EIDE Bago pa siya umasa na ako ang kapatid niya, nilayo ko na siya sa akin. Napuno ng pagtataka ang mukha niya sa ginawa ko. “Pasensya ka na, Heaven, pero hindi ako si Heide,” paglilinaw ko sa kanya. Puno ng pagkalito na ang mababanaag sa mukha niya ngayon. “Sige, maiwan na kita.” Nagmamadali akong lumabas ng ladies room. Yayain ko nang umalis si Betsy. Ayoko nang magtagal sa lugar na ito. “Heide!” Napapalatak ako. Bakit ba pinipilit nilang ako si Heide? Huminto ako at pumihit paharap sa kanya. “Please don’t call me Heide. My name is Eide, Heaven,” pagtatama ko. Siguro naman ay sapat na ang sinabi ko para hindi niya ako tawaging Heide. “Kilala ko ang kapatid ko, kaya imposibleng hindi ikaw si Heide. What’s wrong with you? Have you lost your memory?” giit niya, kaya napabuntong-hin

