bc

Paints and Paper

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
friends to lovers
independent
drama
sweet
bxg
lighthearted
kicking
bold
campus
highschool
small town
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

In the heart of Busan, South Korea, lived Rio, an overprotected girl who befriends her free-spirited friend, Jeongin. When her friend, Sunwoo, graduated from senior high school, leaving them in the school, Rio and Jeongin's chemistry become more deeper. Having all their time alone together, they did special things in the small town, keeping the memories in her diary. Until Rio's cousin was diagnosed and needed psychiatric help, their family had to move to South Korea. Eventually, Rio and Jeongin had to set apart and face their first challenge as a couple. Nostalgia and homesickness lead Rio to discover something that could ruin her relationship. Her family history revealed her true self and made her choose a decision: to lose her memories of Jeongin or yearn in the past.

chap-preview
Free preview
Chapter One
CHAPTER ONE 17th of March 2020, Spring Time. She gets down on her knees, browsing the pile of books in the shelf. Until her eyes took notice of the textbook she has been looking for. Kinuha niya ang libro at sinuri ang table of contents nito. Bawat branch ng mathematics ay marami siyang pagpipiliang libro, siya mismo nalilito na sa laman. Ipinasok na niya ang libro sa backpack at lumabas na ng kwarto. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, namamag-asang tulog pa ang pinsan niya. Mapapalagay na sana ang loob niya nang may marinig siyang nag-uuntugang utensils sa kusina. Naabutan niya ang pinsan na nag-aagahan. Nakaramdam naman siya ng kalam ng sikmura. Hindi pa nga pala ako kumakain. "You're late..." Ang kaniyang pinsan, Daniel or Euigeon or whatever. Tiningnan niya saglit si Rio kaya mas lalo itong kinabahan. "S-sorry, hindi ko kasi narinig ang alarm." Hindi nakaset ang alarm niya. He scoffed, "Umalis ka na kaya 'no? Late ka na nga nagising pabagal-bagal ka pa." Sungit talaga. Before wearing her black shoes, her cousin dictated, "Nga pala... sinabihan ko si Sunwoo na isumbong ka sa akin kapag hindi ka aattend sa extended hours mo. Last time tinakasan mo sila, at ayaw ko nang mauulit pa iyon." Strikto talaga siya lalo na kung pag-aaral ang pag-uusapan. Palibhasa kasi'y nasa kaniya ang responsibilidad sa pag-aalaga ng pinsan. Tumango siya bilang tugon. Nagpaalam na siya at lumabas ng bahay. Buong spring vacation wala siyang ibang inatupag kundi basahin ang mga librong pinapasalubong ng pinsan sa kaniya. It's fine as long as if it has a story or a comic, but unfortunately, those were for the sake of her marks. Hindi siya nag-aalalang mahuli sa klase dahil ginusto rin naman niya iyon. She's in the second semester of her grade eleven, kaya naman masaya siya dahil malapit nang matapos ang klase. She wants to atleast experience of being late. Ito ang unang beses na na-late siya. Kung sa ibang estudyante normal lang ito, para sa kaniya karangalan na ito. Pangarap niyang matapos ang klase nang may kakaibang nangyari sa kanya, at sa palagay niya, ang pagiging huli na sa klase ang makakaya niya lang iparanas para sa sarili niya. It'll take less than 15 minutes walk to Eastern Bay High kaya naman lalo niyang in-enjoy ang paglalakad. Isang tawid at isang liko na lang nasa school na siya. She waited the stoplight to turn green bago tuluyang tumawid. Meters left before she reach the entrance of the school when someone ran into her, causing to trip on her own feet. "Ya!" sigaw niya sa lalaki. The boy did not stop running and did not even look back. By the uniform he's on, she assumed that they're from the same school. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak, hinahabol ng tingin ang lalaking nangungulot at mukhang sira ang buhok na dumiretso lamang sa entrance. Naabutan niya ang mga kapwa late na kaklase at ang mga lumabag sa rules and regulations. The students were raising both of their hands, weighing their bags. "Kang Rio! Yang Jeongin!" The PE teacher pointed his stick at the two latecomer. Si Jeongin ba 'yong nakabangga 'ko? Pagtataka nito. Pumila na rin s'ya sa sa hanay ng mga babae at itinaas ang kamay at bag. The teacher looked dissapointed. Rio did not even bother to explain her side dahil wala siyang pakialam. Patuloy sa pagpuna ang teacher, about hairstyles, lose neck ties, and super short skirts of girls. "...and you, Yang Jeongin, may suklay ba sa bahay n'yo? Late ka na nga, ganiyan pa ang hitsura mo pagpasok." The teacher, Sir Jungeun hissed. Agad nagpigil ng tawa ang mga kaklase niya, habang ang lalaki naman ay walang naging reaksyon sa pinuna ng guro. Rio looks up at the said Jeongin. Katapat niya ang lalaki kaya mas maigi niyang nakikita ang mukha nito. Tigulang ka lang talaga sir kaya 'di mo naiintindihan ang magandang style ng buhok. Wala naman kasi akong nakikitang mali sa buhok ni Jeongin. Well...mukha lang napabayaan. She calls him by his real name kahit kaibigan niya rin ang kaisa-isahang kaibigan nito,walang iba kundi sa Sunwoo. Hindi rin naman kasi sila close kahit magkaklase sila. And besides, Sunwoo does not want her to talk to him dahil puro kabulastugan lang daw ang sasabihin ni Jeongin sa kaniya. "Another 10 minutes!" Sigaw ng teacher. Hindi niya alam kung malakas lang talaga ang braso niya o nabano lang talaga siya sa parusa. Being late isn't a bad thing, after all. She thought. 6:24 PM "So... how was your very first punishment?" Sunwoo wears a playful smile, obviously teasing the girl. She cannot focus on answering the sample equations na ginawa ni Sunwoo para sa kaniya. Nakabusangot niyang inangat ang tingin sa binata. "Shh huwag mo nga akong guluhin. Kanina ka pa ha." Kasalukuyan silang nasa study hall ng NS Building. Ito ang ginagawang pahingahan ng mga top students. She hates being in here, while her cousin and this Sunwoo guy feels exactly the opposite. Kakagaling lang ni Sunwoo sa canteen para ibili ang kaibigan ng maiinom, inilapag ng lalaki ang bottled pear juice sa mesa at humalumbaba sa harapan ni Rio. "Talagang nagsabay pa kayo ni Iyen sa parusa ah." "Tch, edi ikaw nang maaga pumasok." she retorted, twisting the cap of the juice. Nagpatuloy siya sa pagsasagot, paminsan-minsa'y titingala, feeling inaalala ang steps sa pagsasagot pero ang totoo ay wala man lang siya naalala kahit isa. Hindi siya matalino, pero napipilitan siyang magsipag kapalit ng mataas na markang hinihiling ng pinsan sa kaniya. Dahil sa kaniyang pagkukunwaring grade conscious, napapasama tuloy siya sa mga group studies ng mga top students sa 2-C. Confused, she cannot stop her fingers from browsing the textbook. Not even a blink of an eye escaped from Sunwoo. He's basically checking her out in her busy state. "I heard from Daniel-hyung na mababa ang grade mo sa math noong first semester." Sunwoo trailed off. Tiningnan niya ang lalaki. "... and why's that? Sa pagkakatanda ko wala akong pinalampas na lesson mo kaya sigurado akong master mo na 'yon, right?" He directed his sight right in front her, making the girl to take quick glances sideways. Oh, how she hates the topic. Ayaw na ayaw niyang magpaliwanag kay Sunwoo nang may kinalaman sa pag-aaral dahil hindi rin naman siya naiintindihan nito. Sunwoo's a grade 12 student, graduating siya kaya naman lahat ng pinag-aaralan nila Rio ay nasasagutan niya. Not just that, he joined a mathematics olympiad way back middle school. Kasamahan niya ang ibang year level, sila Kihyun, Moonbin at Seulgi. What can I do? Mahina talaga ako math, akala niya siguro naiinindihan ko ang mga pinagtuturo niya sa'kin. Iniisip niya kung ivo-voice out niya ba ang paliwanag niya. Sunwoo tilted his head, "Forget it." Aish. Ayoko naaa. Nangangalay na ang batok ko kakayukyok. Nagsimula nang magsulat ng kung ano-anong unrelated si Rio sa notes niya. Nagca-calligraphy. Napansin ng binata na kung ano-ano na ang pinagkaka-abalahan ng babae kaya naman hinawakan niya ang kamay nito, pinatigil siya sa ginagawa. The girl eyeballed him in an asking manner. "Tama na 'yan. Tutal mukhang wala ka ng gana." "Huh?" "Fix your things, uuwi na tayo. Tamad na tamad ka na d'yan eh." She blinks, hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. Dali-dali niyang tinago ang pencil case at ang mga libro. Sunwoo carried her lilac bag, leading the way. Naiwan ang iilang estudyante na balak pa atang magstay hanggang hatinggabi. Nagpapakagentleman na naman. Psh. Pero teka, hindi ito ang oras para awayin si Sunwoo, dapat nga magpasalamat pa ako eh. She can't help smiling, minsanan lang kasi siya payagang umuwi ng maaga, without Sunwoo's consent she'll be dead meat sa pinsan niya. Kadalasan kasi inaabot siya ng 10 pm kasama ang mga honor sa klase nila, sama-sama silang naghahasa ng utak. Hindi siya nakakasabay sa pinag-uusapan kaya naman pinapairal niya na lang ang blankong ekspresyon, o 'di kaya'y patango-tango akala mo'y naiintindihan niya. Walang nagsasalita habang naglalakad. Ilang blocks lang ang layo ng tinutuluyang apartment ni Sunwoo mula sa kanilang bahay kaya lagi siyang naiihahatid nito hanggang sa gate ng bahay nila. They've been friends since she moved here in Busan, she was twelve years old that time. Si Sunwoo ang kauna-unahang lumapit sa kaniya, at hindi siya pumapalyang tulungan ang dalaga sa lahat ng pangangailangan nito. He once compared their schedule to know when they could spend time together. At dahil nga sa magka-iba sila ng year level at schedule, tuwing lunchbreaks at awasan lang sila nagkakausap. Inuuna niyang pagtuunan ng pansin ang homework ni Rio kesa sa kaniya. Sometimes, he's extending his hour para lang masamahan sa pag-se-self study si Rio. Probably the main reason why his cousin trusts Sunwoo more than anyone else. "Sun-ie, ikaw nang bahala mag-explain sa pinsan ko. Tutal ikaw ang nagdesisyong umuwi nang maaga." Pangungumbinsi niya sa lalaki, tumango naman ito bilang sagot. Nakarating na sila sa bahay nang hawakan ni Sunwoo ang balikat ni Rio, "Agahan mo na bukas." Paalala nito at iniabot na ang kaniyang backpack. "Oo na." Ginulo niya ang buhok ng nakababata na kinainis naman nito. Nagpaalam na ang lalaki ngunit hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nito. "Pumasok ka na. Goodnight." Ngumiti siya at tumango kay Sunwoo bago tumalikod at papasok ng gate. He waited for her to enter the house, sighing, before taking a step to leave.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.2K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

Daddy Granpa

read
302.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook