SHINA. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang humarap sakanya. "Ano ba kasi yon?" Inis na tanong ko at ngumiti naman siya ng bahagya kaya napairap ako. Ayoko ng mga ganon na ngiti ni Victoria. Sa isip ko ay tahimik akong nagdadasal na sana ay sumulpot na si Venice na parang kabute dahil hindi talaga ako kompoertable ngayon sa mga tingin ng babaeng ito. "Why did you gave me those flowers earlier?" Natigilan ako sa sinabi niya. Alam ba niya ang ibig sabihin ng mga iyon? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang kaba ko. Napatingin ako sakanya at punong-puno ng confusion ang mukha niya. I bit my lower lip and my mind and heart are arguing over whether I should tell the truth or make another lie. "W-Wala lang. I told myself that, the flower

