Kabanata 5

2279 Words
Ilang araw din ako'ng nagmistula zombie. Hindi kasi maalis sa isip ko ang talim ng tingin ni Sir Danny. Pati mabantot niyang amoy, hindi mawala sa ilong ko. May pa bawal-bawal pa kasi. Tapos galit pala kapag sinunod. Ay, ewan. Bahala nga siya! Gagawa-gawa ng rules, ngayon sa akin binunton ang galit. Kung sa tingin nila, mali ang ginawa ko'ng pagsunod sa kalokohan nilang rules. Nasa kanila na iyon kung sisantihin nila ako. Ang tapang ko no? Bahag pala ang buntot kapag makita ang lasinggo. Kasalanan din ito ni Ate Mercy. May pa sabi-sabi pa kasi na magdilang angel. Ayon, nagdilang anghel nga. Unang kita ko pa lang sa boss kung lasinggo, sablay na. Badtrip na! Para tuloy ako'ng kriminal na nagtatago sa mga pulis. Panay tago at iwas ang ginawa ko, hindi ko lamang makita si Sir Danny. Pati nga anino niya takot ako'ng makita. Ayoko na kasing maulit ang nangyari. Lalong ayokong magkasakit sa puso nang dahil lamang sa kaniya. Mabuti na lamang talaga at hardinera ang pinasok ko'ng trabaho at hindi kasambahay. Sigurado kasi na wala ako'ng lusot na makaharap si Sir Danny at pagsilbihan siya. Pero si Sir Dante, hindi lang pala guwapo, mabait pa. Tama nga ang sinabi nila, wala ako'ng magiging problema pagdating sa kaniya. Madalas nga silang tumatambay ng kambal dito sa hardin. Todo puri rin nga niya sa akin dahil naibalik ko raw ang ganda ng hardin. Ganoon din ang mga bata, ang saya nila kapag nandito sila. Kinakausap din nila minsan ang mga bulaklak. Naisip ko nga mabuti pa ang mga bulaklak pinapansin nila, ako hindi. Pero sinunod ko lang din naman ang sinabi ni Aling Donna, huwag magtangkang kausapin ang mga bata. Sa tuwing nandito sila. Inaabala ko na lamang ang sarili sa mga halaman at masayang nakikinig sa mga tawanan nila. Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad pabalik sa quarters. Sinilip ko lang sandali ang mga alaga ko. Rest day ko kasi tuwing linggo pero ngayon lang ako lalabas. Bukod sa tamad nga ako'ng magliwaliw ng wala ako'ng kasama, ayoko rin na magsayang ng pera. "Arrianne, mag-iingat ka, ha. Tandaan mo ang mga bilin namin at sakaling magkaproblema, tumawag ka agad," paalala ni Aling Donna. Bumait na siya, ng kaunti. Pero ang mahal pa rin ng ngiti niya. Kalalabas ko lamang ng kwarto at magpapaalam na sana sa kanila, pero naunahan ako ng mga paalala nila. "Sigurado ka ba na kaya mo'ng umalis mag-isa, Arrianne?" nag-aalalang tanong naman ni Ate Sally. "Opo, 'wag kayong mag-alala kaya ko naman po, ang sarili ko. " 'Tsaka hindi naman po ako lalayo," tugon ko kay Ate Sally. Na hinagod pa ako ng tingin. Naka-jeans lang naman ako at naka white fitted na blouse . Hindi na kailangan magpaganda. Kasi dati na ako'ng maganda. "O siya, lakad na! 'Wag ka'ng magpagabi ng uwi ha!" sabi ni Aling Donna. Hindi matigil ang paalala. Kumaway na lamang ako dalawa. Mabuti na lamang at wala ang apat na kasamahan namin, siguradong matagal na usapan muna ang mangyayari bago ako maka-alis. Lagi nga kasi silang ganoon, lahat na lamang ng tungkol sa akin napupuna. Madalas nila ako'ng gawing sawsawan. Masarap na sawsawan! Matamis na ngiti ang salubong sa akin ni Ronan at ng dalawang guard na sina Kuya Julious at kuya Sam. Friends ko na rin sila. Mababait din naman kasi sila at parehong may pamilya na. Si Ronan lang ang single pa rin, gaya ko. "Himala at lalabas ka ngayon," nakangiting saad ni kuya Julious. "Expose ko lang po sandali ang beauty ko sa labas, Kuya Julious," pabiro kong tugon. "Ingat Arrianne," sabi ni Ronan na panay pa rin ang pa-cute!" "Kung talagang kursunada mo, mag-resign ka!" udyok ni Kuya Sam. Natawa na lamang ako at nailing. Napakamot kasi sa ulo si Ronan. Hindi magawang mag-resign. Hanggang pa-cute lang ang kaya niya. "Alis na po ako!" paalam ko sa tatlo. Sakto namang paglabas ko, may taxi na dumaan, agad ako'ng nakasakay. Nagpahatid ako sa simbahan. Matagal-tagal na rin kasi ang huling simba ko. Kailangan munang magpasalamat sa biyayang pinagkaloob sa amin. Matapos ko'ng magsimba diretso ako sa money remittance para magpadala ng pera kay Mama. Ang saya sa pakiramdam at nagbunga na ang sakripisyo ko. Mabuti na lamang talaga at mabait ang boss ko, maliban nga lang doon sa lasinggo. Unang sahod kasi ngayon, kaya ito rin ang unang padala ko kay Mama. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit hindi naman kalakihan ang padala ko. Alam kong mapapasaya ko si Mama. Wala pa naman kasi akong isang buwan na nagtatrabaho ang bait lang talaga ni Sir Dante at binigay din sa akin ang ilang araw na sahod ko kasabay ang sahod ng mga kasama ko. Matapos mapadala ang pera. Agad ko'ng tinawagan si Mama para sabihin sa kaniya. "Hello, anak," malambing na wika ni Mama mula sa kabilang linya. "Ma, unang sahod ko ngayon. May pinadala po ako sa inyo. E-check n'yo na lamang ang padala ko'ng mensahe," masayang balita ko kay Mama. "Ang aga naman yata magpasahod ng boss mo, Anak!" "Mabait po ang boss ko, Ma, kaya wala kayong dapat ipag-alala. Kunin mo na po agad iyong padala ko at bumili ka ng gamot." "Maraming salamat, Anak. Mag-iingat ka d'yan palagi," bumakas ang lungkot sa tinig niya. "Opo, Ma! Lagi po ako'ng mag-iingat. Ikaw din po. 'Wag n'yo pabayaan ang sarili mo, ha?!" Sinadya ko'ng maging masigla ang boses para maagaw ang lungkot na nararamdam niya. Gusto ko masaya lamang ang aming usapan. Kaya nga minsan lamang ako tumatuwag sa kaniya, dahil imbes na saya ang maramdaman namin pareho, lungkot ang nangingibaw. Kapag kasi lagi ako'ng tumatuwag mas dama namin na malayo kami sa isa't-isa. Mas dama namin ang lungkot. Kaya tumatawag lamang ako kapag may importanteng sasabihin. Pero panay naman ang padala ko ng mensahe. Mula pag-gising hanggang sa pagtulog. Hindi ako nakakalimot. At dahil sa nagutom ako matapos ang usapan namin ni Mama. Naghanap ako ng kainan na pasok sa budget ko. Sa isang sikat na fast food ako dinala ng mga paa ko. Kahit nakakadismaya sa sobrang dami ng tao. Nag-tiis pa rin ako na pumila hanggang sa maka-order na nga ako. And guess what? Another dismaya ang tumambad sa akin. Bitbit ko na ang tray ng pagkain. Wala naman ako'ng ma-upuan. May nakikita ako'ng tig-iisang tao na kumakain. Nahihiya naman ako'ng maki-table. Malungkot ako'ng tumingin sa hawak na tray. Sumabay pa ang pagkalam ng sikmura ko. Kung e-take out ko na lang kaya ito'ng pagkain ko. "Arrianne," rinig ko'ng may tumatawag sa pangalan ko. Pero hindi ko pinansin. Sigurado kasi ako na kapangalan ko lamang ang tinatawag ng kung sinong lalaki na iyon. Wala nga kasi ako'ng kakilala rito sa Maynila. "Arrianne Dela Zerna!" Biglang lingon ang nagawa ko. Medyo sumakit nga ang leeg ko. Sigurado na kasi, na ako nga ang tinatawag ng kung sinong mukong na pinagsigawan pa ang buo ko'ng pangalan. Salubong ang kilay ko'ng nakatingin sa lalaking papunta sa kinaroroonan ko. Ang lapad ng ngiti nito. Loko siya, ngingiti-ngiti. Dahil sa kaniya pinagtitinginan ako ng mga tao. "Loko ka! Hindi ba pwedeng lumapit ka lang at kausapin ako! Hindi iyong pinagsigawan mo pa ang buo ko'ng pangalan!" gigil ko'ng sabi. "Hindi ka pa rin talaga nagbago! M*ldita ka pa rin!" Imbes na mapahiya dahil sa turan ko. Natuwa pa ang loko. "Sino ka ba, damuho ka?!" Tama nga siya m*ldita nga ako at damuho siya. "Hindi mo na ako matandaan? Ang sakit naman... matapos ang lahat na nangyari sa atin?!" "Aba ay loko ka pala talaga! Anong nangyaring pinagsasabi mo?" Sobrang nakakagigil na ang lalaking ito. Malapit na nga'ng umusok ang ilong ko. "Relax, Arrianne... hindi ka naman mabiro," ngising sabi nito. "Hindi mo na ba talaga ako matandaan? Hindi mamukhaan?" seryoso na nitong tanong. Nanliit ang mga mata ko. Pilit ko'ng kinikilala ang pagmumukha niya. "Joel?!" Nakikilala ko rin sa wakas. Sa ilang minutong titig. Ngumiti siya at kinuha niya ang hawak ko'ng tray. "Upo na nga muna tayo." Wala na ako'ng nagawa kung hindi ang sundan siya. Bitbit na nga niya iyong pagkain ko. At saka gutom na gutom na nga ako. Pero ang laki ng pagbabago ng kababata ko. Kababata ko si Joel. Magkapitbahay, magkaklase mula elementarya, hanggang sekondarya. Ang dating payatot at pandak biglang nag-transform. Tangkad na niya at hindi lang 'yon ang ganda ng katawan. Bakat iyong... muscle niya. Pasimple ko'ng kinurot ang sarili. Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa isip ko habang nakasunod sa kaniya. "Wala ka ba'ng kasama?" tanong ko nang maka-upo na kami. "Wala... mag-isa lang ako. Kumusta? Ang tagal na rin noong huli tayong nagkita," sabi niya habang nilapag ang mga pagkain sa harap ko. "Oo nga, iniwan mo kasi ako!" biro ko. Bumabawi sa pagmamaldita ko kanina. "Kaya hindi kita makalimutan, malditang palabiro at matabil ang dila!" Sabay kaming natawa. "Kailan pa kayo lumipat dito sa Maynila, Anne?" "Hindi kami lumipat. Nandito ako para magtrabaho. Bumaliktad kasi ang mundo namin noong mawala si Papa," kwento ko. Hindi lang basta kwento ang ginawa ko. Sinalaysay ko lahat. Mula umpisa hanggang dulo. Gumaan nga ang pakiramdam ko. Nailabas ko ang nakatagong sama ng loob at hinanakit sa puso ko. Wala naman kasi ako'ng iba'ng mapagsumbungan sa mga nararamdaman ko. Kaya nasanay ako'ng kimkimin ang lahat at magkunwaring matatag sa harap ng iba'ng tao. Lalo na kay Mama. " 'Wag ka nang malungkot, Anne. Ngayong nagkita na ulit tayo. May maiiyakan ka na, may masusumbungan sa mga problema mo." Mapait na ngiti ang tugon ko. Kasabay ang pagpahid ng mga luha. "Salamat, Joel! Nagmaldita pa ako kanina. Paano kasi, hindi nga kita na mukhaan agad. Laki ng pinagbago mo." "Oo na... ang guwapo ko nga ngayon, kay sa noon! Sige na kumain ka na. Tama na iyang drama," sabi niya kasabay ang pagpahid ng luha sa pisngi ko. "Ang lakas ng hangin! Grabe!" pabiro ko'ng sabi. Tawa na lamang ang tugon niya. "Hatid kita, Anne, ha! Bawal tumanggi!" Tumango na lamang ako. Bawal nga ang tumanggi. Gaya ng sinabi ni Joel hinatid nga niya ako sa mansyon. Nagpalitan din kami ng cellphone number. Mukhang mapapadalas na ang labas ko tuwing rest day ko. Sabi kasi niya ipapasyal niya ako. "Mukhang wala ka nang pag-asa, Ronan!" rinig kong pang-aasar ni Kuya Julious, kay Ronan. Kabababa’ ko lamang ng kotse ni Joel. Na isa na palang seaman. Buti pa siya, nakapagtapos ng pag-aaral at natupad ang pangarap na magtrabaho sa barko. E, ako... Imbes na baril ang hawakan, dahil pangarap ko nga maging pulis. Hose ang hawak at mga halaman ang binabaril ng tubig. Buhay talaga. Parang life! "Magandang hapon po..." bati ko sa mga guard na pawang nakangiti lahat. "Talagang maganda ang hapon mo... hindi ba, Arrianne?" tugon ni Kuya Sam na may patanong pa na pinatatamaan si Ronan. Mapait na ngiti naman ang tugon ni Ronan na mahilig magkamot sa ulo. Ang dami yatang kuto. "Pasok na po, ako!" paalam ko sa mga ito. Rinig ko pa ang biruan nila. Pinagtutulungan asarin si Ronan. "Kumusta ang lakad, Arrianne?" salubong sa akin ni Ate Mercy. Sigurado ako'ng nasa loob na naman ng mansyon ang iba. "Ayos naman po, Ate Mers. Nagkita kami ng kababata ko. Ang saya!" nakangiti ko'ng sabi. Hindi ko kasi akalain na magkikita pa kami ni Joel. "Kababata nga lang ba talaga?!" mapang-asar nitong tanong. "Opo! Talagang kababata lang po!" madiin ko'ng sagot. Off-limit nga po muna ang boys sa buhay ko. Mama muna, bago love life! Iyan ang laging sinisiksik ko sa utak ko. Saka na ang pag-ibig kapag may naipundar na ako para sa amin ni Mama. "O, siya... magpahinga ka na. Para naman magising ka ng maaga at makasabay ka sa amin mag-breakfast bukas." "Okay po, Ate Mers," malambing ko'ng tugon. Kanina pa ako nakahiga pero utak ko, gumagala pa rin. Hindi rin mawala sa isip ko si Joel, masaya lang talaga ako at nagkita kami ulit. Mag-alas otso na nang gabi. Mulat pa rin ang mga mata ko. Dumungaw ako sa bintana, kita mula rito ang guard house. Kita ko rin ang tatlong guard na nagbibiruan pa. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanila na nagsusundutan pa ng tagiliran. Mukha lang nila ang kilala ko, mga pangalan nila wala na akong balak malaman. Pang gabi nga kasi sila, kaya wala ako'ng panahon na kilalanin sila. Napatuwid ako ng tayo nang makita ang mahinang patak ng ulan. 'Yong mga bulaklak ang naisip ko. Sayang ang mga iyon kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali ako'ng lumabas, bitbit ang payong at cutter. Kaagad kong pinitas ang mga bulaklak. Unti-unti na ring lumakas ang ulan. Wala na ako'ng paki mabasa man ako, maisalba ko lamang ang mga bulaklak ko. Mabilis ang kilos ko. Takot pa naman ako sa kidlat. Dalangin ko, sana 'wag munang kumidlat habang nandito pa ako sa labas. Yakap ko na ang napitas na mga bulaklak, at dadamputin na sana ang payong nang marinig ko ang pagbukas ng gate. "s**t!" Hindi nga ako naabutan ng kidlat, mas malala naman sa kidlat ang dumating. Nalito nga ako kung manatili na muna rito sa hardin o papasok na. Sa harap ng kotse nga niya ako dadaan. Magtago na lang kaya ako sa mga halaman. Paano naman kung kumidlat?! Wala akong ibang choice kun'di mabagal na lakad, yuko ang ulo at halos itakip na ang payong sa mukha. Narinig ko pa ang pagsara ng pinto ng kotse. Pero talagang hindi ko inangat ang payong at lalong ayokong makita ang pagmumukha niya at matalim na tingin. Na-trauma na ako sa unang tagpo namin. Mabuti pa'ng magkunwaring bulag at bingi pagdating sa kan'ya. "Arrianne!" tawag niya sa pangalan ko kasabay no'n ang paghawak sa kamay ko'ng nakahawak sa payong. Teka lang, nakuryente ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD