“ARE you certain you are in the right place—?” tanong ng abogado.
“ —I am.” Mabilis kong sagot.
“Why come here?” tanong ng babae, bakas ang pagkalito sa mukha nito.
Inilabas ko ang kuwintas at binuksan ko ang palawit.
At ipinakita sa kanila ang larawan.
“She is Raquel Santos, isn’t she?”
Tinitigan nila ang larawan.
May dumaan na kakaiba sa kanilang mga mukha.
Pag-aalinlangan.
Pagkagulat.
At… hindi maipaliwanag na tensyon.
“Two years ago,” patuloy ko, “I was left for dead. She found me. Took care of me for days. She gave it to me bago niya ako iniwan sa ospital.”
Mas lalong tumalim ang tingin ni August.
“You’re saying… our daughter saved you?” tanong niya.
“Yes.”
Saglit na katahimikan.
Nakita ko ang pagdududa sa mga mata ng lalaki.
Does he think I’m fooling them?
“Rocky was never in any mountain two years ago,” biglang singit ng babae.
Napatingin ako sa kanya—matagal.
Ewan ko, pero nakita ko sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo— pero paano nila ipaliliwanag ang kuwintas na hawak ko?
Malalim akong bumuntunghininga, senyales ng pagsuko.
Siguro nga nagkamali lang ako…
“Sorry, I might be mistaken—it’s possible she just looks like her…”
Nagkatinginan ang mag-asawa.
“Can we know who you really are, and why you want to see my daughter?” may diin tanong ng lalaki
Diretso ko siyang tiningnan.
“Liam Rodrigo, I want to meet the woman who saved me—I want to know her more...”
Nakita kong bumadha ang gulat sa mga mata nila nang marinig ang buong pangalan at ang intensyon ko.
Muli silang nagkatinginan…
“You know, sometimes our daughter has activities that we’re not aware of— maaaring isa ang bagay na yan,” sabi ni Atty. August, mahinahon na ang boses nito.
“So, sinasabi mo na, siya nga ang nasa larawan —”
“ —Yes!” mabilis na sagot ng babae.
Napakunot ang noo ko.
“ —Ina ako, at sa klase ng trabaho namin maaaring… You know…ayaw naming mapahamak ang aming anak,” paliwanag nito. Naintindihan ko ang nais nitong tukuyin, lalo na sa klase ng propesyon ng mga ito. Maaring nais lang nilang protektahan ang anak.
“I understand.”
Pero hindi pa rin mawala sa akin ang kakaibang pakiramdam.
“May iba pa ba kayong anak?” bigla kong tanong.
Halos sabay silang napatingin sa akin.
“Why would you ask that?” tanong ni Loren.
“Because something doesn’t add up—”
“ —Si Rocky lang ang nag-iisa naming anak na abogado,” mabilis na sagot ng lalaki.
Tumikhin ang babae na tila may nais sabihin, ngunit napigil ng tumingin sa kanya ang asawa.
Namagitan ang katahimikan sa aming lahat.
“I want to see her… getting to know her..”
May kislap ng kung ano sa mata ng lalaking abogado.
“Of course! Pero may isa lang sana akong ipapakiusap…” sabi ng lalaki.
“What is it?”
“Huwag mo na sana banggitin sa kanya ang tungkol sa nangyari sa bundok at kung bakit kayo nagkakilala. It will make her depressed. You know… hindi maganda ang naging karanasan niya sa pangyayaring ‘yon—”
“ —I get it! And I totally understand,” sang-ayon ko sa lalaki, kahit kabaliktaran ang nasa loob ko, dahil para sa akin, ’yon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko —nakilala ko siya!
Tila nakahinga nang maluwag ang abodago sa sagot ko.
=THIRD PERSON’S POV=
HUMARAP ang abogada sa asawa pagkasara pa lang ng pinto ng kanilang opisina, nang masigurong tuluyan nang nakalayo si Liam, malakas ang tinig na nagsalita ito sa kabiyak.
“Why did you say that? Why did you say that Rocky is our only daughter?”
“Technically, sinabi ko sa kanya na si Rocky lang ang nag-iisa nating anak na abogado!”
“Kahit pa! Alam mo ang ibig niyang sabihin! And besides, I don’t think na si Rocky ang babaeng tinutukoy niya!”
“I know! It’s highly possible na si Celeste ang hinahanap niya. Siya lang naman ang mahilig sa mga ganoong lugar. Alam nating pareho na ayaw na ayaw ng anak mong si Rocky ang mga ganoong activity…”
“Then Why?”
“Come on… Ikaw ba kaya mong iharap sa isang Liam Rodrigo ang anak mong walang narating sa buhay?”
Hindi nakapagsalita ang abogada.
“Kahit pa! Hindi mo dapat sinabi mo ‘yon —”
“ —Loren, hindi mo ba nakikita ang posibilidad na pwedeng mangyari, kapag nagkaroon tayo ng connection sa isang Liam Rodrigo, makapangyarihang tao ang mga Rodrigo at malaki ang magiging impact nun sa pangalan natin…”
“Rocky, will not approve it!”
“Hindi niya malalaman!”
“What?”
“Narinig mo ako, Loren. Walang malalaman si Rocky sa lahat ng nangyari sa opisinang ito.”
“Ano bang iniisip mo?”
“I heard single pa ang isang Liam Rodrigo, at alam mong wala pa ring kasintahan ang ating anak. Kilala ang mga Rodrigo pagdating sa paghahanap ng magiging asawa… mas mahalaga sa kanila ang reputasyon, lalo na ang matandang Rodrigo… Alam kong magugustuhan nila si Rocky.”
“Eh, paano kung malaman ni Liam na hindi si Rocky ang babaeng hinahanap niya?”
“Bago mangyari ‘yon, sisiguraduhin ko na burado na sa isip niya ang nakilala niyang babae sa bundok or sa gubat or wherever, kung saanman sila nagkita…” matatag na sabi ng abogado.
Napabuntunghininga ang abagada.
“I can’t believe you got this far para lang sa ambisyon mo!” umiiling na sabi ng abogada. Bago pahablot, kinuha ang bag at iniwan ang asawa.
“Loren!” tawag nito.
“Loren—” ngunit malakas na pagsarado ng pinto ang isinagot nito.
Napabunga sa hangin ang lalaki, bago humarap sa bintana ng kanyang opisina.
If you see an opportunity, seize it!
Napangiti siya.
Kahit papaano, nagkaroon pa rin ng silbi ang pagiging rebelde mo, Celeste!
Itutuloy...