DANNY POV Lumukso na naman ang puso ko nang makitang nag-aalala si Arrianne. Dinala na naman ako sa alapaap ng sayang nararamdaman. Kahit alam kong lalagapak din naman ako matapos ang sandaling saya ko. Pero mahal ko nga, kahit simpleng galaw niya napapasaya ako. Nakakalungkot lang na kailangan ko munang itago ang nararamdaman kong saya. Nakakapagod. Pero sige lang ... tiwala lang. Tuloy pa rin siya sa paghimas sa tiyan ko na hinayaan ko lang. Pero nang bumaba ang paningin ko sa kamay niya ay kaagad niya iyong inangat. Parang napaso. Pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Walang kurap na tumitig ako sa kan'ya habang dahan-dahang nilapat ang palad niya sa tapat ng puso ko. "Ito, ang masakit, Arrianne ..." halos pabulong kong sabi. Sabi na. Lumagapak din kaagad ang sayang nara

