"HUBARIN mo na ’yan," malamig ngunit puno ng utos na sambit ni Daniel, habang nanlilisik ang mga mata at nakatutok ang tingin sa kanya. Parang mabigat ang hangin sa pagitan nila, at kahit paano’y ramdam ni Erin ang kakaibang kilabot na may halong pananabik sa boses nito. Dahan-dahan niyang ibinaba ang zipper sa likod ng suot niyang halter dress. Ramdam niya ang lamig ng hangin na dumampi sa balat niyang unti-unting nalalantad. Hindi pa man niya tuluyang nahuhubad ang damit ay maririnig na niya ang mabigat na hinga ni Daniel, na para bang nabubuwisit sa kabagalan niya. "Let me help you," aniya, ngunit hindi iyon tunog ng alok—tunog iyon ng pagkayamot, ng isang lalaking gusto nang makuha ang gusto niya sa mismong sandaling iyon. "No, kaya ko. Baka punitin mo pa," mariing tugon ni Erin, pi

