"I KNOW what you're thinking right now." Saglit na inalis ni Daniel ang tingin sa daan at tinapunan siya ng sulyap—’yong tipong parang nababasa nito ang nasa utak niya. "You're probably thinking I'm the biggest jerk on earth." Itinikwas ni Erin ang kilay, hindi na nagpaka-plastik. "Noong isang araw ko pa napag-isipan 'yan. You are a certified jerk and that's not even a question." He let out a delicious chuckle—malalim, mababa, at nakakaloko. ’Yong klase ng tawang nakakapagpagising ng dugo kahit ayaw mo. "I know. But hey, I'm not proud of it." Nag-cross arms si Erin, umirap. "Talaga ba?" Tumango ito, balik tingin sa daan. Doon pumasok ang ilang segundo ng katahimikan. At kahit simple lang ang sinabi nito, nakaramdam siya ng kakaibang ginhawa. So, he actually knows he’s a jerk. At least

