Chapter 2

1058 Words
At tulad nga ng sinabi ni Loisa, nagkaroon lalo ng dahilan si Erin para ngumiti. Mabilis na kumalat ang balita na hiwalay na si Daniel Sebastiaan at si Gianna. Hindi pa man natatapos ang araw, nakaabot na agad iyon sa mga beking tauhan ng beauty salon ni Erin. “Madam, break na pala si Daniel at ’yong jowa niyang FHM model,” pagchika agad sa kanya ni Erika — o Erik sa tunay nitong pangalan — nang dumating siya sa salon. Abala ito sa paggupit ng buhok ng isang customer nang batiin siya. Matamis na ngumiti si Erin, na parang may tinatagong kilig sa likod ng reaksyon. “I know.” “So, madam,” nakataas ang kilay ni Erika at nakangising pilya, “anong nagawa n’yo para mademolish ang relasyon nila? Nagpakangkang ka ba kay Daniel kaya iniwanan na niya si jowa?” Napahalakhak si Erin at umupo sa tabi ng inaayusan nito. “Wag kang ano d’yan, bakla! Wala akong kinalaman sa paghihiwalay nila.” Humagilap siya ng lipstick sa bag at agad ipinatong sa labi. Gusto niyang magpaganda ngayon — lalo pa ngayong available na ulit sa merkado ang pinagnanasaan niyang Adan. “Shore, madam?” tanong ni Erika, puno ng pamimintang kilig sa tono. “Ewan ko sa ’yo, Erika! Inosente ang beauty ko d’yan.” Sa totoo lang, ikinagulat din ni Erin ang balita. Bakit naman kaya maghihiwalay si Daniel at Gianna? Halos dalawang taon na rin silang magkasama, at sa lahat ng naging girlfriend ni Daniel, si Gianna ang tumagal nang ganoon kahaba. “Sabagay,” sagot ni Erika habang patuloy sa paggupit, “ang chismis ng mga bakla sa labas, si ate girl daw ang nang-iwan kay Daniel.” “True, at ang chika, nag-propose daw ng kasal itong si Daniel kay Gianna. Siguro shocking para kay ate girl at di pa handa kaya nakipagkalas muna.” “Shocking talaga,” sagot ni Erin, medyo mababa ang tono. Mukhang seryoso na nga si Daniel noon sa babae at gusto na talaga nitong pakasalan ito. “Natakot yata, madam,” dagdag pa ni Erika, “baka mawalan agad ng career. Lalo na ngayon na unti-unti siyang nakikilala sa showbiz. Sayang nga naman ang opportunity, ’di ba?” Wala nang pakialam si Erin sa dahilan ni Gianna. Pero aminado siyang tama si Erika — sumisikat na si Gianna, at malaking oportunidad iyon. Kung magiging nakatali na ito sa isang relasyon, baka nga hindi maganda sa career ng isang nagsisimula pa lang na artista. Pero para kay Erin, maling hakbang iyon ng babae. Ang pakawalan si Daniel? Wrong move, sis. He was a good catch — noon pa man, maraming babae ang naglalaway at naghahabol sa kanya. At ngayong hiwalay na siya, sigurado si Erin na dadami ulit ang magpaparamdam. Kilala ang pamilya ni Daniel sa Batangas bilang isa sa pinakamayayamang angkan. Maraming negosyo ang mga ito sa buong lalawigan. Sa katunayan, pag-aari mismo ni Daniel ang commercial building kung saan umuupa si Erin ng dalawang pwesto para sa kanyang business — isa para sa beauty salon at isa para sa women’s clothing store. At hindi lang iyon — kahit ang katabing commercial building ay pag-aari rin ni Daniel. Ilan lang iyon sa mga negosyo nito sa bayan, hindi pa kasama ang mga establisyimentong naitayo sa mga karatig na lugar. Hindi tuloy maintindihan ni Erin si Gianna. Alam ba nito kung ilan ang handang magpaka-kabit o maging rebound lang para lang mapasakanya si Daniel? Kung siya ang nasa posisyon ni Gianna, hindi na niya pakakawalan ang lalaki. Hindi na nga nito kailangang mag-artista kapag naging asawa na siya ni Daniel. Para kay Erin, maswerte ang sinumang babae na mapili nito. To have someone like him in her life… siguro, kontento na siya habambuhay. Naalala tuloy niya ang panahon noong college pa sila ni Daniel. Noon, kuntento na siya na patingin-tingin lang sa binata mula sa malayo. Basketball player kasi ito sa unibersidad na pareho nilang pinasukan, at halos hindi niya pinalalagpas ang kahit isang laro. Lahat ng schedule, kabisado niya. Lahat ng uniform number ng team, alam niya — pero isa lang talaga ang mahalaga sa kanya: ang numerong suot ni Daniel. May isang beses nga na nagprisinta siya na magsuot ng mascot costume para sa team. Crazy idea iyon — mainit, mabigat, at hindi mo kakayanin kung mahina ang stamina mo. Pero ginawa niya iyon para lang makalapit kay Daniel. Naalala pa niya kung paano siya tumatalon at kumakaway habang nakamas, habang pinapalakpakan ng audience. At nang matapos ang game at lapitan siya ni Daniel para mag-high five at akbayan nang saglit, kahit naka-costume siya, pakiramdam niya ay para na rin siyang kinuryente sa kilig. Hindi alam ng binata na siya iyon — at mas lalong hindi alam na iyon na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay niya noon. She wasn’t totally obsessed with him — pero gusto niya ’yong pakiramdam ng pagiging malapit dito, ng makita ito nang harap-harapan. At Diyos ko, pati amoy nito, gustong-gusto niya. Kahit amoy pawis si Daniel mula sa laro, para kay Erin, iyon ang pinaka-masculine na scent na naamoy niya. Hindi iyon amoy na iiwasan mo — sa halip, gusto niyang muli-muling singhutin. Gusto niyang padaanan ng labi ang dibdib nito, ang mga braso, at bawat himaymay ng maskuladong katawan. At God knows how she wanted to kiss him — to taste his lips, then the heat of his skin, to explore his hard muscles with her tongue. Kapag naiisip niya iyon, may kung anong init na bigla na lang sumasakop sa katawan niya. At sa tuwina, natatagpuan na lang niya ang sarili sa loob ng shower room, nakapikit, ang mga daliri’y marahang humahagod at pumapasok sa kanya, hinahanap ang matinding sensasyon habang sa isip niya ay si Daniel ang kasama niya. Sa utak niya, malinaw ang eksena — siya, nakapulupot ang mga hita sa bewang nito, at si Daniel, marahas at walang awang umuulos sa pagitan niya. Ramdam niya kahit sa imahinasyon lang ang bigat at init ng katawan nito sa ibabaw niya. She wanted him inside her. She wanted him to claim her in a hard, unrelenting way. Pero kahit gaano kalinaw ang pantasya, aware siya sa realidad: she can’t have him. Ang tanging paraan para malasap niya si Daniel ay sa kanyang mga wet dreams. Pota, sa panaginip niya lang natitikman si Daniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD