Chapter 33 New Place

2417 Words

EIDE Hindi na ako nagtagal sa opisina ni Trav. Tutal, alam ko nang siya si Travis Vittori at sinabi ko na rin sa kanya na wala sa akin ang wallet niya, umalis na ako kahit ayaw pa niya akong paalisin. Ako pa rin ang nasunod sa aming dalawa. Wala siyang nagawa kundi ipahatid ako sa inuupahan ko. Kumakain ako ng tirang pagkain na inorder ko nang may kumatok sa pinto ng apartment ko, kaya inis kong tinungo ang pintuan. Hindi na naubos ang istorbo sa buhay ko. Ayaw nila akong patahimikin kahit isang araw lang. “Ano bang prob—” Malawak na ngiti ni Aling Puring ang bumungad sa akin. Ano kaya ang masamang hangin ang nagtulak sa kanya at naligaw siya rito? Parang kailan lang ay kinukwento niya ako sa mga kapwa niya tsismosa, pero kung ngumiti siya sa harap ko ay parang hindi niya ako tinira

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD