EIDE Pagbagsak niya sa sahig, daing na niya ang maririnig sa loob ng silid. Kahit nag-alala, pinigilan ko ang sariling ipakita ito sa kanya. “What the f**k, Eide! Bakit mo ako sinipa?” Nasa sahig pa rin siya. Hindi ko pa makitang sinusubukan niyang bumangon. “Sinamantala mong wala ako sa katinuan kagabi, kaya tama lang sa ‘yo ‘yan!” “What the hell are you talking about? Ikaw ang sinamantala ang sitwasyon. Nananahimik ako sa safe room, pero dumating ka at hinalikan ako. Sino ba naman ako para tanggihan ka?” sagot nito, na parang tuwang-tuwang pa sa sinabi niya. Nakagat ko na lang ang labi ko nang maalala ang nangyari. Malinaw pa sa isipan ko ang ginawa ko dahil nagsisimula palang umepekto ang kung ano mang gamot ang nilagay sa ininom ko. Bigla kong naalala ang usapan ng tatlo. Na

