EIDE Tumayo ako para makipagkamay sa bagong dating. Nang nilahad ko ang kamay sa harap nito, biglang parang umilag ang babaeng nagtatago sa likod nito, na akala mo ay may gagawin ako sa kanya. Nagka-phobia siguro nang binigyan ko ng kakaibang treatment sa parking area. Muli kong sinulyapan ang babaeng kaharap ko. Salubong ang kilay nito at puno ng pagtataka ang mukha. Nang ilang segundo na ang lumipas na hindi pa siya nakikipagkamay sa akin, binawi ko na ang kamay ko. I don’t force people to shake my hand if they don’t want to. Hindi rin worth it na makipagkamay sa kanya, na kung tingnan ako ay para niyang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. “Maurine, she didn’t recognize you. She’s not Heide,” agaw ni Gethro sa atensyon niya. Binalingan niya si Gethro. “What did you say?” “She’s

