EIDE Mas lalong pinainit ng maalab na halik niya ang katawan ko. A kiss isn’t enough—my body craves more. Nauubusan na ako ng hangin sa baga, pero ayaw kong putulin ang halik niya sa akin. Pareho na kaming naghahabol ng hininga. Ramdam ko ang kasabikan sa mga halik niya. Makalipas ang ilang sandali, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at nilayo sa kanya. Tinangka kong habulin ang labi niya, pero nilayo pa rin niya ako. “What happened to you? Kilala kita, Eide. Kahit umabot sa puntong pumuti na ang buhok mo, hinding-hindi ka lalapit sa akin. Kung mataas ang pride ko, mas mataas ang pride mo. Hindi ikaw ‘to,” puno ng pagtataka na sabi niya. Wala akong maibibigay na sagot sa kanya dahil maging ako ay hindi rin maintindihan ang nangyayari sa akin. All I want is to release th

