"Arrianne!" malakas na singhal ang umuntag sa akin mula sa likuran ko. "Sir Dante..." nahihiyang sambit ko. Kaagad akong yumuko nang makita ang galit nitong mukha. "Pasensya na po." Hindi ko na magawang tingnan ang boss kong matanda. Sa galit niya, alam kong may paglalagyan ako. Alam kong sumubra na rin ako. Boss ko pa rin kasi ang loko-lokong lasinggong ito na tumulak sa akin. Hindi dapat ako nagbitaw ng ganoong salita. Pero sinagad niya kasi ang pasensya ko. Tiniim ko ang mga mata kasabay ang pagbuntong-hininga. "Pumasok ka na Arrianne! Bukas na natin pag-usapan itong nangyari!" sabi niya na bakas sa boses ang dismaya. "Pasensya na po uli, Sir Dante," ani ko at matamlay na tumalikod. Ramdam ko ang pagkirot ng mga tuhod at siko ko, ngayong paalis na ako sa harapan nila. Kanina ka

