Chapter Five

1752 Words
CHAPTER FIVE 25th of March. "Gusto mo? Sa'yo na lang." Sumimsim muna siya bago ako alukin ng melon yogurt. Pagkapasok na pagkapasok niya ay may naabutan na naman siyang drinks at snacks sa desk kaya ayan, nilalantakan niya kahit hindi kilala kung sino ang naglalagay no'n doon. Nasa tamang upuan ako, siya itong dumayo sa katabing desk at pinepeste ako. "Ayaw ko, may laway mo na 'yan." Nakangiwi kong tugon at umub-ob. Tumawa na naman siya at kinulbit-kulbit pa ako. "Mas masarap pa nga ang laway ko kesa sa yogurt na 'to." Bulong niya na sinundan ng tawa at pagpalakpak. The heck? Inangat ko ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin "Aish mahiya ka nga sa pinagsasabi mo, Jeongin." Kinagat niya ang straw at kumamot pa sa batok niya, "Sabay tayo pag-uwi ha? Absent si Sunwoo." Hindi na ako nakapagsalita nang sumulpot sa harap namin ang bagong dating na si Yujin, ang may ari ng inuupuan ni Jeongin. Tumayo na si Jeongin at bumalik sa kaniyang desk. Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin sa first subject, si Sir Hyungdon. Nagsitahimik naman ang 2-C at umayos ng upo. Nilingon ko si Jeongin na pasimpleng ngumunguya ng Banana Crackers na tinatago pa niya sa ilalim ng desk. Kanina pa 'to kain ng kain ah? Palibhasa kasi marami siyang natatanggap na pagkain galing sa anonymous niyang manliligaw. "We'll be having your second semester seat plan." Rinig kong sabi ni sir kaya naman binaling ko na ang atensyon sa kaniya habang pinapakita sa amin ang cylinder na lalagyang may mga nakatiklop na papel. "Everybody, stand up and bring your bags then bumunot na kayo kung saan ang new seat niyo." Sumunod naman sila kay sir kaya gumaya na rin ako. Nagsibunot na sila, ang iilang lalaki ay binabalik ang mga nabunot dahil ayaw daw nila sa bagong upuan nila. Nang ako na ang bumunot ay agad ko itong binuksan. Seat no.16 Nilingon ko ang pwestong 'yon at nakitang nasa unahan ko lang ang dati kong katabi. Si Yujin na naman? Ano ba yaaann, walang thrill. Naglakad na ako sa napapuntang new seat sa akin at maingat na isinabit ang backpack ko. Hindi pa ako tuluyang nakakaupo nang may tumapik sa balikat ko. "Whaaat? Ba't nand'yan ka?" "Eh sa ito ang nabunot ko eh. Bakit? Ayaw mo ba akong katabi?" Muntik na akong mapasabi ng, gusto kitang katabi actually, nang makita ko ang dimples niya. Asdfghjkl. Lumayo ka nga sa'kin Yang! ~ Sa antok ay naibagsak ko ang ballpen. Napatingin naman ang mga katabi ko pero hindi ko sila pinansin, inismiran ko lang. Bagay naiinis ako sa natutulog naming teacher 'wag nila ako pakialaman. Sige, fite me. Tapos na ako magtake notes kaya halumbaba na ako at hinihintay na magising si Ma'am Sera. Inilabas ko ang phone para maglibang tsaka ime-message ko si Sunwoo baka kasi you know, pumayag siyang hindi muna ako makisapi kila Beomgyu hohoho. Kim Sunwoo oy, himala at umabsent ka, ano nangyari sa'yo? sent 4:21 p.m. ba't? miss mo na ako 'no? 4:22 p.m. hindi. kahit wag ka na pati pumasok. sent 4:22 p.m psh, anjan na 'ko bukas, sinundo ko lang si mommy sa Incheon. 4:24 p.m. oy, oy, sumama ka kila president niyo ha. 4:24 p.m. neverminddd, bye na nga sent 4:25 p.m. Isinilid ko na ang phone sa bag ko at inangat ang tingin. Psh, hindi pa rin nagigising si Ma'am, nakaka-asar na 'to! "Hoy." May bumato sa akin ng gasumot na papel. "Ano?" Nilingon ko si Jeongin na may sinusulat sa papel, iniabot niya 'yon sa'kin. Ano naman 'to? May gagawin ka after class? 'Yan 'yong nakasulat sa binigay niyang piraso ng papel na nilagyan pa niya ng smiley face. "Pinapa-attend ako ni Sunwoo sa group study mamaya eh." Mahinang sabi ko, hindi na siya umimik. Ilang saglit lang ay tumunog na ang bell, tsaka lang nagising si Ma'am Sera. Nagsitayuan na ang 2-C, mga nagsisiunatan at bulungang-bulungan tungkol sa teacher na walang kamalay-malay sa nangyayari. Tumayo na rin ako at kinuha ang mga libro sa ilalim ng aking desk at inilagay sa locker sa loob lang ng aming room. Nang kukuhain ko na sana ang bag ko ay wala na ito sa table ko. Napabuntong hininga na lang ako sa inis at lumabas para hanapin si Jeongin. Bwisit na fox yun ah nasalisihan ako. "Jeongin!" Dala-dala niya ang bag ko at... Hindi maayos ang pagkakabitbit niya! Ni hindi ko nagawang bitbitin ng ganyan ang bag kong 'yan tas siya lang pala ang maglalakas loob! Alam ni Sunwoo kung gaano ako kaingat sa bag ko! Tinakbo ko ang direksyon niya at inagaw ang bag ko. "Antagal mo kasi kaya ako nang nagdala." "Tss, mauna ka nang umuwi, may appointment pa ako sa mga huwarang estudyante." Walang ka-ekspre-ekspresyon ang mukha ko nang banggitin ko 'to. "Gabi ka uuwi? Hindi pwede!" "Hindi rin pwedeng hindi ko 'yun gagawin." Nilakasan ko ang loob ko at humarap sa kaniya. Alam kong mas makikita ko ng malapitan ang mukha niya kaya magkukunwari akong 'di affected sa dimples at ngiti niya. "Believe me, it's really not your job to follow his orders." His right brow raising as his hand pulling his frizzy hair. Bumuntong hininga na naman ako at napayuko. Sabi na nga ba hindi ko kayang makipag staring contest sa kaniya eh. "Pero pinsan ko ang nag-utos kay Sun-ie na magbantay sa'kin." "Tch, doesn't matter. Wala rin akong pake sa pinsan mo." Walang pasabi niya akong hinigit, he's holding me gently but making sure he'll get me out of this school in a speed. Hindi na ako umimik, bahala na. Mas gusto ko rin naman siyang kasama kesa pumuntang NS Building. Natagpuan ko na lang na nasa harap na kami ng Eastern Bay Waterfront. I gawked at him, asking, "Ba't tayo nandito?" He let go of my wrist, smiling. "Kasi dito lang kita kaya dalhin?" He laughed, scratching his nape. "Biro lang." Ang weird. Naglakad kami papunta sa pwesto namin no'ng nakaraan. Sabi ni Jeongin 'yon rin ang paborito niyang spot kasi mas maganda roon ang view paglubog ng araw. Sumandal ako sa railings habang nagcocompose ng pwedeng sabihin nang mahagip ng mata ko ang nasa kabilang ibayo. Noong nakaraang pumunta kami rito, wala ang ferris wheel na 'yon. Madali itong makaagaw ng atensyon dahil sa kakaiba nitong hugis sa bundok ng mga buildings. "Ah, anong makikita sa banda don?" I asked, pointing my finger. He leans closer, eyes focused north eastern. "Rides para sa summer vacation. Every year 'yan itinatayo d'yan." "Ang aga naman, spring palang eh...nakapunta ka na ba dun?" Tumango siya, "Ikaw?" "Sadly, hindi pa." "I can take you there. Gusto mo?" "Totoo? Dadalhin mo ako dun?" Nginitian niya lang ako. Umalis ako mula sa pagkakasandal at tiningnan siya. "Hey, two months na nga lang pala at grade 12 na tayo..." "...and a friend will leave." Sagot nito. Sunwoo will leave. He'll continue his college sa Seoul. Matagal niya nang nabanggit ito sa amin. Pero ngayong palapit na ng palapit ang panahon, mas nakakalungkot. Kahit naman bwisit si Sunwoo, kaibigan ko pa rin siya. "H-hoy, 'wag ka ngang umiyak jan, matagal pa 'yon, okay? Two months pa." Tinawanan niya lang ako at hinawi ang buhok ko. "Ba't kasi pinaalala mo pa?" "Ikaw ang nagsimula." "Ani, naalala ko lang dahil sa sinabi mong summer vacation." Suminghot singhot pa ako. "Wala ka bang panyo? Kadiri ka." Nakakunot ang noo niya habang pinapanuod ako magpunas sa sleeves ng uniform ko. Huwag niyang sabihing nandidiri siya sa itsurahin ko? Aba aba! "Aish..." Muntikan na akong magfreak out nang hawakan niya ako sa balikat at pinunasan ang mukha ko gamit lang ang palad niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig sa mukha niya. Mas masarap pala siya tingnan sa malapitan. Kaso nga lang medyo natatakpan ng nangungulot niyang buhok ang mata niya. Paano pa kaya 'pag nakita ko nang mas maayos ang mata niya?Jusko. Ang gwapo niya lalo dahil tumatama sa mukha niya ang sinag ng araw. Parang nasa photoshoot lang. Sa hindi ko malaman kung pang-ilan na, nakaramdam ulit ako ng kaba. Parang nagpaparty ang mga ugat sa puso ko. Why is he so natural when I'm this so conscious? Nako-conscious ako sa itsura ko right now. Nako-conscious ako sa hawak niya. Nako-conscious ako kasi alam kong nakatingin siya. Nako-conscious ako kumbakit ako nako-conscious. Tanginang conscious 'to! Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya sa akin. Hinawakan ko pa ang dibdib ko. Shet rinig kaya niya 'yon? "Rio." "H-ha?" Nagbago na naman ang timpla niya, nakaka-intimidate tuloy tingnan ang itsura niya. "We haven't had any formal greetings yet..." Huh? Oo nga ano? Kinakausap ko lang kasi siya randomly. Four years had passed, no exchange of names and hand shakes happened, ever. Inilahad niya ang kamay niya, "I'm Jeongin. Yang Jeongin." His pupil dilated while drawing a smile on his face. I was having second thought of taking his hand. Hindi dahil sa ayaw ko siyang maging kaibigan ha, pero last time kasi na nahawakan ko ang kamay niya nagwala veins ko eh. "Kang Rio, uhm seventeen." Nakatitig ako kumpaano maglapat ang mga kamay namin. May hand tremor ako! Nakakahiya! Bumitaw na ako sa kamay niya at nagpanggap na wala akong naramdamang pitik. "Hehehe." Kamot-ulo kong sabi at napanguso na lang. Kaso naalala ko baka punahin niya na naman kaya poker face na lang. "Ala, tingala ka, daliii." Pati grupo ng ibon na lumilipad pauwi kinabanuan ko. "Pambihira ka talaga." Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy pa rin ang pagsunod ko ng tingin sa mga ibon. Nang makalayo na ang mga ibon ay pinansin ko na si Jeongin, "Ang ganda lalo tingnan gawa ng kulay orange ang langit hehe, iniisip ko tuloy kung nasisilaw ba sila sa sinag ng araw doon sa taas?" Anong klaseng pag-iisip 'yon, Rio? Napa-aray na lang ako ng pitikin niya ang noo ko. "Kumain na lang tayo, gutom lang 'yan." Siya ang may dala ng bag ko habang naglalakad kami papuntang food truck. Iyon nga lang, mas maayos na ang pagkakabitbit niya kumpara kanina. "Iyen, yayariin ako ng pinsan ko kapag nalaman niyang nagskip ako ngayong hapon." "Sabihin mo sa kaniya, tangina mo kamo sabi ni Yang Jeongin." Yabang. Isang pitik ka lang ng pinsan ko luhod ka. "Not valid. Mas yayariin lang ako lalo non." "Tsk...just tell me kapag may ginawa siya sa'yo na sa tingin mo ikagagalit ko." That line got me troubled, at the same time, got me safe. Fuu~ano ba naman 'tong lalaking 'to! Hindi pa nga kami nakakakain, kung ano-ano na ang pinagsasabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD