EIDE Naglakad na siya palapit sa amin. Ilang sandali pa ay huminto siya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming tatlo. Kalmado lang ako dahil alam kong wala akong dapat na ipaliwanag sa kanya at wala akong tinatago, pero nang sulyapan ko si Heaven, para na itong tinakasan ng dugo. Nasa mukha niya na halatang kinakabahan siya. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kabadong-kabado siya nang makita si Travis? Parang hindi lang ito tungkol sa paglilihim niya tungkol kay Heide. Parang may malalim pa siyang dahilan. “What? Magtitigan na lang ba tayo rito? Wala kayong sasabihin sa akin?” Dinampot ko ang helmet ko. “Aalis na ako,” sabi ko. Hindi para sa akin ang tanong niya, kaya hindi na ako kailangan dito. “No, you stay here, Eide!” he commanded. Napaawang ang labi ko at hindi ko nai

