EIDE Pinasadahan ko ng ilang beses ang sarili sa malaking salamin. Nandito ako ngayon sa silid ni Betsy. Katatapos lang niya akong ayusan. Pareho na kaming nakabihis. “Komportable ka ba sa suot mo, Eide? Conservative ka pa naman,” nag-aalalang tanong ni Betsy. Nakatingin din siya sa akin mula sa salamin. “Isang gabi lang naman akong magtitiis na isuot ito. Sayang naman kung hindi ko gagamitin.” Hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kanya. Malawak siyang ngumiti at puno ng paghanga akong tinitigan. “Babaeng babae ka tingnan sa dress na suot mo, girl. Ibang-iba sa amasona na kilala ko.” Bumaba ang mata niya at nanggigigil na dinala ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib ko, na parang gusto na naman niya itong dakmain. “At itong dibdib mo, punyeta, lubos na pinagpala!” Namimilo

