Tumayo si Sir Danny at ngumisi. Ang talim pa ng tingin. Para tuloy akong natuod sa kinatatayuan ko. Akala ko pa naman mag-enjoy kami ni Nanay, hindi pala. Kasama pala itong boss kong buang. "Nay... hindi na lang po kaya ako sasama," pabulong kong sabi. "Hindi sasama? At sino ang gusto mong magbuhat ng mga bibilhin namin, si Nanay?" Nasa tapat na ng kotse si Sir Danny. Pero lakas pa rin ng pandinig niya o nabasa yata ang galaw ng bibig ko. "Hindi ko naman, po sinabing si Nanay ang magbubuhat... nandiyan nga po, kayo, Sir... " Yuko-ulo kong sabi. "Halika ka na, Arrianne," aya ni Nanay. Hinila pa ako. "kanina may pa talon-talon ka pa. Ngayon inarte ka na. Hala, pasok..." Nasermonan pa tuloy ako. Tahimik akong umupo sa tabi ni Sir Danny. Lumaki kasi ang mga mata niya kanina nang akmang

