EIDE Handa na akong makinig sa sasabihin niya, pero tumalikod siya sa akin at naglakad palapit sa pintuan. Binuksan niya ang pinto. Lumingon siya sa akin. “It’s late, Eide. You should go to sleep.” Napaawang na lang ang labi ko nang lumabas siya sa silid. Napapailing na tinuon ko na lang muli ang atensyon sa labas ng bahay niya. Naalala ko noong sinabi niya sa isla na isang organisasyon ang El Casa. Ang malaking katanungan ko, anong klaseng organisasyon? Napabuga na lang ako ng hangin nang maiwan sa ere ang sagot niya. Pinilig ko ang ulo ko para ‘wag nang isipin ang pinag-usapan namin. Nahihilo lang ako sa kaiisip. Tinanggal ko ang tuwalya sa buhok ko. Pumasok ako sa banyo para isampay ito. Basa pa ang buhok ko, kaya umupo muna ako sa upuan na nakaharap sa wall glass. Muli kong gina

