EIDE “Paano mo nalaman na nandito ako?” bungad na tanong ko sa kanya. Malawak siyang ngumiti at kibit-balikat lang ang sinagot niya sa akin. Uminit lang ang ulo ko sa naging tugon niya. “Mag-usap nga tayo.” Inalis niya ang nakadikwatro niyang paa at tumayo. “Sure, saan tayo mag-uusap? Sa kwarto mo?” pilyo niyang sabi. Hindi niya alintana ang naging reaksyon ko nang makita siya. Wala rin siyang pakialam na may nakakarinig sa sinabi niya, kahit alam niyang may iba pa kaming kasama dito. “Sa kusina!” inis na sabi ko at tinalikuran siya. “Okay lang ba kayong dalawa?” rinig kong tanong ni Betsy. “It’s just a small misunderstanding. Don’t worry, I can handle her,” Trav said, sounding so confident that he could handle me. Narinig ko pang impit na tumili si Betsy. “Hayop, ang pogi niya

