CHAPTER SEVEN
5th of April, Sunday.
"Kanina pa nasa baba si Sunwoo, ambagal mo talaga kumilos kahit kelan!" Binatikal niya ako ng BB cream sabay nagmartsa palabas ng aking kwarto.
"Aish sandali sabi eh!" Galit-galitan kong sabi. Minadali ko na ang pag-aayos ng mukha at ng buhok ko. Let me get this straight, hindi ako naghahanda't nagpapaganda para kay Sunwoo ha, sadyang gusto ko lang subukan 'yong pinamili ng pinsan kong mga skin care products. Sayang naman kasi kung siya lang ang makikinabang.
Muli kong tinitigan ang itsurahin ko sa salamin, ang cute ko talaga ba't hindi 'yon makita ni Iyen?
Bumaba na ako at naabutan si Sunwoo na nakade-kwatro pa. Feel at home talaga kahit kelan.
"You look different. Hindi mo naman na kailangan magpaganda para sa'min ng nanay ko." Sinalubong ako ni Sunwoo at inakbayan pa ako pero agad kong inalis ang kamay niya sa balikat ko.
Sabi na nga ba 'yan ang iisipin niya.
"Sunwoo, ibalik mo ang pinsan ko ng ligtas at buo ha. 'Pag 'yan hindi mo nahatid bago mag alas dos, yari ka sa'kin." Paalala ni Daniel, sumagot naman si Sunwoo ng ikapapanatag ng pinsan ko.
"Hyung, alis na kami. Don't worry, nasa kabilang avenue lang naman kami eh." Tumawa pa si Sunwoo at ipinatong pa ang kamay sa ulo ko.
Dahil tamad maglakad si Sunwoo, nagtaxi na lang kami. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan pa ako.
Malaki ang villa na tinutuluyan nila Sunwoo, mayroong limang palapag at mukhang yamanin lang ang makaka-afford.
"Taga-rito si Iyen, 'di ba?" Tanong ko nang sumakay na kaming elevator.
"Uhm, one building apart kami. Do'n pa siya sa kabila." Paliwanag niya.
"Ba't hindi hinanap ng mommy mo si Jeongin?" Tanong ko, nagkibit-balikat naman siya. Parehas naman kaming kaibigan ni Sunwoo pero bakit ako lang 'di ba?
Nag-iisip na ako ng pwedeng sabihin sa nanay ni Sunwoo, hirap kaya kapag walang topic.
Nang makarating kami sa ikalawang palapag ay malayo pa lang tanaw ko na ang nanay niya na kumakaway pa. Naka-apron si tita at nakabun pa ang buhok.
Nang makalapit ay agad niya akong sinalubong ng yakap at pinanggigilan pa ako.
"Rio deaar~" Feeling ko tuloy nagcurl yung dila niya nang batiin niya ako.
"Mom, baka hindi na makahinga si Rio n'yan."
Hinawakan ako ng nanay niya sa kamay at hinigit ako papasok sa loob, sumalubong naman ang amoy ng... grilled beef?
"Nako, nako hija, dalagang-dalaga ka na! At mas lalo kang gumanda!" Pinisil niya ang pisngi ko at niyakap na naman ako.
"Hehe thank you po."
Inalok akong umupo ni Sunwoo habang naghahanda ng pagkain ang nanay niya.
Habang naghihintay ay inilibot ko ang paningin sa bahay ni Sunwoo. Ito ang unang beses na nakapasok ako rito dahil siya madalas ang nadalaw sa bahay namin.
"Oy, parang may recitation kung kabahan ka kay mom ah. Chill ka lang!" Napansin niya atang hindi ako mapakali.
Maya-maya ay dumating ang nanay niya na may dala-dalang tray. "Kain ka muna, Rio. Maya-maya kakain na rin tayong lunch, naghanda akong marami para sa'yo. I'm sure magugustuhan mo ang luto ko."
"Uhm, salamat tita hehe."
"Any time, my dear. Sunwoo! Ikaw na munang bahala sa niluluto ko ha? Mag-uusap muna kami rito ni Rio." Tinaboy niya ang kaniyang anak, napakamot ulo na lang tuloy si Sunwoo.
Kinapalan ko na ang mukha ko at dinampot ang fairy bread at ang basong may wine.
"So... kamusta na kayo ni Sunwoo?" Muntikan ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa tinanong niya.
"O-okay naman po. Mabait po siya sa'kin."
"Aww, he's such a good boy, isn't he?" Nginitian ko na lang siya para hindi niya na ako tanungin pa.
"Tinuturuan niya ako sa studies ko, at tsaka maalalahanin po siya." Napakagaling ko ngumiti, tipong pumalakpak si tita sa sobrang fluttered.
"Sobraaaang sweet talaga niyang anak ko! Mabuti na lang at ikaw ang naging bestfriend niya, kaya naman bo-"
"MOMMM!" Sigaw ni Sunwoo mula sa kusina. Napatigil sa paglilitanya si Mrs. Kim at tumawa na lang.
"Nahihiya lang siyang pinupuri ko siya." Bulong ni tita at humalakhak.
Anlayo ng ugali nilang mag-ina huh.
Kakagat na sana ako ng tinapay ng mapansin ko ang tingin sa akin ni tita.
"Po?"
"Nothing, hija. Natutuwa lang ako kasi kasama ka namin dito ngayon. I'm sure masaya rin si Sun-ie natin." Kulang na lang kuminang ang mga mata ni tita sa saya.
"Ako nga po dapat ang magpasalamat kasi ininvite niyo ako ngayon." At nang ngitian ko si tita, tumawa na naman siya.
~
Pinilit ako ni Sunwoo na ihatid pauwi, gaya ng pinangako niya sa pinsan ko, umalis ako sa unit bago mag-alas dos.
Kung hindi ko pa maipapakita ang galit-galitan style ko kay Sunwoo, siguradong magpupumilit siyang ihatid ako.
Kakalakad ko, napadpad tuloy ako sa Nineteen Avenue, ito ang lugar na gustong-gusto ko puntahan dati pa. At ngayon nandito na ako pero malungkot naman ako. Hindi ko maeenjoy ang ganda dito. Habang kinakalma ang sarili ay umupo muna ako sa isang pavement malapit sa malaking fountain.
Nilabas ko ang aking phone at hinanap ang pangalan ng pinsan ko. Bahala na kahit pagalitan niya rin ako.
Daniel Kang
pinsan...
sent 2:18 p.m.
oh? asan ka na?
2:20 p.m.
kanina pa po ako umalis kila Sunwoo
sent 2:21 p.m.
mamaya na muna ako uuwi, pwede ba?
sent 2:21 p.m.
abay asan ka nga?
2:22 p.m.
basta, uuwi na lang ako kapag feel ko nang umuwi.
sent 2:23 p.m.
tss, anong nangyare?
2:23 p.m.
wala.
sent 2:24 p.m.
alam mo bang daan pauwi?
2:24 p.m.
oo, bye muna.
sent 2:25 p.m.
"Aish nakakainis talaga." Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko sa inis. Lalo na kapag naalala ko 'yong sinabi ng mama ni Sunwoo. Ayaw ko magtanim ng galit, pero ewan ko ba, naiinis talaga ako.
Lunch time na at kanina ko pa hinahangaan ang mga pagkain sa mesa. Hindi naman ako nagugutuman sa bahay pero iba pa rin kapag alam mong may tao na nag-effort magluto para sa'yo.
"These are for you, hija. Alam mo kasi, pangarap kong ipatikim ang mga niluluto ko sa babaeng dadalhin ng anak ko sa bahay eh."
Spicy chickens, grilled beef, potato stew, bossam, seaweed soup, cucumber kimchi... kakain na 'ko!
Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa'kin. Kumain na rin sila Sunwoo, salita na naman ng salita 'yong nanay niya.
"Oh ano? Masarap 'di ba?" Nagtaas-baba pa ang kilay ni tita kaya um-oo na lang ako. Masarap naman kasi talaga.
"Ano bang paborito mong lutuin, hija?"
"A-ah? Gusto ko po talaga magluto kaso 'yong pinsan ko, nilalait lang niya kaya tumigil na lang ako."
"Oh no no, dear. Huwag ka sumuko, okay? From now on, I'll teach you on how to cook, walang masasabi ang pinsan mo kapag natikman niya na ang matututunan mo sa'kin." Tiningnan ko si Sunwoo, hinihintay niya ang isasagot ko sa nanay niya.
"Opo." Nakangiti kong tugon.
"And of course... magagamit mo ang matututunan mo kapag naging mag-asawa na kayo ni Sun-ie, knowing my son, gustong-gusto niya kapag masarap ang hinahain sa kaniya."
Ano?
"Mom!" Saway ni Sunwoo, mas lalo lang nang-asar ang mommy niya.
"Hehe imposible 'yan." Mabilis akong mabwisit, okay? At sa mga oras na 'to, pinipilit ko na lang ang sarili kong ngumiti sa harap ng nanay niya.
"Kayo talagang mga bata kayo, ayaw na ayaw ng ganiyang usapin. Diyan rin naman kayo patungo." Umiling-iling pa si tita.
Natapos ang lunch namin at isinantabi ko na lang 'yong sinabi ni tita.
Nasa kusina kami ni tita, tinulungan ko siyang maghugas ng mga ginamit namin kanina. Nakakahiya naman kung wala akong gagawin. Siya ang nagbabanlaw at ako naman ang taga-tuyo.
"Ansipag mong bata. Noong kaedaran kita, ayaw na ayaw kong humahawak ng mga panlinis." Kwento niya. Lagi siyang parang nanginginang ang mata kapag nagsasalita.
Ako, masipag? Hindi ah.
"Anak, pwedeng favor?" Ambait ng pananalita ni tita, nakangiti pa niyang inabot ang babasaging pinggan at agad ko naman 'yong tinanggap.
Hinihintay ko lang siya magsalita habang pinupunasan ko ng cloth ang babasaging pinggan."Can you promise me na you'll always stay by my son's side? And kung masaya na siya kapag kasama ka niya, then make him happier. I know pagbibigyan mo ako sa simpleng pabor ko na 'to...bilang ina, gusto kong may mag-alaga sa kaisa-isang anak ko."
"Pero nandiyan naman po kayo para maalagaan si Sunwoo eh."
"That's it! I'm leaving Korea this May. Sa Italy nadestino ang trabaho ko." Hininaan niya ang boses.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayaw mawala ng lalim ng tingin sa akin ni tita.
Kaibigan ko si Sunwoo at sa tingin ko sapat na 'yon at hindi na kailangan ng pangako pa sa nanay niya. Kaya kong gawin ang mga sinabi ni tita, pero paano na lang kapag--
"Okaay, you promised!" Pinagdikit pa niya ang pinky swears namin at humalakhak pa.
"Tita, hindi po 'yon fair. Wala naman ak--"
"No." Naging seryoso ang mukha ni tita at nagpatuloy na sa pagbabanlaw ng mga plato.
Habang pinagpapatuloy namin ang ginagawa, isa lang ang naiisip ko.
Alam kaya ni Sunwoo ang pinagsasabi ng nanay niya?
Tumayo na akong pavement at napagdesisyonan na lang na pumasok sa ice cream parlor para lumamig ang ulo ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na ang vanilla ice scent sa akin, sinabayan pa ng malamig na buga ng air conditioner. Pumila na ako at um-order ng neapolitan ice cream. Pumili ako ng magandang pwesto, mabuti na lang may vacant seat pa ang gusto kong puwesto.
Gaya ng inaasahan ko, maganda ang interior nitong shop, the furnished but totally looked like unfurnished furnitures, neon lights, black and white chess tiles, retro-themed, the indie songs, at idagdag mo pa ang mga sine-serve nila.
Inilapag ko ang tray at pinicturan ang first ever ice cream na matitikman ko sa Nineteen Avenue.
Sinimulan ko nang kainin 'yong ice cream. Kakatapos lang tumugtog ng indie rock at sumunod naman ay old english.
Naalala ko tuloy si Iyen dahil sa kanta. Dalawang araw ko nang hindi nakikita 'yon. Dati sinusumpa ko ang weekdays, pero ngayon, mas gusto at mas excited na ako sa weekdays dahil ito lang 'yong araw na nakakasama at nakikita ko si Jeongin.
Six hundred and ninety minutes na lang at makikita ko na siya.