Kabanata 11

1406 Words

Natawa ako. Paulit-ulit ang pagkiling ko sa ulo ko. Hindi... mali ang naiisip ko. Arte-arte ko nga raw, tapos gagamutin niya ang sugat ko. Imposible! Paulit-ulit akong umiling kasabay ang mahinang tawa. Para na nga akong tanga. Nahawa na yata ako sa pagkabuang ng boss ko, o dahil sa wala pa akong tamang tulog kaya kung ano-ano na lang naiisip ko. Pinilit kong burahin sa isipan ang walang basehan na naisip ko. Napabuntong-hininga ako pagkatapos magamot ang sarili. Naisip ko kasi... kung sakali ba na tinulungan ko si Sir Danny noong unang gabi na nagkita kami. Hindi niya ba ako pag-iinitan ng ganito? Magiging maayos kaya ang pakikitungo niya akin? Ayoko kasi ng ganitong feeling. Ang bigat kasi sa pakiramdam na may taong galit o ayaw sa akin. Gusto ko naman talaga sanang tumulong nang gabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD