“DON’T do that again.” Inosente ang naging tingin sa kanya ni Daniel, para bang wala itong alam. “Do what?” tanong nito, sabay ang slight tilt ng ulo na parang bata. “Yung ginawa mo kanina. It’s not funny!” Hindi naman talaga masama ang loob ni Erin sa ginawang surprise arrival ni Daniel sa salon niya, pero hindi rin niya mapigilan na mairita. Ang ending kasi, nagmukha siyang tanga. Kanina pa niya sinasabi sa phone na busy siya at hindi siya pwedeng sumama. Ang drama pa niya na tipong paghihintayin niya ito para siya ang may upper hand. Pero ang walanghiya, bigla na lang bumungad sa pintuan ng salon, live na live. Naloka siya. At kung feeling niya eh lutang na siya sa hiya, mas sigurado siyang mas naloka ang dalawa niyang empleyado—sina Erika at Duke. Lalo na at kitang-kita sa mga mata

