Sir Danny tightened his grip on my hand and gently faced the woman, habang ako tulalang napatitig sa magkahawak naming kamay. Nag-angat lang ako ng tingin nang marinig ang tawa niya. "Danny, many years have gone, but you still haven't moved on?" sabi ng babae, kasabay ang pag-iling. Mapang-asar din ang ngiti niya. 'Yong tipong pinu-provoke niya si Sir Danny. Hindi naman nagpatalo si Sir, mapang-asar din ang tawa niya na nagpahalukipkip sa babae at bumakas ang inis sa mukha. "I've moved on, but I still hate you to my bones!" So the next time, just pretend na hindi mo ako kilala dahil baka hindi ko na mapigil ang sarili na isumbat lahat sa'yo ang ginawa mo!" Walang prenong sabi ni Sir. Matalim na tingin ang iniwan niya sa babae na hindi na nagawang magsalita. Tahimik kong sinundan si

