Kahit anong pagmamatigas at pagpigil ko ay sapilitan pa rin akong hinila ni Sir Danny papasok sa pinto. "Sir... " tili ko nang sumalubong sa akin ang napakadilim na silid. Kaagad akong yumakap sa kan'ya. Talagang diin na diin ang mukha ko sa dibdib niya. Bahala na kung bahala, pero wala akong paki' kung ano man ang isipin niya. "Sir Danny, ayoko rito... ilabas mo na ako, Sir, please..." Pikit-mata kong paki-usap habang yakap pa rin siya. Mahigpit na mahigpit. Daig ko pa ang girlfriend na naglalambing sa klase ng pagyakap ko. Alam kong gulat siya. Nanigas nga kasi ang katawan niya, ni hindi nga ako nagawang itulak o kalasin man lang ang kamay kong mahigpit na lumingkis sa baywang niya. Tingin ko nga, napigil din niya ang paghinga. "Sorry... Joel, sorry," nasambit ko na may kasamang

