CHAPTER 5

1015 Words
=LIAM’S POV= MULI kong isinara ang aking palad kung saan nakapaloob doon ang isang bagay — ang kwentas na iniwan sa akin ng aking tagapagligtas. Tanging ang larawan nitong nasa loob ng palawit na kwentas ang nagsisilbing palatandaan ko sa kanya. Ngunit hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil sa tuwing titingnan ko ang larawan nito, hindi ito ang mukhang bumabalik sa aking balintataw. Napapikit ako— sa nanlalabo kong paningin noon, rumihistro ang maamong mukha ng babaeng naglitas sa akin. “Sir?” Napadilat ako at dahan-dahan lumingon. Nakatayo sa may pintuan si Gilbert—ang bagong kanang kamay ko. “Any updates?” diretsong tanong ko. Lumapit siya habang hawak ang tablet sa kamay. “We’ve checked all nearby provinces kung saan kayo natagpuan,” panimula niya. “We also tried to trace outreach groups operating in that area two years ago.” Tahimik akong nakinig. “And?” tanong ko. Bahagya siyang napahinga. “Still no exact match, sir.” Napatingin ako sa bintana. Hindi ko alam kung bakit—pero hindi ako titigil hangga't hindi siya nakikita. “Find her,” mahinahon ngunit mariin kong sabi. “Yes, sir.” Hindi ko man makita ang mukha niya nang malinaw— pero hindi ko makakalimutan ang boses niya. Malambing. Ngunit halong tapang— at determinasyon. ************************ “We had already lost hope of finding you alive, sir—especially with how deep your wound was.” “Where is she?” “She already left, baka daw nag-aalala na ang pamilya niya sa kanya..” “Did you know who she was?” Sandaling nag-atubili si David bago sumagot. “I-I’m sorry, sir. I was so focused on your critical condition that I forgot to ask about her—especially since she seemed in a hurry to leave.” Mariin akong napapikit… “What does she look like?” “She’s young, about nineteen or less. Perhaps she was familiar with that place—no one could survive there for four days without food or shelter. The area where you were found is dangerous… only a helicopter can reach it.” “So are you suggesting na—” “Yes! Maaaring malapit lang siya sa area na ’yon nakatira.” “Find her!” “Yes, Sir!” ************************ Napapikit akong muli habang binabalikan ang kapiraso ng alaala. “I’m not going to let you die here…” Parang naririnig ko pa rin ang malambing niyang boses, dahilan para lumaban ako. Kinuha ko ang aking cellphone at nagdial. “Hello, Mr.Rodrigo,” sagot sa kabilang linya —private nurse na nag-aalaga kay David. “Any progress?” deretso kong tanong. “His condition hasn’t improved.” Mahigpit kong pinisil ang hawak kong cellphone. Pumasok sa isip ko ang araw na iyon. Ang pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ni David noong araw na pumunta ito sa lugar kung saan kami natagpuan. Himalang nakaligtas ito, ngunit kapalit ng aksidenteng iyon ang kanyang pagkakaparalisado. At halos hindi makapagsalita. “He’s still trying to communicate, sir,” dagdag ng Nurse. “Pero hindi pa rin malinaw ang gusto niyang iparating.” Napabuntong-hininga ako. Siya lang ang nakakita nang personal sa babaeng nasa larawan. KINABUKASAN… Napahigpit ang hawak ko sa magazine at pabiglang naibaba ang hawak na kape. Bahagya pang natapon ang laman noon. Natuon ang aking atensyon sa isang pahina. “Young Attorney Wins High-Profile Case” Nasa gitna ng pahina ang larawan niya. Isang babae—maganda. Matapang ang tindig; mababasa sa mga mata ang kumpiyansa. “Could it be!” Mabilis kong kinuha ang kwintas mula sa bulsa ko. Binuksan ko ang palawit at tinitigan ang larawan. At saka—ikinumpara sa larawang nasa balita. “It was her!” Siya ang babaeng nasa larawan. Siya ang babaeng hinahanap ko. Mabilis akong tumayo! “Gilbert!” malakas kong tawag. Hindi nagtagal, agad siyang pumasok. “Yes, sir?” Iniabot ko sa kanya ang magazine. “Find everything about her.” Tiningnan niya ang pahina. Bahagyang nagulat. “Attorney… Raquel Santos…” basa niya. Hindi ako kumibo. Hindi ko inalis ang tingin sa larawan. “Sir?” nagtatakang tanong niya. Mariin akong napapikit sandali bago muling tumingin. “She’s the one.” Sandali itong natahimik. “Sir… are you sure?” Muli kong tiningnan ang kwintas sa kamay ko. At ang larawan sa magazine. Walang duda. “I’m certain.” Ngunit hindi ko maintindihan ang aking sarili—may bahagi na hindi ako mapalagay. May kung anong hindi tugma. Pero hindi ko pinansin. Dahil sa wakas—natagpuan ko na siya! “Set a meeting,” utos ko. “Yes, sir.” At sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon— May direksyon na ang paghahanap ko. NANG ARAW NA ‘YON… Santos & Associates Law Firm. Dahan-dahan akong naglakad papasok, kasunod si Gilbert. Agad kaming sinalubong ng receptionist. “Good morning, sir. May appointment po ba kayo?” “NO,” maikli kong sagot. “I’m here to see Attorney Raquel Santos.” Bahagya siyang nagulat. “I’m sorry, sir… Attorney Santos is currently in the US for a legal conference.” Napahinto ako. “US?” ulit ko. “Yes, sir. She won’t be back until next week.” Marahan akong tumango, ngunit hindi ako umalis. “Then I’ll speak to whoever is in charge,” dagdag ko. Nagkatinginan ang receptionist at isa pang staff bago sila tumango. “Please wait, sir.” MINUTES LATER… “Sir, this way po.” Dinala nila ako sa isang pribadong opisina. Naiwan sa labas si Gilbert. Agad na tumayo ang dalawang taong naabutan ko sa loob. Bakas ang awtoridad sa tindig ng mga ito. “Good morning,” bati ng lalaki. “I’m Atty. August Santos.” “And Atty. Loren Santos,” pakilala rin ng babae. Tumango ako. “Liam.” Saglit silang natigilan. “Please, have a seat,” sabi ng lalaki. Umupo ako, diretso ang tingin sa kanila. “I’m looking for someone,” panimula ko. “A woman who saved my life two years ago.” Nagkatinginan sila, naguguluhan. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD