SHINA. Napamasahe ako sa sentido ko dahil sa sobrang hyper ni Venice. Maaga akong pumunta sa mansion ng mga Lopez para sunduin siya at heto nga at hindi siya mapakali sa inuupuan niya. May hawak siyang mga paperbags na hindi ko alam ang laman at wala akong balak alamin kung para kanino dahil sigurado akong para kay Solar ang mga laman ng mga paperbags. Kagaya kanina bago ako umuwi iniabot niya sa akin ang 'pasalubong' niya. "Tingin ko hindi mabubuhat lahat yan ni Solar." Sabi ko at napatingin naman siya sa akin. I tied my hair in a high ponytail at nakasuot ako ng pink spaghetti strap croptop na hapit sa katawan ko at white pants na pinartneran ko ng white sneakers. Nagsuot nalang ako ng white cardigan dahil baka lamigin ako. "Iiwan naman natin sa kotse mo ito ate eh. Isa pa she'll go

