Kabanata 6

2387 Words
Ito naman si Sir Danny, pwede naman kasing sukob lang, walang hawakan. Ibang klaseng kuryente ang naranasan ko. Nanigas lang naman ang buong katawan ko. Pati panga at dila ko nanigas! Paano ba kasi, iyong kamay niya na sobrang lambot, hawak pa rin ang kamay kong magaspang! "Hey!" sigaw niya sa tainga ko. Muntik ko na tuloy mabitiwan ang hawak kong mga bulaklak. Lunok muna bago tingin ang ginawa ko. Ayan na naman ang mga mata niyang matulis pa sa patalim. Nakamamatay! "S-Sir Danny?" kanda-utal kong bigkas, na may kasabay na ngiting aso. Sana ay naging aso na nga lang talaga ako, nang makagat ko itong kamay niyang lapastangan! Na hanggang ngayon hawak pa rin ang kamay ko. "Ihatid mo ako sa main door!" madiin nitong utos. Kumurap ako ng ilang beses! Saka kunot noong tumitig sa kan'ya. Talagang tumitig ako! " Po?" tanong ko. "Bingi ka ba? Sabi ko, ihatid mo ako sa main door," ulit niya. "Ah.. Eh.. Sir!" Muntik ko nang mabigkas ang buong alpabetong pilipino sa kabang naramdaman! "Ano?!" bulyaw niya. Lunok laway na naman ako. Pastilan! "Sa'yo na po itong payong, Sir." Hinawakan ko ang kamay niya at nilagay iyon sa handle ng payong at patakbong lumayo sa kan'ya. Basa na rin lang naman ako. Ano pa ang silbi ng payong. Hingal ako nang makarating sa quarters. Niligay ko muna sa vase ang mga napitas kong bulaklak. Saka ko naman tinungo ang ref. Nakakauhaw! Basa ako sa ulan. Pero pakiramdam ko ang init-init, pawis na pawis ako. 'Magkaroon ka ba naman ng Boss ba buang! Gagawa-gawa ng rules, siya rin na man pala ang mag-uudyok na suwayin ito. Buang talaga! Naligo na lamang ako nang mawala naman ang inis ko. Lakas nang loob kong mainis! Kapag kaharap naman siya para akong kandilang dahan-dahang natutupos. Natapos na lang akong maligo at magbihis, hindi pa rin maalis sa isip ko ang buang kong boss. Sayang din kasi, guwapo sana, may saltik naman! Lasinggo pa! Habang nagpapatuyo ng buhok. Nag-message ako kay mama. Sinabi ko na nagkita kami ni Joel. Syempre natuwa naman siya. Alam niya kasi na close nga kami dati. Lagi kaming sabay umuwi. *** Ginising ako ng ingay mula sa loob ng mansyon. Rinig ko ang mga boses nila pero hindi ko maintindihan ang usapan. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at patakbong pumasok sa mansyon. Nahinto ako sa pagtakbo nang makita ang mga kasama ko, at si Aling Donna kasama ang aming mga boss. Sabay pa silang napatingin sa banda ko. Sh*t! Napalunok na lamang ako! "A-anong meron?" utal at taka kong tanong. "Buti at gising ka na Arrianne!" si Aling Donna, na may ngiti sa labi. Ito ang unang beses na nakita kong ngumiti siya. Maaliwalas ang mukha at 'di maitago ang saya. "Nagising po ako sa ingay, Aling Donna," sagot ko. "Akala ko po kasi may nangyayaring masama," halos pabulong kung tugon. Napasulyap ako sa lasinggo kong boss na matalim pa rin ang tingin. Kailan ba mapupurol iyang mga tingin niya! "Walang nangyaring masama Arrianne, Masaya nga kami!" nakangiting sabi ni Ate Sally. "Kita ko nga po," nahihiyang tugon ko. "Sige tuloy n'yo na ang usapan, balik na po ako sa kwarto," nakayukong paalam ko. Bumilog ang mga mata ko nang matuon ang paningin sa sariling dibdib. Paano kasi bumakat lang naman ang tuktok noon sa suot kong manipis na sando. Suot ko pa ang pamatay kong dolphin short! Bahagya na lamang akong nagtago sa likod ni Aling Donna, at pasimpleng niyakap ang sarili. "Dito ka lang may sasabihin pa sila Sir." pigil naman nila sa akin. "A-ano po kasi..." "Akala mo ba may namatay na kaya may ingay?" Putol ni Sir Danny sa pagsasalita ko. Lunok na sinundan ng pagkagat ng labi na lamang ang naging tugon. Todo yuko na rin ang ginawa ko, huwag lamang makita ang nakamamatay niyang tingin. Sumuksok na lang kaya ako sa damit ni Aling Donna. "Tama na nga 'yan Danny! Ang aga-aga nagsusungit ka naman. Hindi ka naman lasing!" saway ng Daddy niya. Hindi nga siya lasing at walang tama. Pero bangag pa rin kung umasta! Laging mainit ang ulo pero sa akin lang siya umasta ng ganito. Oo at totoong strict siya. Lahat napupuna, lalo na kapag tungkol sa mga anak anak niya. Kasalanan din kasi ito ni Aling Donna. May pa bawal-bawal pa kasi na sinasabi. E, masunurin nga ako, pagdating sa mga rules. "Gaya ng sinasabi ko kanina, rest day ninyong lahat ngayon. Sa inyo ang pool ngayong araw!" masayang sabi ni Sir Dante, na ikinatuwa ko rin. Nagpalakpakan pa ang mga kasama ko, at si Aling Donna. Kahit hindi ko kita ang mukha niya, alam ko kumiskislap ngayon ang mga mata niya. Kaharap ba naman ang guwapong si Sir Dante. "Happy Birthday, Donna," bati ni Sir Dante. Kaya ba sabi ni Ate Mers, sabay kami mag-breakfast ngayon dahil birthday pala ni Aling Donna. Sumulyap ako sa kaniya. Ngumiti at tumango lang siya. "Maraming salamat, Sir Dante," tugon niya. Napapangiti na lamang ako, nang marinig ang tila kinikilig na boses ni Aling Donna. Pero agad iyong napilis nang masalubong ang mga matang punyal ni Sir Danny. Alaga sa hasa talaga ang mga mata niyang iyan. Maganda nga sana ang kulay abohin niyang mga mata. Nakamamatay naman! Humakbang siya palapit kay Aling Donna. "Happy Birthday, Nanay kong maganda," bati niya sa matanda, at niyakap ito. Agad naman akong umatras mula sa likod ni Aling Donna. Naikurap ko na lamang ang mga mata ko na animo napuwing dahil yakap nga niya si Aling Donna. Mata naman niya, sa akin nakatutok. Tusukin ko kaya! Napasimangot na lamang ako, habang ang mga braso pasimpleng nakatakip pa rin sa dibdib ko. "Arrianne, anong problema, giniginaw ka ba? Bakit gan'yan ang hitsura mo?" puna sa akin ni Ate Sonia. "Opo... ang ginaw!" sabi ko na lang na may kasamang ngiting aso. "Sige na, maghanda na kayo!" agaw ni Sir Dante sa aming atens'yon. Bago ito nagsimulang pumanhik ng hagdan. Gano'n din si Sir Danny, na nag-iwan ng matamis na ngiti kay Aling Donna. Matalim na tingin naman ang iniwan nito sa akin. Pastilan! Kunti na lang talaga, magre-resign na ako, kay sa aatakihin ako sa puso! "Halika na Arrianne, tara na sa pool," nakangiting aya sa akin ni Sally. "Teka lang, mag-bra muna ako," wala sa isip kong sabi, at babalik na sana sa quarters. Natigil lamang ako dahil sa tawanan nila. "Anong nakakatawa?" nakanguso kong tanong. "Naku! 'Yang bunganga mo talaga Arrianne, walang preno," saway ni Aling Donna. "Talaga naman kasing wala po akong bra," pabulong ang bigkas ko sa huling salita. Sabi kasi niya wala akong preno. E, 'di pumpreno! "Huwag kanang mag-bra, Ate Arrianne," natatawang sabi ni Rita. Galing ito sa quarters. "Ito ang isuot mo," sabi niya, sabay bigay sa akin ang swim suit na kulay blue. "Hindi ka rin handa, Rita, no?" Binuklat ko iyon, okay lang naman akong isuot 'yon. Hindi naman kasi masyadong revealing. Pinarisan ko na lamang ng black fitted short'short. "Hoy... teka nga lang... akala ko ba, sa pool ang punta natin. Bakit nandito tayo sa loob?" tanong ko habang nakasunod sa kanila. "May nakita ka ba'ng pool sa labas Arrianne?" si Ate Sonia. Sandali niya pa akong nilingon at nagtuloy sa paglalakad. Oo nga naman halos mag-iisang buwan na ako rito, wala naman akong nakikitang pool sa labas. Malamang nandito nga sa loob ang pool na sinasabi nila. Tahimik na lamang akong nakasunod sa kanila. Dumaan kami sa mahabang hallway. "Wow," bulalas ko. Hindi ko mapigil ang mamangha. Ang ganda! Indoor pool na nasa gitna ng mansyon. Glass ang ceiling kaya kita mula sa loob ang mga bituin na nagkikislapan sa maitim na kalangitan. "Ang ganda talaga," nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Hindi mawala ang ngiti ko. First time ko kaya ma experience ito! May nakahandang pagkain rin at cake. Love talaga ng mga boss si Aling Donna. Swerte niya. Ako kaya, kailan magiging love nila. Asa! Agad naligo ang mga kasama namin. Naiwan kami ni Aling Donna. Hindi man lang nila alintana ang lamig ng tubig. 'Tsaka sobrang maaga pa para mag-swimming. Hindi pa nga sikat ang araw. Tahimik lamang akong naka-upo sa gilid ng pool. Kinukumpas ang mga paa sa malamig na tubig. "Puntahan mo na ang mga kaibigan mo," basag ni Aling Donna sa katahimikan. Nasa tabi ko na siya. "Mamaya na po, masyado pang maaga. Baka hindi ko kayanin ang lamig at hindi lang dila ko ang manigas. Buong katawan na!" patawa ko, tipid na ngiti lamang ang tugon ni Aling Donna. "Ikaw bahala," tugon nito. Ang hirap kausap nito. Tipid na nga ngumiti, tipid pa magsalita. Pero kapag magbigay paalala ang haba. "Close pala talaga kayo ni Sir Danny, Aling Donna," basag ko sa katahimikan. Nilingon niya ako at tipid na ngumiti. "Oo, parang tunay na anak nga ang turing ko sa bata na 'yon." Tinawag na naman niyang bata ang damulag na 'yon! "Aling Donna, alak ang nilalalak no'n! Hindi gatas! Makatawag kayong bata..." Hampas sa hita ang napala ko dahil sa sinabi ko. "Aling Donna, naman!" nasabi ko na lamang, kasabay ang paghaba ng nguso. "Iyang bunganga mo kasi! 'Wag mong kalimutan, boss pa rin natin ang pasaway na lasinggong 'yon!" Nakamot ko na lang ang batok. Close nga pala sila, malamang doon siya kampi at hindi sa akin. "Kahit naman gano'n 'yon! Mabait pa rin naman," sabi ni Aling Donna. "Sa inyo mabait, sa akin hindi!" kontra ko. Mahaba-habang katahimikan na naman ang namagitan sa amin. Hinahawi-hawi ko na lamang ang tubig sa paa ko. Kasabay no'n ang pagbuntong-hininga. "Puntahan mo na iyong mga kaibigan mo," basag na naman niya sa katahimik. "Nakakahawa na iyang lungkot mo!" Iiling-iling pa siya. "Pasensya na po, naalala ko lang po ang Mama," malungkot kong tugon. Natawa naman ako nang marinig ang pagbuntong-hininga niya. Nahawa nga yata sa lungkot ko. "Lahat kami rito, dumaan sa pangungulila sa pamilya, sa mahal sa buhay. Kaya naintindihan namin ang nararamdaman mo. Kung kailangan mo ng kausap, handa akong makinig, Arrianne," madamdaming sabi nito. Hindi na ako makatingin kay Aling Donna, dahil sa namumuong luha sa mga mata na agad kong pinahid. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong niyakap. Ang luhang pinigilan kong pumatak, malaya nang umagos sa aking pisngi. "Miss na miss ko na po ang Mama, Aling Donna," humihikbi kong sabi. Mas humigpit ang yakap niya, kasabay na ang pagtapik sa likod ko. "Tahan na... tandaan mo lahat ng hirap at sakripisyo na iyong ginawa ay may katumbas na saya." "Anong drama na naman ba 'yan, Arrianne? Pina-lungkot mo naman si Aling Donna, birthday niya ngayon kailangan happy tayo," nakangiting sabi ni Ate Sally, kasabay ang pagwisik ng tubig sa amin. "I love you, Ate Sally," Natawa na lamang sila sagot ko. "I love you too," pasigaw na sagot niya, sabay ang tawa. "Kayo lang?" sabay sabi naman no'ng apat. "I love u four," sabi ko na lang, para isahang bigkas na. Natawa naman silang lahat, pati si Aling Donna. Pinahid ko pa ang natitirang luha sa aking pisngi at muling sumulyap kay aling Donna. "Tara na po, Aling Donna, swimming na tayo," aya ko nang mapansin ang pagliwanag ng kalangitan. "Kayo na lang, hindi naman ako marunong lumangoy," sabi niya. "Sige po puntahan ko na sila," nakangiti akong tumayo at nag-dive papunta sa mga kasama ko. Para kaming mga bata na naglalaro sa pool at naghahabulan. Buti na lamang talaga at mababait itong mga kasama ko. Nababawasan ang nararamadam kong lungkot. "Ouch!" nasambit ko. Paano kasi 'yong punyal na mga mata ni Sir Danny, nakatutok na naman sa akin! "Anong nangyari sa'yo, pinulikat ka ba?" tarantang tanong ni Ate Sonia, at hinawakan ako. Umiling ako."Hindi... kasi si Sir Danny, nand'yan sa may bulwagan may hawak na beer, mukhang galit!" Sabay pa silang tumingin sa kinaroroonan ni Sir Danny, na siya namang pagtalikod at umalis. "Ikaw kasi ate, kung anu-anong sinabi mo unang kita n'yo pa lang," paninisi ni Rita. "Iyon naman talaga ang bilin sa akin ni Aling Donna," sagot ko kay Rita. "Hindi lang naman ikaw ang takot sa boss nating iyan, Arrianne, kami rin! Kaya nga ingat na ingat kami sa mga kilos namin! Ikaw, parang ewan na hindi marunong magpreno!" "Kanino ba kayo kampi? Sa akin o do'n!" kunwari tampo kong tanong. Pagalitan ba ako. "Syempre... sa kan'ya!" bungisngis ni Ate Sally. "Pasensya, siya nagpapasweldo sa atin!" sabi pa nito. "Huwag mo na lang pansinin," sabi ni Ate Mercy. "Mag-focus ka na lang sa trabaho mo. Malay mo matuwa 'yon kapag nakitang ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo at bigyan ka ng bunos!" natatawang sabi ni Ate Sonia. Tama nga naman sila. Gawin ko na lamang ng maayos ang trabaho ko. Pipilitin na hindi kami mag-abot. Para iwas stress! Biglang sumagi naman sa isip ko nangyari kagabi. Bumalik na lamang ako sa kina-uupuan ni Aling Donna, at muling tumabi sa kan'ya. "Ang bilis mo naman mapagod," sabi ni Aling Donna. "Hindi po ako pagod! Nawalan lang ng gana!" tugon ko. "At bakit?" taka niyang tanong. "Dahil sa punyal na mga mata!" tugon ko, na ikinatawa ni Aling Donna. "Buti nga at punyal lang ang nakita mo, at hindi espada!" natatawang sabi ni Aling Donna, na ikinakunot ng noo ko. "Aling Donna, magre-resign na talaga ako kapag espada na ang nakita ko. "Masanay ka na lamang sa mga tingin ni Danny, gano'n lang talaga iyon!" Masanay, paano ko naman magagawa 'yon?! Malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan ko. "Nanay," sabi niya. "Huh?" nagtataka kong tanong. "Mula ngayon, Nanay na ang itawag mo sa akin," seryoso ang mga tingin niya. "Talaga po, pwede ko na po kayong tawaging Nanay? Gaya ni Sir Danny?" 'di makapaniwala tanong ko. Tumango siya at ngumiti. Niyakap ko naman siya nang mahigpit. "Matagal na po kitang gustong tawagin na Nanay, nahihiya lang po ako," sabi ko pa. "Alam ko, ramdam ko naman kasi na miss na miss mo ang Mama mo. Kaya ako muna ang Nanay mo rito." Niyakap ko uli siya ng mahigpit. Lumapit na rin sa amin ang lima at nakiyakap na rin sa amin. Dapit hapon nang mag-decide kami na magligpit. Nilinis na rin namin ang pool. Bitbit ang mga gamit, at mga tirang pagkain. Masaya kaming naglakad sa hallway. Panay biruan at tuksuhan. "S-sorry po," utal kong sabi, at agad dinampot ang beer na nahulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD