19

1262 Words
Tahimik ang biyahe pauwi. Hindi yung tipong awkward, hindi rin tense—just... quiet. Ang tanging tunog sa loob ng sasakyan ay ang mahina pero tuluy-tuloy na tugtog mula sa radyo at ang paminsan-minsang paglanghap ni Judas ng hangin. After the heartfelt confession, we decided that I will be sleeping at his house tonight. Well, I decided and he agreed. Bakas ang pag-aatubili sa mga mata niya kanina, pero alam kong gusto niya rin akong makasama ngayong gabi. I glanced at him. Nasa manibela ang isang kamay habang ang isa'y nakapatong lang sa hita niya—halos hindi gumagalaw. Hindi naman siya sobrang tense, pero sa bawat dampi ng liwanag mula sa mga dumadaang poste, nakikita kong halata sa mukha niya na may iniisip siya. Ganun paman, naka-focus siya sa kalsada at hindi umiimik. Kilala ko siya. At alam kong kinakabahan siya. And I get it. First time niya akong iuuwi sa bahay niya after four years—and this time, hindi sa dating bahay na puno ng masasamang alaala. Apparently, he lives in a condo in Tagaytay. Bigla tuloy akong nakonsensya dahil madalas niya palang suungin ang traffic, mapuntahan lang ako sa Santa Rosa. The drive is not that horrible, but the traffic is, especially during rush hour. So tonight, he is not going home alone—kasama na niya ako. I know I am ready. I know I want it. But Judas is afraid. Kahit ilang beses niya nang sinabing nagbago na siya, at kahit sinabi kong naniniwala akong nagbago na nga siya—may parte pa rin sa kanya na takot na bitawan ang nakaraan. Pumikit ako at sumandal sa bintana. Damn, I am nervous, too. But it's not the time to be afraid. We ought to move on, and we need to help each other. I know he's scared, but I am not. Inabot ko ang kamay niya, idinampi ang mga daliri ko sa likod nito. Halos imperceptible ang saglit na pag-flinch niya, pero naramdaman ko. Saglit siyang lumingon sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Andy..." Mahina ang boses niya, parang nag-aalangan. Hinawakan ko ang kamay niya nang mas mahigpit, caressing his knuckles with my thumb. "It's okay, Jude..." Dahan-dahan siyang huminga nang malalim. Hindi na siya sumagot. Pero hindi rin niya inalis ang kamay niya. At hindi ko rin binitiwan. We arrived after half an hour. Pagkababa ng kotse ay agad akong kumapit sa braso niya. He bit his lip and shut his eyes tight bago yumuko sa akin. He stared at me with his eyes that are full of hesitation. Nginitian ko lamang siya. "Let's go?" I asked. Bumuntong-hininga naman siya at iginiya ako papunta sa elevator. We were alone in the elevator. Nakatayo si Judas sa tabi ko, halata ang pagkatense ng mga balikat, nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng jacket niya. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko ang tension sa katawan niya. Parang ang bigat ng hangin sa paligid namin. Pasimple akong tumalikod nang magsimulang mangilid ang mga luha ko. I am starting to feel foolish, para bang ako lang ang may gustong mangyari ang lahat ng ito. Pakiramdam ko ay gusto niya akong itulak paalis, pero alam kong hindi iyon ang totoong tumatakbo sa isip niya. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at huminga ng malalim. Hindi ako pwedeng mainis dahil alam kong hindi ito madali para sa kanya. So instead, hinawakan ko ang braso niya, hinila nang kaunti para lumapit. Agad siyang napatingin sa akin, halatang nagulat. "Jude," tawag ko, mahina pero matigas ang tono. "Tingnan mo 'ko." Dahan-dahan siyang tumingin, parang natatakot sa makikita niya sa mga mata ko. Ngumiti ako. "Kasama mo 'ko kasi gusto ko." Muli siyang lumunok, pero diretso pa rin ang tingin niya sa akin, parang sinusubukan hanapin kung may pagdadalawang-isip ba siyang nakikita sa mga mata ko. Pero wala. At gusto kong siguraduhin na maramdaman niya 'yon. Kaya binitawan ko ang braso niya, pero agad kong hinawakan ang kamay niya. And this time, he entwined our fingers and held my hand tight. Napangiti ako at sinandal ang ulo sa balikat niya. Maya-maya, nagbukas ang elevator. Hinila ko siya palabas, pero siya din ang naunang maglakad para gabayan ako papunta sa unit niya. I stared at our clasped hands as he walked in front of me. Hindi ko mapigilang mapangiti ulit dahil sa tanawing ito. Nang makarating kami sa unit niya ay mabilis niyang binuksan ang pinto gamit ang password. Mabilis ang pagpindot niya, pero nakita ko ang mga numerong itinype niya. "I-Is that..." tanong ko na sinuklian niya naman ng matamis na ngiti. "Yup," sabi niya bago hinalikan ang noo ko. Sinuntok ko siya ng pabiro sa braso para itago ang kilig at kagustuhan kong umiyak. Who would have thought he would use my birthday as his passcode? "Kunwari ka pang ayaw mo ako isama, pero 'yan ang code mo!" pang-aasar ko. "Sino'ng nagsabing hindi kita gustong dalhin dito?" seryoso niyang sabi, his eyes darkened slightly. I bit my lip because of the tension that suddenly built up between us. Mula sa mga mata ko ay mabilis na bumaba ang mga titig niya sa labi ko, pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. "P-Pumasok ka na nga lang." Binuksan niya ang pinto at mahina akong itinulak papasok, na siyang ikinatawa ko. I was greeted by Judas' humble place. Hindi ko alam kung ano ang ine-expect ko sa lugar ni Judas, pero hindi ito 'yon. Wala yung grand na chandelier na nakasanayan ko, yung malalawak na hallway, matataas na kisame, yung pakiramdam na para kang nakakulong sa isang museum. Instead, simple lang ang condo niya—walang masyadong gamit, but it still looks lived-in. May mga libro sa isang shelf, may ilang halaman sa tabi ng bintana, may gamit na baso pang naiwan sa may counter. It feels so... homey. Nanatili si Judas sa may pintuan, ramdam kong pinapanood niya ang bawat reaksyon ko. Hanggang sa napansin kong nag-aalangan siyang lumapit, as if baka bigla akong magbago ng isip at lumabas ulit. Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya. "It's so simple," komento ko sa unit niya, sinadya kong gawing magaan ang tono. "You've changed." Marahan siyang tumango. "I have." Muli akong tumingin sa paligid. "Are you comfortable with me being here, Jude?" Napakapit siya sa gilid ng jacket niya, parang hindi sigurado kung paano sasagutin 'yon. "I-I'm not..." buong lakas niyang sagot. "But I want you here." Tumango ako bago nagkusang umupo sa kanyang couch. "Tell me what you're thinking, Jude." Hindi siya agad sumagot. Nanatili siyang tahimik na nakatayo sa may pintuan, parang natatakot lumapit sa akin ngayong kami na lang dalawa sa pribadong condo unit niya. "Ayaw kong isipin mo na napipilitan ako, Jude." Lumapit ako, tinanggal ang distansya sa pagitan namin. "Nandito 'ko kasi gusto kong andito ako. At gusto kong alam mong sigurado ako." "A-Are you sure?" "Yes." Dinig ko ang mabagal, pero malalim niyang paghinga. May kung anong nawala sa mga mata niya—yung hesitation, yung takot. At nang ilagay ko ang kamay ko sa pisngi niya, hinawakan niya ito, trying to make sure I will not stop touching his face. "Kasama mo 'ko," bulong ko. "At hindi na 'ko aalis." Napasinghap siya, at sa unang pagkakataon simula nang umalis kami sa amusement park, nakita ko na—yung ginhawa sa mukha niya. Dahan-dahan niyang ipinatong ang kamay niya sa bewang ko. Ngumiti ako, inilapit ang labi ko sa kanya. "If you still don't believe me, I can show you." Napakapit siya sa akin ng mas mahigpit. "Show me." And so I kissed him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD