Chapter Six

1569 Words
CHAPTER SIX 1st of April "jogeumssik dagaga eun geun seuljjeok geonneneun mal urin eotteolkka jal eo ullindamyeon bukkeureobjiman naui soneul jabajullae neodo nacheoreom dalkomhan sangsangeul halkka~" Kanina pa ako naririndi sa mga kaklase kong nagtumpukan pa talaga sa unahan at nagkakantahan. Si Yedam ang naggigitara, kanina pa sila sinasaway ni Class Pres. Beomgyu kaso tinatarayan lang siya ni Chuu kaya wala nang nagawa si Beomgyu. Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Jeongin. Parang ilang araw na namang hindi nasuklay ang buhok niya at mukhang napilitan lang pumasok. "Walang donation?" Takang tanong niya nang mapansing walang kahit na anong pagkaing nakalagay sa desk niya. Kamot-ulo niyang nilapag ang bag. "Nasasanay ka na ah." Imbis na umupo ay lumabas siya. "Wait!" "Ano? Kakain ka rin?" Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. Sabi na nga ba magca-canteen siya eh. Mabuti na lang at kakaunti ang estudyante sa canteen tuwing umaga. Umupo na ako habang na-order siya. Kinakabahan tuloy ako. Pero susubukan kong hindi magpahalata ng kilig. Ilang beses na rin kami sabay kumain, achievement 'to! Maaga akong pumasok ngayon dahil excited ako sa first subject naming music, strikto lang ang teacher namin pero mapagtyatyagaan na. Inilapag ni Jeongin ang tray bago maupo sa katapat ko. "Nagda-diet ka ba?" Tanong niya nang nakakunot ang noo. Umiling naman ako. Ba't ako magda-diet? Sabi ng pinsan ko, mas maganda sa babae ang chubby. Hamburger at banana milk lang ang pina-order ko, nadagdagan ng kanin at ulam susme. "Psh, ubusin mo 'yan. Huwag mong gutumin sarili mo." Dahil sinabi mo, susundin ko. Huhuhu concern siya sa akiiin. "Oo na." Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng maramdaman kong nagvibrate phone ko. Inilapag ko saglit ang tinidor at tiningnan message sa phone. Kim Sunwoo sinilip kita sa room niyo,wala ka rito so asan ka? 7:37 a.m. oy, bawal ka sa floor namin, umalis ka jan. 7:37 a.m. canteen, kasama ko si iyen. 7:38 a.m. i thot nag-aaral ka para sa history? 7:39 a.m. maingay sa room 7:39 a.m. excuses. tss, mamaya ka na lang magyaja till 10 pm 7:41 a.m. daig mo pa pinsan ko sa paalala ah 7:41 a.m. Hindi ko na siya hinintay magreply at itinago na ang phone ko. "Si Sunwoo?" Pagkokonpirma ni Jeongin. Tumango naman ako at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos na kami kumain ay bumalik na rin kami sa aming building. Hanggang ngayon ay nagkakantahan pa rin sila. Nakaub-ob na ang president namin, habang ang iilan naman ay lalo pang gumagawa ng ingay. Dumiretso na ako sa table ko at sakto namang pumasok ang music teacher namin, si Sir Jinhwan, kaisa-isahang bata naming teacher pero siya pa itong laging highblood. Nagpanic ang mga maiingay kong kaklase at nagsibalikan sa kani-kanilang upuan. Hindi pumapasok sa utak ko ang pinagsasabi ng teacher sa unahan. Nakatingin lang ako pero lumilipad ang isip ko. Ilang segundo lang nang maramdaman kong nagva-vibrate na naman ang phone ko. Tiningnan ko muna kung hindi ba nakatingin sa sir bago maingat na kinuha ang aking phone sa bulsa. Itinago ko pa ito sa ilalim ng desk nang reply-an ko ang message ni Sunwoo. Kim Sunwoo daig mo pa pinsan ko sa paalala ah 7:41 a.m. bumalik ka na sa room mo hoy! 8:07 a.m. kanina pa kami nandito 8:07 a.m. huwag ka nang magtext, baka mahuli ako. 8:07 a.m. sorry, kita na lang tayo mamaya. 8:09 a.m. Itinago ko na ang phone ko at aangat na sana ng ulo nang makita kong nasa tabi ko na si Sir, mukhang kanina pa ako minamanmanan. "Give me the phone." Galit na utos ni sir at nilahad pa ang kamay. "P-po?" "Phone...ibibigay mo ba sa akin o palalabasin kita sa klase ko?" Pa'no na? Susme, si sir Jinhwan pa talaga ang naabutan kong sasamsam ng phone ko. Nakayuko kong sinuko na lang ang aking phone. "Using phones during class hours is strictly prohibited. Sigurado akong alam mo ang tungkol ro'n, Ms.Kang." "...sorry." Bumalik na sa unahan ang teacher kaya nawala na rin sa akin ang mga nanunuyang tingin ng mga hinayupak kong kaklase. Excited pa man din ako sa subject niya tapos makukuhanan lang pala ako ng phone! Katapat ko pa man din si Jeongin. Nakakahiya naman. Nagsusulat sa board ang teacher namin kaya naman imbis na tumunganga ay nagkopya na rin ako ng notes. Baka mamaya magalit na naman 'tong highblood na 'to. Mabilis na lumipas ang oras nang puro busangot na mukha lang ang pinakita ng aming teacher. Tuwing biyernes lang naman niyan kami pinapahirapan. Ibinagsak niya ang libro kaya naman napatingin kami lahat sa kaniya. "Get ready for your activity on friday. Bring your music sheets. Class president, send me a copy of the master list. Ms. Kang, you'll come with me." Nagpaalam na si sir Jinhwan kaya tumayo na ako para sumunod sa faculty room. Mabuti na lang morning break na namin. Kinakabahan tuloy ako, hindi niya pa kasi ibinigay phone ko kanina sa room bago siya lumayas. Nakakahiya kaya kapag sa faculty pa! Hindi pa ako nakakalayo nang may humila sa braso ko. "Ano? Tatawanan mo ba 'ko?" Bulalas ko nang maramdaman kong si Jeongin pala 'to. "Ani. Kukunin natin phone mo." Gusto mo lang kamo umalis sa room. "Wag na, ako na lang." Lalakad na ulit sana ako nang iwanan niya ako at nauna nang naglakad. Aish. Naglakad kami papuntang faculty. I knocked three times before going in, gripping on Jeongin's arm. Para-paraan lang 'yan. Nagbabasa kasi ako ng 'Subtle Ways To Touch 101'. "Sir Jinhwan..." I bowed my head, napansin niya ang kasama ko kaya napataas ang kaniyang kanang kilay. Tiningnan ko si Jeongin na nanlalaban sa titig ni sir. "As far as I know, ikaw lang ang tinawag ko..." He faked cough, pulling his drawer. Hindi na lang kami umimik. Bago niya ibigay sa'kin ang phone ay kung ano-ano pa ang pinuna niya. Nang mapasakamay ko na ay agad na kaming lumabas. "Ang ilap talaga ni sir." Nanggigigil kong sabi at tiniklop pa ang aking kamao. Tiningnan ko si Jeongin na kasalukuyang nakatitig pala sa'kin. Automatic bumukas ang aking kamay at napa-ayos ng tindig. Puta, na-conscious ako dun ah. "Hindi ka nun susungitan kung hindi mo ba naman ginamit ang phone mo." Pang-aasar nito. "Hoy ang ingat ko kaya. Matanglawin lang talaga si Sir. Psh." "Ayaw mo talagang magpatalo 'no?" Natatawang sabi nito at tinalikuran ako. Ambilis maglakad bwisit! "Ya!" Panghahabol ko. "Asdfhfk-" Aray ko. "Tayo jan... aigoo" Tinawanan pa niya ako at umupo ka-level ko. Huhuhu ang gwapo niya umupo. Nawawala ang sakit ng butt cheeks ko. "Ba't kasi bigla kang humarap?!" Tinanggap ko ang kamay niya tsaka nagpagpag ng palda. "Ba't kasi nasa likod kita at anlapit mo pa sa'kin?" Nilapit pa niya ang mukha para siguraduhing hindi na ako makaka-rebut. Hindi 'yong tanong niya ang pinansin ko kundi 'yong amoy niya. Nananadya ba siyang ipaamoy ang sarili niya?Loko 'to ah. ~ 8:58 PM Hindi nagbiro si Sunwoo tungkol sa sinabi niyang hanggang 10 pm ako ngayon. Wala na 'kong nagawa kundi sundin siya. Nauna na si Jeongin kaya back to Sunwoo ako ngayon. Nasa kabilang table naman sila Yujin, Beomgyu, at Junkyu. "Mukhang close na close na kayo ni Jeongin ah." Crush ko kasi psh. "Mabait naman siya, anong kataka-taka do'n?" Binuksan ko ang aking bag at hinagilap 'yong ginawa kong reviewer sa history. "Biglaan kasi eh...nga pala, iniimbita ka ni mommy sa bahay. Gusto ka raw niya makita, inaasahan niyang pupunta ka." Hindi ako sumagot, ayaw ko mangakong makakapunta ako 'no. "Hey, naririnig mo ba 'ko?" Kinuha niya ang DIY reviewer ko. Kapag 'yan nagkaroon ng kaunting punit, pupunitin talaga kita Kim Sunwoo! "Kelan ba? Hindi ako libre sa weekends." "Ipinagpaalam na kita kay Daniel-hyung and he already said yes." Napakurap ako sa tinugon niya. He made a decision nang hindi man lang hiningi ang opinyon ko! Nakakainis! "Siya ang isama mo tutal siya pala ang pumayag. Ni hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko ba o libre ba ako." Naibagsak ko ang precious lilac highlighter ko sa irita. "Pasensya na. Papayag ka naman 'di ba?" Pinagdaop pa niya ang kaniyang palad at inilapit ang mukha kaya naman hindi ko nakontrol ang ingudngod sa kaniya ang kamay ko. "Ano pa nga ba? Psh." "Sa Sunday, before lunch, Track Avenue, 120 sa kauna-unahang building." "Alam ko kung saan ka nakatira aish!" Iritang sabi ko. "Basta pumunta ka, ipagluluto ka ni mommy." Kinurot niya pa ang magkabilang pisngi ko, ngiting tagumpay siya dahil nanalo na naman siya. Ilang beses ko na rin nakita ang mama ni Sunwoo, pero nang mag-grade 12 na si Sunwoo, umalis si tita sa Busan. Nagsimula nang gumamit ng phone si Sunwoo kaya no choice na ako kundi basahin 'tong reviewer ko at 'yong nasa libro. Iba kasi 'pag binasa talaga sa libro detalyado. Ginawa ko lang naman 'yong reviewer para lagyan ko ng mga designs. Antahimik ngayon sa table namin at sa kabilang table. Mga page lang na parang napupunit ang naririnig, tsaka 'yong magclick ng pen. Pero imbis na magfocus at makapagconcentrate ako gawa ng katahimikan, lumipad lang lalo ang utak ko. 9:26 p.m. na, ano kayang ginagawa ni Iyen ngayon? Kumain na kaya siya? O kumakain na naman siya? Nakaka...argh! "Kung sino man 'yang iniisip mo, mamaya na 'yan. Na-didistract ka lang eh." Seryosong sabi ni Sunwoo na para bang nababasa niya ang iniisip ko. Napasabunot na lang ako sa'king buhok. Hindi bale, malapit nang mag-alas diez at makaka-uwi na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD