Chapter 04

1530 Words
SHINA. Nagising ako kinaumagahan na si Solar na lang ang katabi ko kaya agad akong bumangon at itinali ang buhok ko. Nakatulog na pala kami kagabi, hindi ko alam kung sino ang nagpatay sa movie pero ang alam ko lang ay maayos ang tulog ko ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Umiwas agad ako dahil hindi kakayanin ng puso ko yung intensity ng pagtitig niya. Ayokong mag-assume dahil alam kong girlfriend niya ang kapatid ko pero hindi ko mapigilan dahil sa nararamdaman ko. Is she playing with me? I bit my lower lip and grab my phone. Binuksan ko ang IG ko at bumungad sa akin ang IG live ng kapatid ko pero hindi ko iyon pinanood. May nakita akong message notification kaya agad ko iyong binasa. It was from Victoria. victorialopez_ |You should get down with Solar.We're here at the garden. Huh? Bakit kailangang dm pa? Pwede naman kaming ipatawag sa mga katulong nila diba? Agad kong ginising si Solar. "Goodmorning Shina." I was startled when Moon suddenly opened the door. "I'll wake her up, Victoria's on the garden. She's helping in preparing our breakfast." Tumango nalang ako sa sinabi niya. I was about to go out when she speak again. "Don't you think Victoria needs to know too?" Tanong niya kaya napalingon ako sakanya. She's stroking Solar's hair while staring at her. "Tell her what?" Tanong ko sakanya kaya ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "That you love her." Napaiwas ako ng tingin. I cleared my throat. "Goodmorning din sayo Moon. Mauuna na akong bumaba." Sabi ko at tuluyan nang lumabas ng entertainment room. Tinanong ko sa isang kasambahay nila kung saan ang kwarto ni Solar at inihatid naman nila ako doon. Nagpasalamat ako bago tuluyang pumasok at dumiretso sa banyo niya. Napansin ko ang isang tile na may c***k pero hindi ko nalang iyon pinansin. "Why are you doing this Victoria? You're making me so confused!" Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko at malakas iyong tinampal. "Ouch! s**t!" Agad akong naghilamos at napatingin sa salamin. Namumula na ang magkabilang pisngi ko kaya napanguso ako. Lumabas na ako ng kwarto ni Solar at dumireto sa garden ng mga Lopez. Nadatnan ko si Victoria na naka-apron at naghihiwa ng mga prutas. Si Moon naman ay nakatingin lang kay Solar habang nag-aayos si Solar ng nga kitchenwares. "Goodmorning!" Bati ko kay Victoria at muntik na niyang mahulog ang fruit knife na hawak niya dahil sa gulat. "You little pup, you startled me!" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. She always say that i'm like a pup. "I'm too beautiful para maging dog! You lion!" She just laugh at me and continued slicing the fruits. Thankfully walang strawberry sa harap ko. Hindi naman sa ayaw ko sa strawberry, talagang allergic lang talaga ako doon. "Yunice? Is your sister contacting you often?" Natigilan ako sa tanong niya. "Oo naman, nangangamusta siya madalas." I lied. How many times will I lie with people? I mentally sighed. Ngumiti siya sa akin. "I'm glad. Mabuti naman at nagkakasundo na kayo." I nodded and smiled. Lies and more lies! Hanggang kailan ba ako magsisinungaling? "Goodmorning everyone!" Napangiti ako nang marinig ang boses ni Tita Sapphire. She looks energetic nang tumingin ako sakanya, she kissed everyone's cheeks before sitting on the chair. Tinulungan ko na si Victoria na buhatin ang mga prutas na nahiwa niya. Umupo na din kami ni Victoria pagkatapos naming iayos ng mga prutas sa mesa. "Anong balak niyong gawin ngayon?" Tanong ni tita nang matapos kaming magdasal. "Nothing in particular, why mom?" Tanong ni Moon at sumubo ng pagkain. "I'm just wondering if everyone can help me for your upcoming birthday." Excited na sabi ni tita. "It's still early mom. Why are you rushing?" Umirap si Tita Sapphire sa anak at hindi pinansin si Moon na ikinatawa namin. Nilagyan ni Victoria ng kung ano-ano yung pinggan ko kaya kinunotan ko siya ng noo. "Anong trip mo?" Tanong ko sakanya at nginitian lang niya ako. "Kailangan mong kumain ng madami para tumangkad ka. Tignan mo ikaw pinakamaliit dito." Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya at binigyan siya ng nakakamatay na tingin. Natigilan ito at humarap sa akin. "Anong sabi mo?" Ngumiti siya ng alanganin at lumunok. "Joke lang yon Yunice. Ito naman, pwede mag-sorry?" Agad kong piningot ang tenga niya kaya ngumiwi siya. "s**t! Sorry na Yunice! Diko na ulit sasabihin yon! Awww fvck my ears!" Sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa tenga niya. "Napakabrutal mo parin Yunice. Mabibingi na yata ako!" Eksaheradang sabi niya at hinaplos ang tenga niya na ikinairap ko. "Deserve mo yan siraulo ka!" Sabi ko at akmang babatukan siya nang mabilis itong umilag. Narinig namin ang tawanan ng lahat kaya napatingin kami sakanila at nahihiyang tumungo ako. "Si Shina lang pala ang katapat mo Victoria!" Natatawang kumento ni Solar na ikinairap ni Victoria. "Hindi kaya! Walang binatbat sakin ya--AWW!" Inapakan ko ang paa niya pero hindi ko pinansin ang pagdaing niya. "Siraulo ka din Yunice! Ang sakit non! Ang brutal mong babae ka!" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap sakanya kaya bumilis ang t***k ng puso ko. Ngumisi siya at inilapit pa lalo ang mukha niya kaya napapikit ako ng mariin, ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "ARAY!" Napamulat ako dahil pinitik niya ang noo ko. Tumayo ako at pinatunog ang mga buto sa daliri ko. Napalunok siya at dali-daling tumayo. "ILIGTAS MO AKO SOLAAAR!" Sigaw niya at nagsimulang tumakbo palayo kaya tumayo din ako at tinanggal ang tsinelas na suot ko at binato iyon sakanya. Isang ngisi ang pinakawalan ko dahil sapol ang ulo niya, pinulot niya ang tsinelas ko at nagmamadaling bumalik. "Tama na ang asaran Victoria, kumain muna kayo." Sabi ni tita kaya nag-sorry kami pareho at bumalik sa pagkain samantalang si Solar ay nagpipigil parin ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin at umiwas naman ito sa akin. "Stop bullying Shina. Bakit hindi nalang si Moon ang asarin mo Victoria?" Nakangiting suggest ni tita kaya pinigilan ko ang pagtawa. "Tita naman! Hahabulin ako ng itak ni Moon kapag ginawa ko yon sakanya." Sabi ni Victoria at sinamaan siya ng tingin ni Moon kaya nag-peace sign ito. Nagpatuloy na kami sa pagkain dahil nagalit na si tita. Pagkatapos kumain ay dumiretso kami sa kwarto ni Solar para maligo, gusto daw pumasyal ni Victoria kaya pupunta kami ngayon sa Baguio. Binatukan ko ito kanina dahil sa suggestion niya, ang layo ng Baguio tapos doon pa niya gustong pumasyal! "Huwag ka nang sumimangot Shina, pinaalam ka naman niya kina Tita hindi ba? Pagbigyan mo na si Vic." Nakangiting sabi nito kaya humiga ako sa kama niya. "Ano ba kasing naisip niya at sa Baguio pa niya gustong bumisita?" Tanong ko at nagpagulong-gulong sa kama. Tumingin ako kay Solar dahil narinig ko ang marahang pagtawa niya. "Bakit?" Tanong ko at umiling naman ito. "Natutuwa lang ako at nagkakasundo na ulit kayong dalawa." Sabi niya kaya umismid ako. Magkasundo? Eh lagi nga akong inaasar ng babaeng iyon! Ang sarap niya ibaon sa lupa! "Pero hindi ba parang pabigla-bigla naman si Victoria? I mean it's already 8:30 in the morning, anong oras naman kaya tayo makakarating doon?" Tanong ni Solar sa akin kaya napatingin ako sakanya. "I think I know why." Biglang sabi ko sakanya kaya napatingin din siya sa akin. Isang katok ang gumulat sa amin. "Solar! Yunice! tapos na ba kayo? Nasa van na si Moon!" It was Victoria's voice kaya tumayo na kami at isinukbit ang backpack namin. Sabi ni Victoria ay uuwi nalang daw kami bukas ng 3PM kaya hinayaan nalang namin siya. Gaya nga ng sabi ni Victoria ay nasa van na si Moon at nakasuot ng earphones niya, tumabi sakanya si Solar habang ako naman ay umupo sa likod nila. Pumasok si Victoria at tumabi sa akin kaya umusog ako ng kaunti. "Here we come Baguiooo!" Umirap nalang ako sa sigaw ni Victoria. "You're so loud Victoria dear." Natatawang kumento ni tita at tumabi kay Victoria. Inilabas ko ang phone ko nang maramdaman kong nag-vibrate ito. Napangiti ako nang mabasa ang message na dumating. "Why are you smiling?" Tanong ni Victoria kaya napatingin ako sakanya. "Venice is also coming back!" Masayang sabi ko na ikinakunot ng noo niya. "What? Why are you so excited to see her anyway?" Tanong nito kaya nagkibit-balikat ako. "I missed that kid anyway! I guess she's prettier than you now huh?" Ngumisi ako kay Victoria na ikinairap niya. "That kid is annoying." Kumento niya sa kapatid niya kaya kinurot ko ang tagiliran niya. "Aray ko naman!" Reklamo niya pero inirapan ko lang siya. "Saan ba siya magmamana aber?" Tanong ko. "Aba ewan ko! Ang bait ko naman tapos msunurin pa!" Narinig namin ang pagtawa ni Solar sa sinabi ni Victoria at maging si tita ay natawa din. "You sure talk a lot dear." Tumatawang sabi ni tita kaya sumimangot si Victoria. "Hoy Buwan! Ipagtanggol mo naman ako! Kakampi kita diba?" Pero hindi siya hinarap ni Moon kaya sumimangot si Victoria. "Hindi ka niya marinig Vic, she's listening to music." Victoria crossed her arms and pouted. Cute. I smiled unconciously.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD