EIDE Nang tumawa siya, saka ko lang naalala na lasing pala siya, kaya kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya. Mayamaya lang ay pinatong niya ang ulo sa dibdib ko. “Fine, leave me. I don't f*****g care. Don’t ever come back. I never want to see your face again,” he whispered, his voice fading. “Sino ka naman para balikan ko? Kaya nga gusto ko nang umalis dito para makalayo na ako sa ‘yo,” palatak na sabi ko. Kinalabit ko siya dahil lumipas na ang ilang segundo ay tahimik pa rin siya. Nang hindi siya sumagot, niyugyog ko na siya sa balikat. Napangiwi ako nang marinig ko ang mahina niyang hilik. Humugot ako ng malalim na paghinga at naghanap ng maayos na pwesto para maging komportable ako sa sofa. Sa bigat niya, nahihirapan akong kumilos. Inayos ko ang ulo niya para hindi sumaki

