwo-workout doon, si Loisa lang ang natatanging naka-heels pa rin — at hindi basta heels, kundi matingkad na pula na halatang bagong bili. “Good morning, mga sister,” bati nito nang makalapit, sabay beso sa kanya at kay Alicia. “Something tells my inner fat goddess na pinagchichikahan n’yo ako. What is it, hmm?” Umalpas ang tawa kay Erin at itinuro si Alicia. “Siya ang may sinasabi. Quiet ako, sis.” “Ay, ako talaga?” reklamo ni Alicia habang umiirap. “Sabi ko lang, parang ang pretty-pretty ngayon ni Loisa.” “Talaga ba?” Tumayo si Loisa nang bahagya at tumingin sa malaking salamin sa pader. Hinawi nito ang mahaba at wavy nitong buhok. Naiinggit si Erin sa natural na brown color ng buhok nito, lalo na sa pagka-mestiza ng kaibigan. Para talaga itong si Liza Soberano — at maraming beses na ring napagkamalan siyang kamag-anak ng sikat na teen actress. Kahit plus-size, halos mag-unahan ang mga lalaki para mapansin si Loisa. At doon, hindi maiwasan ni Erin ang maramdaman ang kirot ng kaunting inggit. Hindi kasi kailangan magpansin-pansin ni Loisa — kusa siyang napapansin ng mga lalaki. Samantalang siya… well, hindi siya kasingganda ni Loisa, at hindi rin kasinglevel ng ganda ni Alicia. Oo, may mga pagkakataon na may nagsasabi ring maganda siya — at minsan pa nga, may mga nagsasabing kamukha niya si Angel Locsin. Kahit noong high school, sinasabi na ng mga pinsan niyang bakla na may hawig nga siya sa dating Darna actress. At gaya ng nakagawian, biro lang ang sagot niya: “Enepeyern bes? Bes, joke be yen? Okay ke lang be bes?! Heh? Hmmm!” Sabay tawa, na mas ikinatatawa pa lalo ng mga pinsan niya. Flattered siya sa mga papuri, pero may parte pa rin sa kanya na hindi makapaniwala. Sa totoo lang, kuha man ang pangalan niya sa pambansang sirena na si Dyesebel, kabaligtaran naman siya ng karakter na iyon. Hindi babagay sa kanya ang mermaid role — mas bagay siyang maging si Pearl, ’yong anak ni Mr. Crab sa SpongeBob SquarePants. Lalo na at halos kasing-pula ng lipstick endorser ng Avon ang labi niya sa araw-araw. “So, ano ngang nangyari sa ’yo?” tanong ni Erin, nakataas ang kilay. “Okay ka na ngayon, ha. Ang bilis mag-move on.” “Yes,” sagot ni Loisa na parang proud pa, “and you wouldn’t believe it, guys. I got laid last night.” Magkapareho ang naging reaksyon nila ni Alicia. “OMG. Seriously, girl?” “Yup.” “Sino na naman ’yan? Huy, gaga! I know there’s nothing wrong with f*cking a closet gay, pero hindi ka pa ba nadadala, sis?” sabat ni Alicia bago uminom ng tubig mula sa bote niya. “Excuse me? I’m not f*cking another gay ha. And for the record, minsan lang naman kami ni Ted nag-s*x. Wala nga akong gaanong maalala noon kasi parehong wasted kami. Ang alam ko lang, he didn’t even eat my p***y. Gosh, doon pa lang dapat nagka-idea na ako.” “Gaga, kung kinain niya pekpek mo, malamang nalason na siya,” sabat ni Alicia sabay hagalpak ng tawa. Napatawa rin si Erin. Lason — iyon ang term na ginagamit ng mga bakla nilang kaibigan sa mga lalaking nakikipagrelasyon sa babae. “Sino nga ’yan?” sabay-usisa nila, pero umiling lang si Loisa. “No, ayoko munang i-spluk, mga sisters. Pero kilala n’yo siya for sure. He’s really hot and papable. And I can’t believe he did it with me.” “Paintriga ka pa, babae ka,” singit ni Alicia na pinaikutan pa ng mata si Loisa. Naningkit naman ang mga mata ni Erin. “Hot and papable? Huwag mong sabihing si Daniel ’yan, ha? Masasabunutan talaga kita.” Pero sa isip niya, imposibleng mangyari iyon — may girlfriend ngayon si Daniel, isang sexy model na si Gianna Montez. Latest endorser ito ng isang kilalang clothing company at madalas niyang makita sa mga commercials. Tumitig si Erin kay Loisa. Pero kung tutuusin, hindi rin imposibleng mag-cheat si Daniel — at kung ganda ang labanan, panalo ang kaibigan niya kahit sa sexy model na girlfriend nito. “Omg.” Natutop ni Loisa ang bibig at napatitig sa kanya nang malaki ang mga mata. Kumabog ang dibdib ni Erin. “What is it? Huwag mong sabihing si Daniel nga?” Daniel Sebastian Hidalgo — the love of her life. The man of her wet dreams since college days. Diyos ko, ito lang ang lalaking pinagpapansinan niya. The first time she saw him, alam na niyang gusto niya ito. Pero sadyang malupit ang tadhana — kahit magpapansin siya, wala lang sa kanya si Daniel. Kahit pa mag-split siya sa harap nito, baka mapansin lang siya as entertainment, hindi bilang babae. Alam niya ang tipo ni Daniel: sexy, long-legged girls, kadalasan ay FHM cover-worthy. Magaganda, matatangkad — at kabaligtaran niya. Siya ay plus-size, at matagal na niyang tinanggap iyon. Mula nang mapabilang siya sa Sad Girl Club, natutunan niyang yakapin ang katawan niya at alalahaning bawat babae ay maganda sa sarili niyang paraan. “Oh my God, Erin! Don’t tell me patay na patay ka pa rin kay Daniel ngayon?” bulalas ni Alicia. Ngumuso si Erin. “Ano naman ngayon? Daniel is my first love and will always be the one for me.” “My ghad, teh, ha. College ka pa lang may gusto ka na kay Daniel. Eh, twenty-six ka na ngayon, humohopia ka pa rin d’yan.” “At hindi lang hopia, asado pa,” dagdag ni Loisa, na agad niyang sinamaan ng tingin. “So, si Daniel nga ’yong kumangkang sa ’yo?” “Ma-kangkang naman ’to,” natatawang sagot ni Loisa. “Well, I believe what happened last night was more than just a f*ck.” Ramdam ni Erin ang kirot sa dibdib niya sa naging sagot ng kaibigan. So ibig bang sabihin… si Daniel nga? “Echoserang ’to,” singit ni Alicia. “Nagkangkang ka pa rin, iyon lang din ’yon.” Malungkot na bumuga ng hangin si Erin, saka inayos ang mga gamit niya. “Mauna na ako sa inyo.” “Ay, hala, what’s with the sad face?” tanong ni Loisa. Wala siyang karapatang masaktan, pero hindi niya mapigilan. “Don’t tell me iniisip mong naka-hook up ko si Daniel?” “Hindi ba?” “No! Baliw ka ba? As if naman mag-click kami. I don’t like bad boys like Daniel Sebastian Hidalgo.” At doon, tila natanggal ang bigat sa dibdib ni Erin. Napangiti siya, at nahuli iyon ni Loisa. “And I think you have more reason to smile pagkatapos ng sasabihin ko.” Kumunot ang noo ni Erin. “Ano naman?” “Hiwalay na si Daniel Sebastian at Gianna.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
44.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

Daddy Granpa

read
281.0K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.8K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
250.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook