CHAPTER THREE
22nd of March. Sunday.
...
Dialing Daniel Kang...
00:00
"Hello? Daniel?"
"Oh yeah?"
"Asan ka? Agang-aga wala ka sa bahay."
"May pinuntahan lang ako saglit..."
"Ano oras balik mo?"
"Hindi ko alam."
"Siguro may kinikita ka 'no? Asan ka ba kasi?"
"Baliw. Nasa Gangnam ako, wait ka lang jan."
"Anong ginagawa mo d'yan? Kakagaling mo lang jan last week ah?"
"Basta! 'Wag ka nang magtanong."
"Baka may ginagawa kang katarantaduhan diyan ah."
"Huwag ka ngang praning. Uuwi ako mga four or five."
"Bahala ka sa buhay mo, basta umuwi ka wala nang makain dito."
"Tss. Mag-grocery ka na lang habang wala ako, babayaran na lang kita 'pag uwi ko."
"Himala at pinayagan mo akong umalis."
"Malamang taong bahay ka ngayon."
"Okaaay, hindi ako tatanggi."
"Tch, ibaba mo na. Abala ka lang."
"Aba hoy--"
Call Ended
...
8:23 PM
"Aish bastusing pinsan." Dinutdot-dutdot ko pa ang screen bago ibulsa ang handphone.
Sa totoo lang, mabait naman talaga ang pinsan ko kaso lang may panahon talagang may saltik siya kaya kailangan mo pang magpakita ng paggalang at pagrespeto. Mas strikto ang kuya Daesung ko kesa sa kaniya.
Tumayo ako at pinagtitingnan ang ref at mga cabinet. Noong nakaraang araw lang siya namalengke tapos wala na agad kaming malamon. Paano kasi siya rin ang kumo-consume lahat.
I changed into a light pink sweater at kinuha na ang wallet at handphone. Dinouble check ko pa ang lock ng bahay bago ihanda ang gagamitin kong bike.
The bicycle ride took less than fifteen minutes. Mabilis akong namili dahil tinitipid ko ang oras, medyo natagalan lang sa kinuha kong mga ingredients para sa ibabaon kong lunch bukas.
I have a lot of things to do in less than 600 minutes.
Gumawa ako ng mental note habang naglalakad papuntang parking lot at inilagay ang brown bags sa basket.
I'll fix Daniel's bed, organize my backpack, arrange bookshelf, water my jasmines, a reviewer for history, buy books, and of course, hotdog on stick at 3 pm.
Malayo pa lang ay naagaw na ng atensyon ko ang pamilyar na lalaking lumabas ng tteokbeokki shop. He's on a blue jacket, natatakpan ng hoodie ang mukha niya kaya naman todo lingon ako habang kinokontrol ang manibela.
We're heading the same way, binilisan ko ang pagtitipa para maabutan siya.
"Jeongin!" I called. He's surprised seeing me catching up on him. Pero mas nasurprise ata ako dahil sa mukha niya.
Ba't sa school parang ilang araw na hindi nasuklay buhok niya pero ngayon...tuwid ang buhok niya at mukhang alagang-alaga.
I stopped cycling. "Hey..." Bati nito at ngumiti.
"Pauwi ka na rin ba?" Tanong ko at itinuro ang Track Avenue, dito located ang villas at malapit rin dito ang mga restaurants, gym, grocery store, at mga boutique.
It'll take less than 10 minutes mula sa kanila hanggang sa bahay namin. Sa pagkakaalam ko, magkalapit lang ang tinutuluyang apartment ni Sunwoo at Jeongin.
Mabagal ang ginagawa kong pagtitipa para lang makasabay ako sa paglalakad niya.
"May gagawin ka ba mamaya?" May paglunok pa siya nang itanong niya 'yan.
B-bat niya ako tinatanong?
"Bakit? Wala...ata."
"Hindi ka pupuntang school?"
"Ani."
"Gusto mo sumama sa'kin? K-kung ayos lang sa'yo."
Automatic na tumigil ako sa pagtitipa at nilingon siya.
A-ano 'yon? Parang date? Ganon?
"Okay lang sa'kin." Sagot ko at nginitian siya.
Pasimple ko pang tiningnan ang magiging reaksyon niya sa tugon ko kaso wala man lang siyang naging ekspresyon.
He insisted na ihatid na ako hanggang sa amin pero pinigilan ko na siya. Ang lupit ko naman kung magpapahatid pa ako eh madadaanan na namin 'yong apartment niya.
"Naka-bike naman ako kaya huwag na." Pagtanggi ko.
"Sure?" Paglilinaw niya sa desisyon ko. Tumango lang ako. Tanaw ko na rin ang apartment niya.
"Sunduin kita before lunch. Call?"
"Call."
Tinapik niya ang pisngi ko at nagpaalam, "Magdahan-dahan ka lang."
Magkaibigan nga talaga sila ni Sunwoo. Parehas nagpapakalalaki kahit totoy naman talaga sila. Which is ayaw ko dahil kinakabahan ako.
"Oo na."
Bumalanse na ako at nagtipa na pauwi.
~
Para silang mga timang. Kanina pa kasi sila walang imikan. Magsasalita ang isa pero agad itong nasusundan ng katahimikan. Bakit pa sa sila lumabas kung hindi rin naman sila mag-uusap 'di ba?
Kakatapos lang nila maglunch sa Young Wings at kasalukuyang nasa Glow Book Shop, kahit ayaw rito ni Rio dahil masungit ang cashier wala naman siyang nagawa dahil nandito ang magagandang libro na mabibili niya.
Pasikot-sikot si Rio at dinadaanan lahat ng shelf habang sinusundan lang siya ni Jeongin.
"You like books?" Asked the guy at her back.
"Not really. I just want to try reading these kind of books, hindi 'yong may sino-solve." She explained.
Kung alin ang magandang book cover, kukuhanin niya. Kapag kulay lilac, wala nang alinlangan. Kapag medyo vintage ang kulay, lalapitan. Kapag maganda ang title, susuriin.
Lumakad na naman si Rio sa pinakadulong shelf kung nasaan ang mga English books.
She tiptoed, trying to reach out the book na nagustuhan niya sa lahat ng nakita. Malayo sa katotohanan ang abot ng kamay niya sa pinahihingahan ng libro.
Her eyes widened when she felt him towering behind her, reaching for the book. Sobrang lapit niya kaya naman hindi nito napigilang mapapikit sa parusa ng amoy ni Jeongin.
A-ano ba naman 'to! Amoy binata! A-ambangooo.
"Here." Inabot ng lalaki ang libro sa namumutlang babae.
She took the book, avoiding his eye contact. "H-hehe salamat."
Nagsimula na ulit siyang maglakad papuntang counter. The guy followed, inspecting her stiff posture.
Nyemas! Ayaw mawala ng amoy niya sa ilong ko. She pondered, gripping the hem of her sweater.
Kahit naiilang ay nagawa niyang utusan ang lalaki na pumila sa counter. Pansin niya kasing lagi siyang iniismiran ng cashier kapag nagbabayad siya. Ngayon, si Jeongin ang ipapain niya.
Hah! Ano ka ngayon, ateng cashier? Mainis ka sakin lalo dahil may kasama akong gwapo!
After a couple of minutes, they went out of the book shop.
"Pagod ka na ba?" Tanong ni Jeongin at pinasadahan ng tingin si Rio.
Itinuro ng babae ang sarili, nagtataka. "A-ako?Hindi ah. Hindi ako napapagod."
Binaliktad ng binata ang suot na snapback at hinawakan ang kamay ng hindi mapakaling si Rio.
H-hoy! Ayan ka na naman! Pero sandali, parang pinipitik ang veins ko...
"Come with me. I'll show you something."
Hinila niya ang babae. "Teka! Marunong naman ako maglakad eh!" Bulalas nito.
"Alam ko, may sinabi ba akong hindi ka marunong?" He chuckled, shoving his hands inside the pockets of his bomber jacket.
She playfully lift her hand and was about to hit him but then Jeongin glanced at her, automatic niyang naibaba ang kamay at nagkunwaring inaayos ang kaniyang buhok.
Wala talagang control ang kamay mo, Rio! Baka mamaya isipin niyang feeling close ka.
"..."
"Silly." Ngumiti siya at walang pasabing hinigit ang babae.
~
"..."
"First time mo rito?" Kunot-noong tanong niya.
Tumango ako. "Oo eh. Mas maganda pala dito kapag sa malapitan."
"You're right,"
"..."
"This place became my home too. Magmula nang lumipat akong Busan, ito na ang naging paborito kong lugar." He trailed off as his gaze shifts at me and the blinding sparks of the bay. Animo'y in love na in love siya sa dagat kung makatingin.
Dinala niya ako sa Eastern Bay Waterfront, located ito malapit sa Eastern Bay High pero believe me, never pa akong nakapunta rito. And I never knew na maganda nga pala talaga dito. I can see the almost-silhouette ranges of buildings, white cruise ships, the mountain, the lighthouse, at may mga food trucks rin malapit sa entrance, and of course, the bay, maganda lalo itong pagmasdan dahil kumikinang dahil sa sikat ng araw.
"Uhm, wala 'kong paboritong lugar. But I always want to spend my night at my window seat in my room. 'Yon lang ang gusto ko." Kita ko sa gilid ng aking mata ang tingin niya sa akin sa bawat pagbuka ng bibig ko.
May mali ba sa sinabi ko?
"Bakit...bakit tayo pumunta dito? Wala ka bang gawa sa inyo?" I asked out of the blue. I sneak glimpses, watching him rake his fingers through his hair.
Tama nga ang pinsan ko. Mas gumagwapo kapag maganda ang buhok ng lalaki lalo na't pinasadahan ito ng kamay.
Rio, napapaano ka ba? Did you just compliment him?
"Uso ba talaga sa'yo ang magspace-out?"
"...compliment!"
Nanlalaki ang mata ko nang marealize ko ang pagpapahiya sa akin ng sariling utak at bibig ko.
Ngina ka talaga, Rio! Nakakahiya ka!
"Pambihira." Bulong nito at umiling-iling.
"Hehe 'wag mo na lang isipin 'yong sinabi ko... hehe ano na nga ba 'yong topic natin?'
"Forget it."
"...a-ayon tanda ko na! Sooo, bakit ulit tayo pumunta dito?"
Nagkatinginan pa kami nang sabay kaming magsalita.
Akala niya siguro mapapalampas ko 'yong tanong kong 'yon. Buti nalang sharp ang memory mo, Rio!
"Night shift ako." Sumagot na lang siya bilang surrender.
Pero teka...
"Night shift? Nagtatrabaho ka?!"
"Ba't parang gulat na gulat ka? Normal lang naman ang part time jobs sa mga estudyanteng walang magawa sa buhay."
Sumandal akong railings at nagcrossed arms.
"Kaya ba nagkita tayo last last night? Galing ka sa trabaho non?" Tanong ko, tumango naman siya.
"Saan ka nagtatrabaho? Kapag free time ko, puntahan kita." May pagpalakpak pa ako sa naisip kong ideya.
Tama, bibisitahin ko siya doon at papanuorin siya!
Erase erase! S-sandali nga muna Kang Rio! Anong pinagsasabi mo? Walang pagbisita at panonood na magaganap! Grrr!
"I won't tell you." Tuluyang gumuho ang binuo kong plano.
"Hindi naman kita guguluhin doon eh. Behave lang ako, promise!" Itinaas ko pa ang kamay ko na parang nanunumpa. Napatawa naman siya sa ginawa ko.
Tingini? Ang bilis niya magpalit ng mood.
Hinihintay ko siyang magsalita pero mukhang wala siyang balak ipaalam 'yon sa'kin kaya napanguso na lang ako sa panghihinayang.
"Kahit 'wag ka nang mag-effort ngumuso d'yan, tutal mukha ka naman laging nakanguso."
Nak ng! Kuya Daesuuungg? Pinsang Danieeel?! Bakit ba ako lang sa pamilya ang ganito ang bibig?
This time, hindi ko na pinigilan ang kamay kong bigwasan siya.
"YANG JEONGIN!" Patawa-tawa pa ang kumag ng suntok-suntokin ko siya.
Tatama pa sana ang suntok ko kaso sinalag niya na. Pinaandaran niya na naman ako ng seryosong mukha niya kaya natahimik na rin ako. Kinabahan na naman ako nang isuot niya sa akin ang snapback.
"Nagugutom na ako. Kain tayo." Bakit ba ang galing niya magbago ng ekspresyon? Ngiting-ngiti na ngayon ang loko.
Hinila na naman niya ako ngunit hindi ako natinag kahit nararamdaman ko na naman na pumipitik ang veins ko dahil masyado akong focus sa panonood sa side profile niya habang hila-hila niya ako.
Susme. Patawarin niyo po ako sa pagtingin sa sagradong dimples at jawline ng lalaking 'to!
Pakiramdam ko bumalik ako sa katinuan ng tumigil kami sa paglalakad.
A-asan kami?
Oh my god! Nasisilaw ako sa karatula ng maliit na shop. Na-starstruck ako sa mga hotdogs. Buong akala ko hindi ako makakakain nito ngayon, buti dito niya ako dinala.
"Kumakain ka ba nito?" Napatigil ako sa paglanghap ng tanungin ako ni Jeongin.
Aba, anong tingin niya sa akin?
"Orderan mo akong marami!" Utos ko or more like panghahamon ko.
Tumawa na naman siya sa sinabi ko.
hotdog on stick at 3pm, check!
Naupo muna kami sa isang bench habang nagpapaligsahan sa pagkain.
"Ansarap." Bulong ko.
"Don't tell me first time mo ring makakain nito?"
I shook my head, "Ani, gustong-gusto ko kaya nito."
Nakaubos na ako ng tatlong stick at sinimulan ko nang hindi siya kausapin dahil busy ako sa pagkain. Tapos na siya kumain kaya naman pinipigilan kong huwag magpadistract kahit patingin-tingin siya.
Minadali ko nang kumain. Habang nagpupunas ako nang bibig ay inabot niya ang bottled juice. Feeling ko tuloy hindi na ako makaka-ibo sa kabusugan.
"Ano kaya pa?" Tumayo na siya at inilahad ang kamay niya.
Kisap-mata kong sinusuri ang kamay niya.
"What?" Nagtataka kong tanong.
"Akin na kako 'yung basura mo, itatapon ko." Masungit na sagot nito. Iniabot ko naman agad sa kaniya ang mga kalat ko at itinapon niya sa trash can.
Shet, napapadalas na 'tong kaba kong ito.
Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi, feeling ko kasi ang init.
Tumayo na ako at binitbit ang paper bag na may lamang apat na libro.
Naglalakad kami palabas ng Eastern Waterfront kaya naman tinagalan ko na ang huling tingin ko.
Habang nadaragdagan ang hakbang namin ay itinuon ko na lang sa katabi ko ang atensyon.
Thank you, Jeongin. Kahit nahahawa na ako sa kaka-ngiti mo, salamat pa rin.