Chapter 58 Mistaken

2122 Words

EIDE Nilibang ko ang sarili sa paglilinis ng buong unit namin ni Betsy. Wala kasi akong magawa. Pagkatapos naman nito, wala na akong mahanap na gawin para libangin ang sarili ko. “Nababagot ka na, ano?” agaw ni Betsy sa atensyon ko. Nasa sala kami at nanonood ng romance movie. Napilitan na lang ako manood ng gusto niya kahit nababaduyan na ako sa pinapanood namin. “Hindi,” pagkakaila ko. “Siguro, kung nasa opisina ka ni Travis, hindi ka mababagot. Pinili mo kasi ang pride mo, kaya iyan ang napapala mo ngayon,” sermon nito sa akin. Umikot ang mata ko. Tinutulak na naman niya ako para bumalik sa opisina ni Travis. “Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi magbabago ang isip ko, Betsy. Itigil mo na ang pag-corrupt sa utak ko dahil wala ring silbi. Huwag mong gawing excuse ang pag-resign

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD