EIDE Napaatras ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. He is a member of the El Casa Organization. Kung alam ni Ark na mafia ang pinsan niya, posible rin kaya na kasapi rin ito ng parehong organisasyon? Sina Kellian, Lekaio, at Allen, mafia rin ba sila? Ngayon ko pinagtagpi-tagpi ang lahat nang biglang sumagi sa isip ko ang parehong tattoo nilang magpinsan. Could that be the symbol of their organization? Naalala ko rin ang sinabi niya kagabi na nasa teritoryo ako ng El Casa, at nang nagtanong ako tungkol dito, wala siyang binigay na sagot. Tangina, napapalibutan ako ng mga mafia! Paano kung nagpapanggap lang silang mabait sa akin? At kapag marami na akong nalalaman tungkol sa organisasyon nila, saka nila ako ididespatsa. Hindi pare-pareho ang takbo ng utak at likaw ng bituka nila

