"Arte-ate!" Umawang ang bibig ko. Touch na sana ako sa pabigay niya ng gamot, hindi naman pala bukal sa loob. Ay... ewan! "Arrianne! Ano ba ang pumasok sa utak mo at bigla ka na lang umalis?!" Singhal ni Nanay ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng quarters. Mabuti na lamang at wala ang iba kong mga kasama. Ang sakit siguro sa tainga kung sabay silang tumalak. Lalo tuloy akong nanghina. Hindi pa nga ako naka-get over sa mga nangyari kanina. Heto, sermon naman ang bungad sa akin ni Nanay. "Pasensya na po, Nay," halos pabulong kong bigkas. Tumiim ang bibig ko at yumuko pagkatapos. Bakas kasi ang inis sa mukha ni Nanay, ngunit may pag-aalala akong nakikita. Parang maiiyak pa nga. Guilty tuloy ako. Alam ko naman kasi na mali nga ang ginawa ko. Mali ang hindi kausapin si Sir Dante, bago

