EIDE Nataranta ako nang makita kong naglakad palapit sa direksyon namin si Travis. Ngayon ako nakapag-isip-isip na maling pumunta pa ako dito. Ang gusto ko lang naman ay makita ang ama ni Heide. Pero hindi ko akalain na madadatnan ko pa pala si Travis dito. Humarang si Gethro, kaya hindi ko na nakita si Travis. Mayamaya lang ay natigilan ako nang hawakan niya ang baba ko. Nang tumingala ako, nakayuko na siya sa akin. Hanggang sa namilog na lang ang mata ko at hindi na ako nakahuma nang dumapo ang labi niya niya gilid ng labi ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ilang segundo rin akong hindi nakakilos at natulala dahil sa ginawa niya. Mayamaya lang ay tumuwid siya ng tayo at hinawakan ako sa kamay saka hinila paalis sa pwesto namin. Pumasok kami sa isang kwarto. Nang bitawan ni

