Chapter 03

1656 Words
SHINA. I gulped and stared at her. That's right, I never told her that I have a sister. Bestfriend nga ba talaga akong matatawag? Ni wala siyang alam sa akin kahit isa. Bigla akong nakonsensya, I know everything about her pero wala siyang alam tungkol sa akin maliban sa mga gusto at ayaw ko, deeper than that? Wala na. "Tell me Shina, you love Victoria but you didn't confess to her since your sister is inlove with her, right?" I bit my lower lip. "Yes." I answered and bit my upper lip. "Why didn't you atlease tried to confess to her?" Tanong niya pero hindi ko alam ang isasagot ko. Natapos ang klase at nagpaalam na kami ni Solar sa isa't-isa. Dumiretso ako ng kwarto ko pagkarating ko sa bahay. Mom and Dad are still busy kaya mag-isa na naman ako dito well may kasama naman ako mga maids nga lang. I wanna call Solar but maybe she's busy or something. Nagmamadaling umalis si Solar ngayon, sabi niya may date daw sila ni Moon kaya hinayaan ko nalang, doon siya masaya kaya sige support ko siya. Inayos ko na din ang mga gamit ko at lumabas na ng room. "Yunice!" Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Victoria, nakita ko siyang nakangiti at kumakaway habang tumatakbo papunta sakin. "What's wrong?" Tanong ko sakanya at hinabol muna niya ang hininga niya bago ako binigyan ng isang malaking ngiti. "May nakita akong chicken restaurant na bagong bukas! Samahan moko kumain doon!" Dahil sa sinabi niya ay agad akong nag-crave sa chicken. "Papayag ako kapag ililibre mo ako!" Kumunot ang noo niya kaya ngumisi ako. "Kaya nga kita inaya para ikaw manlibre sakin eh!" Agad ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya. Aba! Anong tingin niya sakin madaming pera? "Oy masakit yon! Ito naman di na mabiro, oo na ako na manlilibre. Napakakuripot mo parin Yunice!" Inirapan ko lang siya at akmang mauuna nang maglakad nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para bumilis na namana ng t***k ng puso ko. "Let's go!" Sabi niya at hinila na ako patakbo kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya. Tangina! Parang kinukuryente buong sistema ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya agad akong sumakay, sumunod naman siya at mabilis na pinasibad ang sasakyan niya. Mabilis kaming nakarating sa sinasabi niyang chicken restaurant. "Woah! Naaamoy ko na yung chicken!" Sabi niya at lumunok pa kaya natawa ako. Nag-order agad siya habang ako ay pinapanood lang ang bawat galaw niya. She really looks like a kid kapag favorite food niya ang pinag-uusapan and I think alam niyo na kung anong favorite food ang sinasabi ko. Nakita kong umilaw ang phone niya dahil nakalapag lang iyon sa mesa at nakita ko ang isang message galing kay Kei. I think she's asking kung anong ginagawa ni Victoria ngayon. "How's Kei?" Pag-oopen ko ng topic nang matapos siyang mag-order. "She's still the same." Maikling sagot niya sa akin kaya tumango ako, she grab her phone and started typing. "How about you?" I ask her which made her stop typing on her phone. She look at me with a smiling face. "I'm fine. After graduating i'll help Moon sa kumpanya." I smiled at her. Victoria is really an unpredictable person, akala ko ay gusto niyang maging chef. I chuckled. "Why are you laughing?" Tanong niya na nakakunot ang noo kaya umiling ako. "Naalala ko lang yung sinabi mo noon na magiging chef ka." I giggled when her face reddened. She rolled her ayes at me. "That's because you live eating so much so I want to cook for you." Sabi niya pero patuloy parin ako sa pagtawa. She puffed her cheeks and glared at me. "You love eating too Victoria, admit it." I said and she sighed. "Food is life!" Sabi niya kaya nailing ako. "Edi inamin mo din." Ngumiti na siya at ipinatong ang mukha niya sa kanyang nakatukod na kamay at tinitigan ako kaya bigla akong umiwas ng tingin. "Why are you staring?" Tanong ko sakayan at sinulyapan siyang nakatitig parin sakin kaya tinakpan ko ang mukha ko ng phone ko. "Hey!" She tried to remove my phone. "Give it back!" I quickly grab it before she can hide it at her back. Nangiting tagumpay ako nang makiha ko iyon sakanya at nagulat ako nang itaas ko ang mukha ko ay isang pulgada na lang ang distansya ng mukha namin sa isa't-isa. Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko at paglalim ng hininga ko. I can clearly smell her vanilla scent, nakatitig lang ako sa magandang mata niya. I can see the longing and confusion on her eyes. I was brought back to reality when she suddenly held my face. "Sorry!" Sabi ko at agad na tinanggal ang kamay niya, umayos na ako ng upo at nagkunwaring may ginagawa sa phone. Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumapa sa kama at nagtakip ng unan sa mukha saka impit na tumili. "Anong nangyari!?" Sinampal-sampal ko ang mukha ko at nang maramdaman ko ang p*******t nito ay agad din akong tumigil. Biglang nag-ring ang phone ko kaya napabalikwas ako ng bangon at agad hinanap ang phone sa bag ko. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Solar doon. "Goodevening Solar, why did you called?" Tanong ko, mabuti nalang at tumawag si Solar! Kahit konti ay nawala ang iniisip ko na nangyari kanina. "Nag-aya kasi mag-movie marathon si Moon, gusto ka niyng imbitahin. Okay lang ba sayo?" Tanong niya sa akin. "Sure! Wala din namang pasok bukas! What time ba?" Sagot ko at hinintay ang sagot niya. "Great! Pauwi na kami ni Moon, mas okay kung doon ka na din magdi-dinner! See you sa mansion ng mga Lopez!" Sabi niya at nagpaalam na bago patayin ang tawag. Oh gosh! Pupunta ako sa bahay ng mga Lopez! Balita ko doon nakatira si Victoria pansamantala dahil wala pa sina tita at tito. Agad akong nagtungo sa banyo para maghalf-bath. Mabilis ang galaw ko at isinuot ang pyjamas na una kong nahablot. Bumuntong-hininga ako at napatampal sa noo ko, why am I getting excited? It's just a sleepover! Umiling ako at kinuha ang maliit na bag at nagdala ng extra shirt at iba pang kakailanganin ko bago lumabas ng kwarto ko at magpahatid sa Lopez Mansion. Nang makarating kami sa mansion ng mga Lopez ay agad kong isnukbit ang bag na dala ko at ibinulsa ang phone ko. "Shinaaa!" Natutuwang sigaw ni Solar at tinakbo ang distansya namin at nagyakapan kami. Nagtawanan pa kami nang maghiwalay kami, para kasing sampung taon kaming hindi nagkita. "I told you not to run." Lumingon kami kay Moon na nakakunot ang noo pero nginitian lang siya ni Solar kay ngumisi ako, mukhang may something. "Shina dear! Let's go inside!" Aya ni Tita Sapphire kaya pumasok na nga kami sa loob at dumiretso na kami sa dining area at naupo. Kinuha ng isang maid nila ang bag na dala ko at dinala yata sa kwarto ni Solar. "I heard a car's engine." Napalingon kami sa nagsalita at nakita mamin si Victoria na umupo na din. Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya ngumiti din ko pabalik sakanya. "Let's eat now para makapagsimula na kayo." Nakangiting sabi ni tita, halata sakanya na natutuwa siya. "Why don't we turn on the karaoke first?" Suggest ni Moon kaya nagtaka kami. "Bakit? Gusto mo kumanta?" Tanong ni Victoria sakanya. "I wanna hear Solar's voice." Sabi nito kaya ngumiti ako at nag-thumbs up. "Hey! You're good at singing too." Biglang sabi ni Victoria at nginitian ako kaya nagulat naman ako. "Bakit? Gusto mo ba kantahan kita?" Pang-aasar ko kay Victoria kaya biglang lumawak ang pagkakangiti ni Moon. "Sure! Sabi mo eh!" Victoria smirked. Napatingin ako kay Solar at napansin kong tinitignan niya ako kaya nginitian ko siya. Pagkatapos nga naming kumain ay dumiretso kami sa entertainment room nila at sinet-up ang karaoke. Nagkantahan kami at nag-asaran, pinakanta din namin si Moon at Victoria na tinggihan ni Moon kaya ang ending si Solar at Victoria ang nag-duet. Nakikisabay naman sa trip namin si Moon kaya talagang masaya ang gabing ito. Kasalukuyan na kaming nanonood ngayon at ang unang isinalang nila ay Horror Movie kaya napalunok ako, matatakutin akong tao kaya duwag ako sa horror movies. "Wait! You're breaking my fingers!" "Uwaaaaaah! Wag mo kasing bitawan kamay ko!" We are both startled by Moon amd Solar's voice, nagtatalo sila at imbis na patigilin ay hinayaan lang namin sila ni Victoria. "You're breaking my fingers! Calm down!" Sabi ni Moon kaya natawa kaming dalawa ni Victoria sakanila, agad namang bumitaw si Solar na tila nahiya sa ginawa. Kinuha naman ulit ni Moon ang kamay ni Solar at hinawakan iyon kaya kinilig ako sakanila. She intertwined their fingers and Moon smiled at Solar. Oh gosh! Sana all talaga! "Fine. I will hold your hand until this freaking movie is done." Sabi ni Moon, gusto kong tumili at hampas hampasin si Victoria dahil sa kilig sa MoonSun! Oo yan na ang official name nila at ako ang number 1 shipper nila! We focused on the movie again. Nang matapos ang unang movie ay hindi na horror ang isinunod nila kaya binuksan na nila ang snacks dahil nagutom din ako sa kakapigil ng sigaw ko kapag magpapakita yung pangit na multo. "Do you want some chicken?" Tanong ni Victoria kaya napatingin ako sakanya at umiling. "Nope. I think I had enough chicken earlier." Natatawang sabi ko sakanya kaya ngumiti sya. "I don't know if I already said this before but..." She tuck the strands of my hair at the back of my ear. "You look more beautiful Yunice." My world suddenly stopped and my heart started to beat faster than the usual. The butterflies on my stomach started to fly. Why are you doing this Victoria? How is it possible to fall for someone you've been inlove with eversince?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD