SHINA. Alas-siyete palang ng gabi ay nandito na ako kina Solar. Andito na din ang mga kaibigan ni Thunder. Abala sa paglalaro ng video games ang mga lalaki at yung mga babae naman ay kasama namin ni Solar. Nakikipagkwentuhan sila sa amin. "Anyway, what time darating si Venice?" Tanong sa akin ni Solar kaya nagkibit-balikat ako. "Sabi niya pagkatapos daw niyang kumain." Sabi ko. Nakasuot na sa amin yung royal blue na pyjamas na binili namin kanina. "Sino po si Venice, Ate Shina?" Tanong ni Wendy sa akin. "She's Victoria's little sister." Nakangiting sabi ko kaya tumango naman sila. "Lyra! Can you help us set the table?" Rinig naming tawag ni Tita Danica kay Solar. "Yes mom." Sagot naman ni Solar at lumapit sa dining area. "Maganda po ba si Venice?" Tanong ni Bea kaya natawa ako. "O

