Kabanata 7

1305 Words
Halos manginig ang buo kong katawan nang makita ang pagbagsak ng beer sa sahig, natapon ang laman niyon. Kaagad ko iyong dinampot. "Tanga!" singhal ni Sir Danny. "P-pasensya na po!" yuko-ulo kong paghingi ng pasensya saka inabot sa kaniya ang beer. Tiningnan niya lang at hindi tinanggap. "Ipapainum mo pa sa akin iyan?! Tanga ka nga!" patanong niyang singhal. Napanguso na lamang ako habang nakayuko. Tumalsik pa laway niya sa mukha ko. "Itapon na 'yan, tanga!" Talagang may pahabol pang singhal bago tumalikod. Pigil ang iyak ko nang humarap sa mga kaibigan ko at kay Nanay. Tinapik na lamang nila ang likod. "Hindi ko naman po, sinasadya!" aniko "Oo, alam namin na hindi mo sinasadya. Pagpasensyahan mo na lamang si Danny," sabi ni Nanay. Pasensya na naman. Hanggang kailan?Malamang hanggang sa boss ko siya at hardinera nila ako. Ang hirap makisama sa taong gaya niya. Kung makapagsabi ng tanga. Parang ang laki ng nagawa kong pinsala. "Sige na, mauna na kayo, Sally, Mercy!" utos sa amin ni Nanay. Matamlay akong naglakad, at tahimik na sinundan ang mga kasama. Hawak ko pa rin ang beer. Kaunti lang naman ang natapon. E, ang arte niya. Patapon agad! "Sige na Arrianne, magpahinga kana. Kami na ang bahala rito. Kuta ka na kay Sir Danny." Malungkot na tingin na lamang ang tugon ko sa kanila, at matamlay na pumasok sa kwarto. Mapakla pa akong ngumiti habang nakatingin sa hawak na beer. Inumin ko kaya! Nilapag ko na lamang iyon sa bedside table, saka ako pumasok sa banyo. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Pati pagligo tinatamad ako. Bakit ba kasi lagi na lang akong sablay kay Sir Danny?! Hinarap ko uli ang beer. "Ano ba ang problema mo, ha?! Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?!" kausap ko sa beer at dinuro-duro iyon saka dinampot at tinungga! "Ang pait pala! Hindi masarap!" pero inubos ko na rin. Sayang kasi! Masaya na sana ang araw ko, nasira pa! Sinubukan kong matulog pero ayaw talaga ako dalawin ng antok kahit pa pagod ang katawan ko. Naisipan ko na lamang na magpunta muna sa hardin. Pinipilit kong mawala sa sistema ang nangyari kanina. Iyong takot ko kay Sir Danny, napalitan ng inis. Alam kong wala akong karapatan. Pero tao nga lang ako hindi ko hawak ang emosyon ko. Pakanta-kanta ako habang nakangiting nilibot ang hardin. Nawawala ang sama ng loob ko, sa tuwing nandito ako. Umupo ako sa steel chair kalaunan. Tumingala sa kalangitan kasabay ang mataimtim na dalangin. Tiis-tiis lang... matatapos din lahat ng paghihirap ko. "Arrianne." Bigla akong napalingon nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Nakusot ko pa ang mga mata ng makita kung sino ang nasa likod ko. "Sir Dante, magandang gabi po," magalang kong bati kasabay ang pagtayo. "May kailangan po ba kayo?" tanong ko. Kasabay ang pagsulyap sa relo ko. Mag-alas onse na pala. "Wala... magpapahangin lang..." matamlay na tugon nito. "Mahamog na po, Sir... baka magkasakit po kayo. Alam mo na naman kapag tumatanda, madaling sumasakit ang mga kasukasuan. Kaya nga ang Mama ko, hindi ko hinahayaan na magtagal sa labas kapag gabi na." Natigil ang pagsasalita ko nang marinig ang tawa ni Sir. Napatakip ako ng bibig. Wala nga talaga akong preno. Nakakahiya! "Pasensya na po." Sekretong tinampal ko ang bibig kong matabil. "Sobrang tanda ko na ba talagang tingnan, at iyan ang naisip mo?! nakangiti nitong tanong. "Hindi na naman, po. Sa tingin ko nga po, ang guwapo n'yo pa rin!" Malakas na tawa ang tugon ni Sir. Ayoko nang magsalita. Kung anu-ano kasi ang lumabas sa bibig ko. Buti na lang at mukhang natutuwa naman itong si Sir. Sa bagay, kahit sino naman siguro kapag nasabihan na guwapo ay siguradong matutuwa. Mamumukadkad ang atay! "Ang swerte ng mga magulang mo, Arrianne, ang bait mong bata," seryoso nitong sabi kasabay ang matamlay na pagtayo. "Ang swerte ko rin sa Mama ko, Sir!" sabi ko. Tipid na ngiti ang tugon niya saka ito naglakad papuntang main door. Ramdam ko ang lungkot ni Sir Dante. Kahit pa ngumiti at tumatawa ito, bakas pa rin ang lungkot sa mga tawang iyon. Muli akong umupo nang tuluyan ng pumasok si Sir Dante sa loob ng mansyon. Ninanamnam ko ang lamig ng hangin. Kapag ganitong gabi na, pakiramdamdam ko nasa probinsya pa rin ako. Ang tahimik kasi dito. Maski ingay ng mga sasakyan wala kang maririnig. Malayo kasi ang exclusive village na ito sa syudad. Lumanggap ako ng sariwang hangin. Pero siya namang pagbukas ng gate at pumasok ang sasakyan ng boss namin lasinggo. Sariwang hangin ang gusto kong malanghap pero mabantot na guwapo ang dumating! Nagkunwari akong walang nakita at narinig. Ni ang lumingon pa sa banda nila hindi ko ginawa. Gusto ko ngang magtago. Pero sa liwanag ba ng ilaw dito sa hardin kahit saan ako sumuksok makikita pa rin ako. Magkunwari! Iyon lang ang pwede kong gawin. "H-oy, A-rrianne!" Tawag niya. Naipikit ko ang mga mata nang marinig ang tawag niya. Hindi pa agad ako lumingon. Nagkunwari nga akong bingi! "A-rrianne!" singal na tawag nito. Tapos na ang pagkukunwari ko. Galit na ang buang! Dahan-dahan akong tumayo at humarap. Matapos ng nangyari kanina, iyong takot ko nga kasi napalitan na ng inis. Baka hindi ko na mapigil ang bunganga ko, at makalimutan kong boss ko nga siya. Hindi ko kasi maintindahan kung bakit sa simpleng bangga at pagkahulog ng beer niya ay ganoon na ang galit niya. Pwede naman niya akong kausapin ng maayos. Pagsasabihin pero hindi ganoon na ipapahiya niya ako sa harap ng mga kasama ko. Maintindihan ko pa kung lasing siya kanina. Dahil wala namang lasing na nakapag-isip pa ng tama. Kagaya ngayon. Bangag na naman siya. Panay tawag pa sa pangalan ko. Kapag hindi lasing, parang hindi alam ang pangalan ko, na basta na lamang niya palitan ng tanga! "H-alika!" sigaw niya. Bumuga ako ng hangin. Pero hindi agad kumilos. Pinanood ko lang ang pasuray-suray nitong paglalakad. Sa totoo lang, hinihintay kong mangudngod siya nang makatawa ako ng bongga! Hindi nga nagtagal nangudngod nga. Pero hindi ko naman magawa ang tumawa ng malakas. Sekretong tawa lang ang nagawa ko. "Buti nga!" bulong ko pa, habang nakatingin lamang sa kaniya. "H-indi mo pa rin ba ako t-tutulongan? W-ala ako sa main door!" natatawa niyang sabi. Nakuyom ko ang mga palad ko! Gusto ko itong sigawan. Sinusubok kasi nito ang pasensya ko. Sa tuwing lasing kasi siya, pinipilit niya akong lumapit sa pinto. "Ano!" singhal na naman nito. "Tutulong po!" tumaas ang boses ko. Lumapit ako at marahas itong tinayo. Pero gusto ko rin itulak pagkatapos. Hindi kasi dapat tinutulungan ang mga tao na ganito. Kagustohan nilang maglasing at magpakalunod sa alak. Tapos magpapatulong kapag hindi na kayang maglakad. Shit naman! Sabi ni Nanay, hardin lang ang trabaho ko. Bakit pati pagtulong dito sa lasinggo kong boss trabaho ko na rin. Hindi lang kasi isang beses ito nangyari. Paulit-ulit na. Ang nakakainis lang. Imbes maging thankful siya sa pagtulong ko. Galit pa siya kinabukasan kapag hindi na siya lasing. Nasaan ang hustisya do'n! "Hatid mo 'ko!" singal niya. "Opo!" madiin kong sagot!" "Galit ka!" "Hindi po!" Nagngitngit ang mga ngipin ko sa inis. "Hatid mo 'ko do'n!" turo niya ang malaking pinto. Hindi na ako nagsalita, kahit makipagtalo pa ako wala rin saysay. Anong laban ko sa lasing. "Saan mo 'ko daldalhin?! utal nitong tanong. Hindi ako umimik. "Bitiwan mo 'ko!" utos niya, kasabay ang pagtulak sa akin. "Ahhh... d*ing ko," nasubsob ako sa semento. Gasgas ang siko at tuhod ko. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Ang lakas niya pa rin kahit lasing. Kahit masakit ang tuhod ko. Tumayo ako at hinarap ang nakaluhod na lasing. Yuko ang ulo niya at hindi na halos ma-angat. "Ang sama ng ugali mo! Ikaw na nga ang tinulangan, ikaw pa ang may ganang manakit." "Arrianne!" rinig kong singhal mula sa likod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD