Chapter Two

1321 Words
CHAPTER TWO 20th of March "Daniel, aalis ka ba mamaya?" "Matuto ka munang gumalang." Isinakbit ko ang backpack, "Opo..." Sagot ko na lang. "Kung aalis ka, i-double check mo ang gate ha. At ubusin mo 'yong niluto kong almusal." Bilin ko at hinawakan na ang doorknob. "Sama naman lasa ng luto mo. S'ya, layas na!" Sungit talaga. "Huwag kang oorder, masasayang lang 'yon sige ka!" Pahabol ko bago tuluyang lumabas ng bahay. I closed the gate and plugged in my lilac earphones, letting my playlist do the work. Lulukso-lukso pa ako, walang pakialam sa bigat ng backpack dahil sa mga nakadisplay ditong libro. "Aish, antagal naman magsidaan nitong mga sasakyang 'to!" Bulong ko at inalis ang earphone sa kaliwang tenga ko. Unti-unting nahahawi ang mga sasakyan nang may tumabi sa akin. I glanced at him, agaw pansin na naman ang buhok niyang mukhang napabayaan. Jeongin. Nabato ako sa aking kinatatayuan nang salubungin niya ang tingin ko. Blinking, trying to get distant, now I just realized I wasn't just glancing but totally checking him out. "Let's go." "H-huh?" "Kanina pa nag-green light." Ngumiti siya at nauna nang maglakad. Ano? Ni hindi man lang niya sinabi! Nag-enjoy rin atang titigan ko siya. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa room. Kakaunti pa lang ang kaklase namin, si Class Pres Beomgyu at ang mga babaeng maaga pumasok para lang magmake-up. Three seats apart ang pagitan ng desk namin ni Jeongin kaya naman kita ko sa mukha niya ang pagtataka sa nakapatong na chocolates at carton-ed strawberry milk sa mesa niya. Agang-aga may nanliligaw. Sino naman kaya sa mga babaeng 'to ang naglagay nun do'n? Tumigil na ako sa kakapanood kung ano ang susunod niyang gagawin at kinuha na ang libro sa ilalim ng desk ko. ~ "Jinjja? Sino naman ang malas na babaeng nagkagusto sa'yo?" Sunwoo joked, hindi sumagot si Jeongin. We're walking our way to the nearest cheese tonkatsu house, sawa na raw kasi si Sunwoo sa pagkain sa canteen. I started shifting my gaze at the two, sa apat na taon na nilang magkaibigan ngayon lang ako nakarinig ng tuksuhan nila tungkol sa babae. The bell chimed as we enter the shop. An unfamiliar, old english song welcomed the three of us. Kakaonti ang tao sa shop kaya mabilis kaming nakapili ng magandang pwesto. "Ako nang o-order." Jeongin volunteered as I sat down near the glass wall. Naupo naman si Sunwoo sa tabi ko. This shop is located downtown Busan, dalawang building bago ang Nineteen Avenue, ang kadalasang tambayan ng mga teenager dahil bukod sa western vibes ng mga establishments, sikat rito ang desert and drinks pubs gaya ng ice cream parlor, donut shops, karaoke club, and rundown bars. That's why I'm planning to hang out there soon with or without my stupid cousin's consent. Pinagmamasdan ko ang mga tao at sasakyang dumaraan, mabuti na lang at hindi mahapdi sa balat ang sikat ng araw kahit tanghaling tapat. My mind started to sing along to the old song, dodging the lyrics. The view became more beautiful dahil sa kanta. Inilapag na ni Jeongin ang tray sa mesa. He take a seat across mine. "Salamat." Abot tenga ang ngisi ko nang makaharap ko na ang pagkain. "Ansaya mo ah." Sabi ni Jeongin sabay abot sa akin ng utensils. Halata ba sa cute kong mukha ang kagalakan? Tahimik lang ako sa pagkain, habang nag-uusap naman 'yong dalawa tungkol sa bagong release na movie na ang bida ay bakal- bakal ang katawan. Natapos na kaming kumain at agad kaming bumalik ng school. "May lakad ako mamaya kaya hindi kita masasamahan. Makisama ka na lang muna sa table nila Yujin at sumabay ka na rin pauwi." "Mas gusto ko pang mag-aral mag-isa kesa kasama sila 'no!" Angal ko. "Ang sabihin mo, ako lang ang gusto mong makasama~" Sunwoo leans closer kaya agad kong hinarang ang kamay ko. Psh. Hindi ba siya nahihiya sa pinagsasabi niya? "Ayos ka lang?" Inerapan ko siya. "Isusumbong kita kay Daniel-hyung!" Pananakot nito na mas lalong kinainit ng ulo ko. "Huwag kang mag-alala, 'di naman ako tatakas." "Your cousin left me-" "Tss. Tama na nga 'yan." Jeongin snapped, grabbing my arm before pulling me closer, keeping me distant from the annoying Sunwoo. Tangina? "Bitaw." Utos ni Sunwoo kay Jeongin na agad naman sinunod nito. Gustuhin man ni Sunwoo na ihatid ako sa room ng 2-C, hindi naman pwede ang ibang year level sa palapag namin. Sabay kaming naglalakad papuntang room ni Jeongin, wala man lang nagtatangkang magsalita. Lagi naman kaming ganito, kapag nandiyan lang si Sunwoo kami nagkakaroon ng imikan. Pumasok kami ng classroom na parang hindi kami magkakakilala. 9:48 PM "Asan nga pala si Sunwoo-oppa? Hindi ka sinamahan?" Sa dinami-raming makakasabay ko pauwi ay si Yeonhee pa talaga. Andoon naman sila Yujin, Beomgyu, Junkyu, at Yves pero siya pa talaga ang maswerteng nakasabay ako. Kanina pa kasi hindi tumitigil ang bibig niya kakatanong. "Busy 'yong tao." Sagot ko. Sa pagkakaalam ko, sumabay lang talaga 'tong babaeng 'to dahil takot siyang maglakad mag-isa sa hallway. Nag-eecho kasi 'yong tunog ng sapatos tapos antahimik pa. Wow, Rio ha? Kung makapagsalita ka akala mo matapang ka. Tangina rin no'ng utak ko, pati sarili ko kinalaban susme. Nakalabas na kaming school nang wala masyadong naramdamang takot. "Byee." Paalam niya, kumaway naman ako pabalik. Huhuhu buti siya at ilang hakbang na lang bus stop na, eh ako? Kapag umaga nalalapitan ako pero bakit kapag gabi parang palayo nang palayo? Maglalakad ka lang, Rio... maglalakad ka lang. Maya-maya lang nasa bahay ka na. Huwag kang matakot! "Ikaw lang mag-isa?" "... takot!!" Nilingon ko ang nagsalita nang nakahawak pa sa dibdib ko. Susme, aatakihin ata ako sa lalaking 'to. "Aish! Yang Jeongin!" Muntikan ko pa siyang mahampas buti may natitira pang kontrol ang kamay ko. "Sorry." Tiningnan ko siya, kanina pa siya umuwi pero bakit nandito at naka-uniform pa rin siya? "Gabing-gabi na, ba't andito ka pa rin?" Tanong ko nang nakabawi na sa gulat. "Ako dapat ang nagsasabi n'yan...a-ah sabay na tayo." he requested. Ano pa bang choice ko? Buti nga may kasabay pa ako eh. He's one foot apart from me, ingat na ingat na magkabanggaan ang mga braso namin. We have known each other for years and still never got the chance to walk home together. Pag-awasan na kasi, nangunguna-nguna si Jeongin sa paglabas sa pinto. Rinig na rinig ang ihip ng hangin dahil sa katahimikan. Antahimik naman niya! Wala bang plano magsalita 'to? I stared at him, trying to get his attention. Coming from the street lamp light's illuminating his face, I could clearly see his eyes nailed on the street. Kakaiba rin 'tong si Jeongin 'pag seryoso eh, nakakatakot ang mukha. Pero teka...ba't ang ganda ng mata nitong lalaking 'to? Hindi man lang natinag ang seryosong mukhang niya sa tingin ko kaya naman kumurap na ako. "Whenever, wherever, whatever..." "Pardon?" "Uhm, that was the song's name, by Maxwell. The song at the shop, tanda mo ba?" Nginitian niya pa ako. I was speechless. I did not expect na sa kaniya ko pa talaga malalaman ang pangalan ng kantang iyon. "H-how did you know?" Stammering, I walked closer to him. "How did I know what? How did I know the song, or how did I know that you liked the song?" His chuckles gave me goosebumps. He looks directly into my eyes before letting out an awkward laugh. I was about to speak nang maunahan niya ako, "Andito na tayo." Sa lahat ng uwi ko, ito lang 'yong hinilingan ko for another round of walking. "Pumasok ka na." He was one meter away from me when he waved his hand, smiling. Mahirap nang makita siya ng pinsan ko, ayaw niyang may lumalapit sa aking lalaki maliban lang kay Sunwoo. "Bye...and thank you!" I waved back, turning my back on him. Hanggang makapasok akong bahay ay ayaw maalis ng ngiti ko. Shemay! Wala naman akong nakitang multo sa school pero bakit kinakabahan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD